Chapter 42: In so Much Pain

6.4K 257 26
                                    

Tapos nang tambakan ng lupa ang kabaong ni Trie pero nanatiling nakatayo si Henrik sa loob ng pribadong semeteryong iyon. Tatlong oras na ang nagdaan simula nung ibaon ang kabaong sa lupa pero heto ngayon siya, nakatayo sa harap ng puntot nito. Wala na siyang pakialam kung aabutin siya ng oras na nakatayo roon at kung aabutin siya ng gabi. Mas masakit ito sa lahat ng mga naranasan niyang sakit sa buong buhay niya. Hindi niya mahimay-himay ang sakitm

"Hey bro, I think we need to go. It started to rain." Untag sa kaniya ni Favio.

"You are free to leave me here, Favio. I know how to get back home."

Napahugot ito nang hangin at hindi nakaimik.

"I'm... still lost and puzzled. I need some time to ponder about why all of this is happening. I find it difficult to understand, and I hate myself going home and never seeing her beautiful smile there again."

Tinapik na lang ni Favio ang balikat niya at naunang umalis. Habang si Henrik ay tuluyan nabasa sa ulan habang nakatitig lang sa lapida ng asawa.

Para siyang isang estatwa ro'n, nakatayo, hindi gumagalaw at walang mababakas na emosyon sa buong pagkatao kung titingnan siya sa labas na katauhan. Pero sa loob, para siyang sinulid na nagkabuhol-buhol at gulong-gulo. Hindi alam kung paano makakawala sa isang bangungot na ito.

GABI na nung umuwi siya. Basang-basa ng ulan at wala sa sariling nagtungo sa shower room at naligo. Kamanhiran na yata ang namayani sa kaniyang buong katawan.

Nung tinabunan ng lupa ang kabaong ng asawa niya, pakiwari ni Henrik kasamang natabunan pati ang kaniyang puso.

Nawalan na naman siya ng importanteng tao at nahuli ulit siya. Siguro nga totoo na wala siyang kwenta.

Kanina, lumitaw si Serenity sa sementeryo. Humagulhol ito, nagwala, humihingi ng tawad sa nagawa nito sa kapatid hanggang sa mawalan ng malay at dinala sa Hospital.

Minsan, naiisip lang ng tao ang isang halaga ng isang tao o bagay kapag nawala na ito at kinuha. Kahit anong gawin ng tao na pagsisihan ang lahat na ginawa, maibalik lang ang dati pero hindi na, wala na itong saysay. Parang siya, nangangapa ngayon sa kadiliman nang tuluyan siyang iwan ni Trinity.

***

MASAKIT ANG ulo ni Henrik nang magising kinabukasan. Nasapo niya ang ulo nung bumangon siya saka bumukas ang pintuan at pumasokdoon ang babaeng nag-iisa lamang sa puso niya.

Biglang sumikdo ang puso niya at hindi siya agad nakagalaw sa kinauupuan. Napakaganda pa rin ng asawa niya habang suot ang kulay langit na roba.

"Goodmorning! Nagluto na ako, let's eat?"

"Karlëk!"

Ang lapad nang ngiti nito habang nakatayo sa may pintuan. "Yes? Para ka yatang nakakita ng multo?" Saka ito natawa at hinimas ang may kaumbukan tiyan. "I can't wait for na makita ang anak natin, Henrik."

"Oh God!" Mabilis na bumaba si Henrik sa kama at tinakbo ang babae. Isang mahigpit na yakap ang binigay niya rito. "God! I thought I'll lose you forever. Sobrang miss na—"

Biglang naiwan sa ere ang sasabihin niya nang makitang sarili niya lang ang yakap-yakap.

Wala si Trinity.

Wala ang asawa niya.

Siya lang mag-isa sa silid nilang mag-asawa. Wala ito, kahit anino. "Trie!" Nalilitong lumabas siya ng silid nila at hinanap ito.

Tinakbo niya ang hagdanan pababa sa kusina at baka nandoon lang ito! Kausap niya lang ito ngayon, eh. Kausap niya lang! Kinausap pa siya nito ngayon.

"Trinity!" Malakas na tawag niya sa pangalan ng babae. Umabot siya sa kusina sa kakatawag sa pangalan nito at doon lang tuluyan na pumasok sa isipan ni Henrik nung napatingin siya sa isang tuyong bulaklak sa vaase na nasa gitna ng mesa, na wala na pala ang asawa niya.

Kasabay nang pagsuntok sa kaniya ng katotohanan na kahapon lang ay tinabunan na ito ng lupa, na kahapon lang ay binato na siya sa katotohanan na hindi niya na ito kailanman makikita pa. Dahil wala na nga ito, wala na si Trie at wala na rin ang anak nila.

God!

Parang nanlalantang halaman siyang napaupo sa isang tabi habang hawak ng kaniyang magkabilang kamay ang ulo at galit na sinabunutan ang sarili.

Nababaliw na ba siya?

Ganito ba ang epekto ni Trie sa buhay niya?

Din jävla idiot!

Galit na napamura siya sa hangin. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na wala na si Trie pero bakit umaasa pa rin itong tangang puso niya?

Paano niya matatanggap na wala na ito kung tulad ngayon, nakita niya ang masaya nitong mukha.

Napaiyak siya sa kaniyang kamay. Mababaliw na yata siya talaga. Apat na araw pa lang pero pakiwari ni Henrik, ilang taon na ang dumaan at hirap na hirap na siyang umahon.

Kapagkuwan ay naramdaman niya ang isang masuyong haplos sa kaniyang ulo, nagtaas siya nang tingin at mas lalo siyang napahagulhol.

Nasa harapan niya ulit si Trinity, pinupunasan ang mga luha sa kaniyang mata habang malayang nagsibagsakan ang mga ito.

"Shh... Stop crying. You're getting ugly." Ngumiti ito nang masuyo habang magkapantay ang tingin nilang dalawa.

"K-karlëk... Please tell me I'm not having a dream right now. That you're totally here and speaking to me... T-trie, I... I think I'm going insane." Napahinto siya saglit habang tinitigan ang mga magagandang mata ng asawa niya. Ang mga mata nitong isa sa dahilan kung paano nito nabihag sa kaniyang puso. "I'm in so much pain karlëk... So much so that I can't stand it any more."

Ginanap naman ng asawa niya ang kaniyang mukha at ang tanging nagawa ni Henrik ay ang mapapikit sa paraan ng paghawak nito. Dinama niya ang hatid ng pagkakahawak nito sa kaniyang.puso..

Nang minulat niya ang mga mata, wala sa harapan niya ang asawa. Siya lang ulit na mag-isa sa kusina. Muli na naman siyang sinampal ng katotohanan na nasa kasalukuyan siya, at ang kasalukuyan ay ito:

Pagod na sinandal niya ang sarili sa dingding. Napatitig siya sa digital clock na nakasabit sa dingding. Alas-dyes ng umaga, pero wala siyang naramdaman gutom.

Sa totoo, nitong mga nagdaan araw ay puro kape at tinapay lamang siya. Minsan ay hindi siya kumakain sa pagluluksa niya pefo ngayon, mas lalo siyang walang panlasa na kumain mag-isa.

Malungkot siyang tumayo at tinungo ang silid nila sa taas, doon, muli nuyang binagsak ang sarili at nagpasyang matulog at baka sakaling sa kaniyang paggising ay hindi na masakit ang puso niya.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon