Chapter 6: Favio

10.1K 350 3
                                    

Sa harap ng bahay ni Henrik siya pinadpad ng kaniyang paa. Ilang oras din siyang bumyahe pero okay lang, wala siyang nadamang pagod. Dahil na rin sigurong matagal ng napagod ang puso niya.

Nag-iisip siya kung bababa ba siya ng kaniyang sasakyan at mag-door bell sa gate nito. Pero nang makita niyang wala pa ang sasakyan ng binata, nagtiis na lamang siya sa loob ng kaniyang sasakyan. Wala siyang access sa bahay ng lalaki kaya hindi siya pwedeng umastang libre sa bahay nito.

Isang oras din siyang naghintay sa loob ng kaniyang sasakyan at 'di niya namalayang nakatulog siya sa paghihintay. Nung magising siya, wala pa rin ang lalaki at mukhang wala itong balak na dito umuwi sa resthouse nito.

Malalim na ang gabi. Napasulyap siya sa kabilang bahay. Alam niyang resthouse ito ni McCluskey. Bahagya siyang napabuntunghinga at nagdalawang isip na tawagan ang lalaki.

Nanaig ang kagustuhan niyang tawagan ito. Nag-dial siya sa numero nito at nakailang ring muna iyon bago may sumagot sa kabilang linya.

"Hey," paunang bungad nito.

"Um... Hey!" nilangkapan niya ng konting sigla ang kaniyang boses. "Saan ka?"

"McCluskey."

Napatango siya kahit iyon lang ang sinabi ni Henrik. Nasa bahay ito ng McCluskey at malabong uuwi ito. Isa pa, may sarili itong bahay sa Downtown kaya imposibleng uuwi ito.

Hindi na siya nakipag-usap dito ng mahaba, hinayaan niyang magsaya ang puso ni Henrik. Nagpaalam siya sa binata at nag-isip kung sa kaniyang restaurant na lamang  siya pupunta.

Okay. I can still drive back. Pinili niya ang ngumiti keysa ang umiyak sa isiping wala ang binata. Hindi niya hawak ang buhay nito kaya kahit saan ito magpunta, wala siyang karapatan magtanong o magreklamo.

Nakatayo siya sa buhay ng lalaki na kung saan hindi niya alam kung ano siya para rito. Taga-aliw, taga-pakinig, taga-tawa. Siya ang nandiyan nung lubog na lubog ang lalaki sa pagmamahal nito para kay Lianne.

Bloody hell!

Sandali niyang pinilig ang ulo. Muli na naman sumigid ang sakit do'n pero sa pagkakataong ito, hindi na sa paraang parang nahahati ang kaniyang ulo sa sakit.

I guess I'm getting old. I guess I need glasses for my eyes. I think my vision is blurry and that's why it hurts.

Pinagpatuloy niya ang kaniyang pagmamaneho. Malayo-layo pa ang Trinia's Hideout. Pansin din niyang panay ang tawag ni Serena sa kaniya pero hinayaan niya lamang tumunog ang kaniyang IPhone.

Marriage? Huh! You can't make me do it, Dad. I'll die before you make me do things I don't want to do.

Pero bakit parang nahahati ang puso niya sa sakit at kahit ayaw niyang umiyak, parang mga kabute ang kaniyang mga luha na gustong-gustong dumungaw sa kaniyang mata. No, hindi siya iiyak. Hinding-hindi siya iiyak lalo na at nasa gitna pa siya ng madilim at maluwang na daan.




***

MASAKIT ang ulo ni Trinity nang magising siya kinabukasan. Hindi na siya umabot sa restaurant niya. Huminto lang siya sa nadaanang Inn at doon nagpalipas ng gabi.

"Thank you." Tumango siya matapos maibigay ng cashier ang kaniyang sukli. Isang bottled water ang kaniyang binili at gamot.

Mabilis niyang nilagay ang gamot sa bibig at nilagok lahat ng laman ng tubig nung papunta na siya sa kaniyang sasakyan. Nakahinga lang siya nang maluwang nang maramdaman niyang medyo okay na ang kaniyang pakiramdam. Pupunta siya sa Trinia's Hideout. Saglit siyang huminga ng malalim at sinimulan paganahin ang makina ng sasakyan.

Pero nakailang start siya ng makina, hindi iyon gumagana. Bullshit! Inis na pakli niya at umibis. Binuksan niya ang hood at tiningnan iyon. Wala siyang alam sa pag-aayos ng makina o ang tingnan ito kung may mali ba.

Pwede siyang humingi ng tulong sa loob ng motel pero sa tingin na binibigay sa kaniya ng mga lalaki, parang gusto siyang kainin ng buhay. Iniisip ng mga ito na dahil ando'n siya sa gano'ng lugar, isa siyang kaladkarin? Yeah.

"Got stuck or something?"

Napalingon siya. Isang matangkad na lalaki ang kaniyang nakita at kung tama siya, isa itong Swedish. Mabilis siyang nagbawi ng tingin at muling binalik ang kaniyang atensyon sa makina ng kaniyang sasakyan at kung bakit 'di ito gumana. Samantalang full tank siya.

"Ignoring me won't help you start your car, lady," anas  nito.

"Leave me alone. I don't entertain strangers."

Natawa ito ng bahagya sa kaniyamg sinabi. "I'm not here to flirt you, lady. I'm here to offer my help."

"I don't need any help!" angil niya sa lalaki.

Napatango naman ito at nagtaas ng kamay. Hindi siya makikipag-usap dito, hindi dahil nasa harap sila ng Jamestown Inn kundi dahil sa mata nitong kahalintulad ng kay Henrik. Kulay gintong araw ang mga iyon at kasinghugis ito ng mata ng lalaki.

"Okay, I'm leaving." Nagtaas ito ng kamay at akmang tatalikod nang magring ang phone nito. "Hey, Henrik!"

Habang siya ay nanatiling nakatingin sa makina. Kinuha niya ang kaniyang phone at may tatawagan pero natigilan siya sa pangalang binanggit ng lalaking estranghero.

Henrik? Napasunod ang kaniyang tingin sa lalaki. Coincidence lang siguro na kapangalan lang.

"I'm here at— don't laugh." tumikhim ito. "Fairfield Inn & Suites Jamestown." Tumama ang mata nito sa kaniya.

Sumenyas ito kung may kailangan ba siya at wala sa loob na tumango siya. Nanatili siyang nakikinig sa kausap nitong Henrik.

"What no! No-no, it's not what you think you dumb asshole." Ang lakas ng tawa nito kahit kaharap siya. " Oh cut that off. I'm not sticking my dick from women to women. I'm fucking exhausted driving from North Carolina to Grandyl— what? No, I'm not running away. Okay, okay. I gotta go. I'll give you a call after an hour." Pinatay nito ang tawag at humarap sa kaniya matapos sinilid sa maong nitong pantalon ang cellphone.

"Who are you talking to?" huli niya nang maisip na mali ang kaniyang tanong. Lumabad na isa siyang tsismosa.

Nagkibit naman ito ng balikat at humakbang papalapit sa kaniyang sasakyan. Sinuri nito iyon bago nagsalita. "My cousin Henrik. By the way, I'm Favio. Favio Gustavvson."

Natitilihang napatingin siya rito at napapailing. Wala siyang planong abutin ang kamay nitong nakalahad sa kaniya. Ang liit nga talaga ng mundo pero ano naman ngayon? Tumikhim siya at inayos ang sarili. Hindi na siya muling nagtanong pa at posibleng magpinsan nga ang dalawa dahil sa mata pa lang ng mga ito. Isa itong Swedish.

"Okay got it." nagkibit naman ito ng balikat at binawi ang kamay. "From the look of it, your fuel filter is clogged."

"What?"

"The gasoline won't be able to reach the engine. This makes it difficult for your car to burn the fuel it needs, to get going. So yeah, consider next time swapping fuel filters every 20,000 kilometres when you get your car serviced."

Nasapo niya ang kaniyang ulo sa nalaman. Ano ba ang alam niya sa mga sasakyan? Oh jeez! Ipapakuha na lamang niya ang kaniyang sasakyan. Mag-taxi na lang siya papuntang Downtown.

"Thank you." Mabilis niya itong tinalikuran at kinuha ang kaniyang shoulder bag sa loob ng sasakyan pati ang kaniyang maleta.

"I can offer you a ride."

Nagkibit siya ng balikat at walang ganang tiningnan ito. "No."

Nagkibit lang ito ng balikat at nagtungo na ito sa sasakyan nito habang siya ay naghanap ng taxi sa labas. Dahil mahal siya ng panahon, agad siyang nakahanap ng masasakyan at sa huling pagkakataon... Napasulyap siya sa lalaki pero hindi niya na ito nakita.

His eyes... Napangiti siya.

"Trinia's Hideout, Downtown, please." mabait na saad niya sa driver saka niya sinandal ang ulo sa head rest.

Wala pa man, pagod na siya... Pagod na siya para sa araw na ito.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon