Chapter 47: Weird Guy

6.4K 248 97
                                    

"SWEETHEART, do you know that guy?"

"No." Mabilis na umiling si Talia.

"He's like, he knows you. Tinawag ka niyang Trinity."

"I don't know as well. Alam mo naman na after I had surgery, I forgot everything. Sabi nung Doctor, it's like retrograde amnesia but this one, hindi na babalik pa ang mga alaala na iyon. I lost all of it. Hindi ko nga alam kung may pamilya ako. Ang tanging kilala ko lang ay si Amara Legrand, who introduced herself to me and said we've been best friends since high school and are still best friends today." At totoo ito, ang sabi lang ni Amara ay wala siyang pamilya maliban dito bilang best friend niya.

"Sorry to hear that again, sweety."

Ngumiti si Talia sa asawa. "No, don't be. Sabi ni Amara, kinailangan akong operahan sa utak to remove the tumor and to save my baby as well. Maliit ang chance na makaligtas ako and Thank God, miracles do happen because look at me, I'm alive."

"Thank you, sweetheart. I'm happy na naging asawa kita. Kahit hindi ako ang totoong ama ni Eliam at Emmett, pakiramdam ko ako pa rin ang tunay nilang ama."

"Tinuring ka ng kambal na ama nila kahit hindi."

"Yeah, yeah. They're a little naughty devil but I love our Twins! Especially ang Mommy nila na napakaganda."

Natawa si Talia sa sinabi ng asawa. Isang taon pa silang kasal at dito na sila naninirahan sa El Nido.

Paminsan-minsan ay bumibisita si Amara at nagkikwentuhan silang dalawa kasama ang asawa nitong si Azael at anak. Amara is the best friend and sister she ever had.

Ayon kay Amara, isang taon siyang comatose. Isinilang niya lang ang kaniyang kambal sa pamamagitan ng c-section. Biniro pa siya ng babae na isang buong kompanya ni Azael sa Canada ang ibinayad nito kay Dr. Hudson Herrence Hayes para lang sa kaniya.

Naging mahirap daw ang kaniyang operasyon at tatlong magagaling na Doctor ang nagtulong-tulong para matanggal ang tumor sa utak niya. Hindi niya na kinilala ang dalawa pang Doctor kung sino ang mga ito. Basta, nagpapasalamat siya kay Amara at sa mga Doctor na nagbigay ulit ng kaniyang panibagong buhay.

Nung una ay nalungkot siya nung wala siyang maalala kahit katiting na nakaraan niya, pero sa tuwing napapatingin siya sa dalawa niyang anak na kambal, nagkakaroon siya ng pag-asa.

Hanggang sa nakilala niya si Rowan sa isang party event. Birthday ni Azael at invited ito bilang ka-business partner at nagkakilala sila. Naging malapit na kaibigan, hanggang sa nanligaw ito, tanggap na may anak siya at sinagot niya. Nag-offer ng kasal pagkatapos nang tatlong buwan nilang may relasyon at ngayon, isa na siyang Mrs. Talia Rodriguez.

"What do you want for breakfast, sweetheart?" Mayamaya'y tanong ni Rowan. Naghahanda ito nang lulutuin sa umagang ito.

"Um, how about adobo this morning?" Pabirong saad niya.

"Bakit hindi para sa maganda kong asawa?"

Ang lakas nang halakhak niya. Kahit ano talagang bagay ang hihingiin niya rito ay binibigay nito. Katunayan niyan, si Rowan ang nagbigay sa kaniya nang Trattoria Altrov'é El Nido restaurant dahil alam nitong mahilig siya magluto at kumain.

Ilang sandali pa ay tapos nang magluto ang asawa niya. Hinanda na nito ang pagkain nila sa mesa saka niya ginising ang kambal na mahimbing pang natutulog.

"Hey Eliam, Emmett! Wake up. Adobo ang breakfast natin with egg." Sandali siyang umupo sa tabi ng kama.

Nang marinig ang kaniyang sinabing ulam, kaagad nagmulat ang dalawa. Paborito kasi ito nang kambal niyang makukulit!

Si Eliam kasi, likas na makulit at mahilig mang-asar. Super active sa lahat! Mahilig sa sports at may katigasan ang ulo.

Habang ang kaniyang Emmett ay tama lang. Mahilig din ito sa sports. Magalang at masinop sa lahat ng bagay. Tumutulong din ito sa kusina at nakikita niya na sa paglaki nito ay magiging chef itong anak niya.

Hindi nga halata na magtatatlong taon ang mga ito dahil malalaki at matatangkad silang bata. Parang anim na taon na sila tingnan sa kanilang tangkad at tuwid na pananalita. Napapansin niyang masyadong advance ang isip ng dalawa.

Parehong-pare din ang dalawa ng mukha. Sa galaw. Kilos at pagnagsasalita. Kaya ang ginagawa ni Talia para hindi siya malito ay nilagyan niya ng palatandaan kung sino si Eliam at Emmett. Maloko kasi itong si Eliam at kinukuntsaba nito ang kapatid na magpalit ng pangalan para i-prank siya.

"Mommy! Napaginipan kita at si Daddy." Masayang pagbabalita ni Eliam sa kaniya nung maupo ito sa kama.

"Sa 'kin naman, napaginipan ko 'yong weird guy sa beach!" Si Emmett naman ang nagsalita. Naghikab saglit tapos bumangon.

"Ang pangit ng panaginip mo."

"Mas pangit ka!"

"O, baka mag-away kayo."

"E, kasi Mommy, sa dami nang pwedeng i-dream. . . 'yong weird guy pa talaga! Pangit-pangit!" Pangbubully ni Eliam sa kapatid.

Siya naman ang umeksena at nagsalita, "Weird guy?"

"That weird guy na golden yellow ang eyes just like mine and Emmett, mommy! He is weird. Tinawag niya kami but we ran away! We don't trust him. Our instinct says, he's not a human."

"Yup! Definitely! Bet me, he's an extraterrestrial species and he lives in outer space."

"Woah! Cool."

"And still a weird guy." Sabay na sagot ng dalawa.

Natawa na lang si Talia sa mahabang explanation ng dalawa. Inisip niyang random strangers lang ang sinasabi ng mga ito dahil gano'n naman palagi. Ang daming mga tourist na nagpupunta sa El Nido kaya sanay na siya sa mga taong come and go na umapak dito aa isla.

"Knock knock."

Napalingon sila pareho. Napangiti siya nang makita si Rowan, ang kaniyang asawa. Agad itong lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa labi.

"Eww! Gross!"

Mabilis na nagsialisan ang kambal sa kama at naunang lumabas papuntang dining room kung saan nakahanda ang almusal nila sa araw na ito.

Pareho silang natawa ni Rowan at hindi niya napaghandaan ang biglang pagbuhat nito sa kaniya. Napatili tuloy siya nang wala sa oras.

"Rowannn!"

"Gusto kitang kainin instead sa breakfast pero magagalit ang kambal kapag inuna kita." Kumindat-kindat ito at abot hanggang langit ang ngiti.

Tinampal naman niya ang dibdib nito at tinawanan lang siya ng asawa. "Ibaba mo nga ako 'no?"

"Huwag na. Kayang-kaya ka naman buhatin ng asawa mong gwapo at may abs."

Pabiro lang niya itong inirapan at hinayaan ang asawa. Nagreklamo naman agad ang kambal nila nung makitang karga-karga siya.

Sabay na nag-eww ulit ang mga ito at nagsabing ayaw pa ng little sister dahil ayaw raw nilang magbantay ng spoiled na prinsesa. Nagtawanan lang sila ni Rowan sa sinabi ng dalawang kambal.

Mayamaya'y nagsimula na silang kumain bilang isang masayang pamilya. Nagkikwentuhan, nagtatawanan sa harap ng pagkain at wala ng mahihiling pa si Talia. Masasabi niyang mahal siya ng Diyos at sana ay palaging ganito ang buhay nila ni Rowan at nang kambal niya.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon