Chapter 26: Magmahal

7K 305 23
                                    

Magaan ang gising ni Trinity nang araw na iyon kahit buong magdamag siyang umiyak. Tiningnan niya muna ang kaniyang sarili sa salamin at nakita niyang namamaga ang kaniyang eyebag pero hindi ang pisngi niya.

Mabilis siyang naligo sa umagang iyon at naghanda ng almusal. Hindi na siya nag-abala pang lagyan ng yelo ang namamagang eyebag. Magsusuot na lang siya ng sunglasses mamaya, kunwari cool pa rin siya kahit ang totoo ay malapit na siyang mamamatay.

Pupuntahan niya ngayon si Henrik. Mag-uusap silang dalawa! Wala na siyang pakialam sa puso niya, ang malahaga ay si Serenity at ito dapat ang magkatuluyan.

Mayamaya pa ay may narinig siyang tatlong mahinang katok. Meron naman siyang door bell pero tinungo niya pa rin ang pintuan. Kung sakaling si Henrik ito, mas mabuti para makapag-usap sila ng masinsinan.

Eksaktong pagbukas niya ay hindi si Henrik ang nasa labas, kundi si Favio. May dala itong isang bote ng fresh milk at halatang napadaan lang dahil sa outfit nitong naka-jogging.

Namumula ang pisngi nito at kumikintab-kintab ang pawis. Basa rin ang suot nitong tshirt na puti at hindi na kailangan tanungin kung may abs si Favio dahil halatang-halata sa pangangatawan ng binata ang kakisigan nitong taglay.

"Hey?"

"Yeah, good morning Trie! I'm just passing and give you this."

Natawa na lang siya at inabot iyon. Weird. Inanyayahan niyang pumasok si Favio pero hindi na ito nagpaunlak at may mga kasamahan daw ito sa pagja-jogging. Nagkibit na lang siya ng balikat at muling bumalik sa kaniyang ginagawa. Nilagay na lang niya sa mesa ang gatas at kumuha ng bowl.

Acai bowl for her perfect breakfast! Sakto, dahil may gatas na dala si Favio para sa kaniya. Hindi na siya magluluto.

Matapos kainin lahat ng kaniyang almusal, naghugas muna siya saglit at inayos ang mga nagkalat na gamit.

Akmang tutupiin niya ang tuwalya nang muling may kumatok sa kaniyang pintuan. Wala sa loob na tinungo niya iyon at binuksan.

Sumikdo ang kaniyang puso nang makitang si Henrik ito pero kaagad niyang kinalma ang sarili. Tamang-tama na andito ito ngayon para mapaintindi niya rito ang salitang si Serenity ang nababagay nitong pakasalan at hindi siya.

"Get in."

"Thanks."

Tumango lang siya. Nakapagbihis na siya ng isang sexy dress na litaw na litaw ang kaniyang likuran. Nagmistula na naman siyang isang modelo sa kaniyang suot.

Giniya niya si Henrik papunta sa sala at pinaupo ito. This time, kakausapin niya ito in a professional way at baka sakaling makinig si Henrik.

"I'm glad you're here. Hindi na ako mag-aabalang tawagan ka." Umupo siya sa single sofa.

"Yeah. Do you have a coffee?"

Lihim siyang napabuntong-hinga. Ang pangit naman kung hindi niya pagbibigyan ang araw nito ng kape. Kaya tumayo siya at nagtungo sa kusina. Gagawan niya lang ito saglit ng kape.

Iyon nga lang, ang kape niya ay hindi kasingsarap ng kape na ginagawa ni Lianne para rito. Kung sabagay, wala na siyang pakialam sa parteng iyon basta gagawan niya ito ng kape at mag-uusap sila. Tapos ang usapan!

Pero kumuha pa lang siya ng mug sa cup board nang maramdaman niya ang presinsya ni Henrik sa kaniyang likuran. Saglit siyang napapikit. Kinakalma niya ang puso niyang nag-uunahan sa pagtibok na naman. Amoy na amoy niya ang aftershave nito at isali pa na sobrang cool at kalmado nitong tingnan ngayon araw.

"You can wait in the sala. I don't remember I ask you to be here," anas niya pero walang sagot mula sa binata kaya hinayaan na lamang niya ito. Mapapagod lang siya.

"What happened to your face?" Panimula nito. "And your eyes? Did you cry all night?"

Hindi siya agad nakakibo. Natigil din ang paglagay niya ng sugar. "Its none of your business." Saka niya pinagpatuloy ang pagtitimpla. Inabot niya rito ang mug nang matapos niya itong haluin.

Naalala niya pala, hindi pa siya nakapaglagay ng make up. Buhok niya palang ang kaniyang naayos at kilay dahil mas inuna niyang magligpit.

"Well it is because you're my soon to be wife." Sagot nito nang tanggapin ang baso. "Thanks."

Umarko ang kaniyang kilay. "Now that you've mentioned it, I'm going to assume you didn't quite understand me yesterday when I told you I would not really marry you, Henrik. Is that difficult for you to comprehend?"

"I understand, but I cannot accept it. Besides, I am aware that according to your father, it is you whom I am supposed to marry."

"You don't get it, do you? I'm fucking dying!"

"Why the hell did you always throw those words on me, Trie?! You're fucking dying? Really? There are a lot of people fighting for their lives. There are children who wish to live longer! But you, you just don't give a damn."

"I don't need your advice, Henrik. There will be no wedding between us. You will marry Serenity or you will not marry her at all! Just don't fucking ask me to marry you.

Binaba nito sa tabi ang mug na hawak at mataman siyang tiningnan. Pinag-aralan ang kaniyang reaksyon at bawat salitang lumabas sa kaniyang bibig. "Why?"

"Do I have to say it again? God!"

"What if I love you? Will you still refuse my proposal to marry me?"

Biglang umilap ang mga mata niya. Parang biglang naiwan sa lalamunan ni Trinity ang kaniyang dila at hindi niya magawang ibuka ang bibig. Shit!

"Answer me, Trie."

Mapakla siyang natawa. "S-still no." Saka siya humakbang papuntang sala.

Mag-aayos pa siya sa kaniyang mukha at pupunta pa siya sa kaniyang trabaho. Aside from that, pupunta rin siya sa kaniyang aguelo at aguela. Konting panahon na lang meron siya at nakapagpasya na rin siya na simula ngayon gabi, doon na siya matutulog at uuwi kada gabi.

"No? Really?" Sumunod naman ito sa kaniya. Wala na itong hawak na baso.

"It's too early to provoke a war, Henrik. Please! And will you stay away from me after this? Let's pretend we never met and let's pretend you love my sister."

Hinawakan siya nito sa kamay at pinaharap dito. Bago pa siya makapagsalita, sinakop ng labi ni Henrik ang labi niya!

God!

Nanlaki ang kaniyang mata sa gulat. Unang sigaw ng utak niya ay itulak agad ang lalaki pero bigla siyang natuod at hindi agad nakuha ang nangyari sa umagang iyon.

Bigla siyang naging loading...

Masarap ang halik. Matamis. May pagmamahal. Pag-iingat. Punong-puno iyon ng emosyon na hindi kayang bigyan ni Trinity ng pangalan kung ano.

At sa halik na binigay ni Henrik parang pinupunit ang kaniyang puso sa sakit. Bakit siya nasasaktan sa halik nito? Bakit masakit?

"H-henrik..." Tuluyang nalaglag ang luha niya.

Kaagad siyang niyakap nito. Yakap na pinaparamdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa, na nandito lang sa tabi niya ang binata at hindi siya dapat matakot. Yakap na nagsasabi sa kaniya na kaya niya ito. Na wala siyang dapat ikatakot kahit may taning na ang kaniyang buhay.

Mas lalo siyang napaiyak...

Hindi niya mapigilan ang mga luhang nagsiunahan ngayon sa pagpatak. Bakit ang sakit? Bakit ang sakit-sakit?! Bakit ang sakit-sakit magmahal at mabuhay?

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon