Chapter 40 - Goodbye

6.7K 292 64
                                    

"Where's my wife? Where's my fucking wife!" Halos mag-hysterical si Henrik nang makalapit siya sa pinangyarihan ng aksidente. Maraming nakiusyo pero wala siyang pakialam sa mga ito! Ang importante ay makita niyang buhay si Trinity at okay lang ito.

"Sir, calm down."

"Just tell me the hell where is my wife?! The driver of that car is my fucking wife! Where is she?!"

Natakot naman ang pulis na humarap sa kaniya at kaagad na sinabi kung anong Hospital.

Wala siyang sinayang na sandali, kaagad niyang tinakbo ang sasakyan niya at mabilis na sumakay roon. Nanginginig ang kamay ni Henrik pero pinipilit niyang kumalma. Ang daming pumasok na eksena sa kaniyang utak pero pinaalis niya agad ang mga eksenang ito dahil mas lalo lamang siyang kinakain ng takot.

Nanginginig ang mga kamay ni Henrik habang nagmamaneho. Sari-saring emosyon ang bumalot sa kaniyang pagkatao. Goddammit!

'Please God, don't take away my wife. Don't take them away. Trinity needs me. Dammit! I need her! I need her so please I'm begging you, don't take her away from me."

Binilisan niya lalo ang pagpapatakbo.  Nag-over speed limit na rin siya pero saka niya na poproblemahin ito. Ang importante makita niyang okay ang asawa at anak.

Nang marating niya ang nasabing Hospital, kaagad siyang nagtanong kung nasaan ang asawa niya para lang manlumo sa nalaman.

'No. . .'

'No! I'm just having a nightmare.'

'This is not possible. It's all a bad dream. It's only a nightmare. Wake up, man!'

Ginising niya ang sarili. Kulang na lang ay suntukin ni Henrik ang sariling panga para lang magising.

Hindi niya magawang ibuka ang bibig. Basta lamang siyang nakatingin sa katawan ng asawa niyang nakahiga sa hospital bed at wala ng buhay.

Pakiramdam ni Henrik, buong pagkatao niya ang nawala mismo sa harapan niya. Hindi niya makapa ang sariling boses habang nakatitig sa walang buhay nitong katawan.

At imbes na lapitan ito at yakapin, napaatras siya. Napailing-iling! Hindi naniniwala sa nakita. 'My wife is not dead. Damn! Trie is not dead. Hindi ito ang asawa ko. My wife is not dead... My w-wife...'

Pero sinuntok nang katotohanan si Henrik nang mismong Doctor na ang nagsabing  wala na nga ang asawa niya. Sinubukan ng mga ito ma i-revive ang asawa niya pero hindi kinaya ng katawan ni Trinity at lasug-lasog din ang katawan nito ayon sa Doctor.

Sa tindi ng galit niya sa narinig, nasuntok niya ang Doctor at pinagmumura ito kasama ang tatlong nurse.

Imbes na takbuhin ang katawan ng asawa at yakapin, tumakbo siya papalayo. Hindi niya magawang yakapin ito ngayon dahil baka magwala siya lalo at makasakit ng ibang tao.

***

TULALANG pinagmasdan ni Henrik ang magandang mukha ni Trinity sa kabaong. Maraming kasamahan niya sa hockey ang nagpunta para makiramay kahit ang kabilang team na kalaban nila ay nagpunta.

Magandang-maganda pa rin ang asawa niya habang nakahiga ito sa open casket na hanggang kalahati ng katawan. Suot nito ay kulay pulang damit. Ang dalawang kamay nito ay nakalagay sa tiyan kung saan, nandoon ang anak nila.
Marami itong pasa at sugat pero nagawang itago ng make up.

Napapalibutan ito ng mga iba't ibang kulay na mga bulaklak, may malalaki at maliliit pero hindi doon natuon ang kaniyang atensyon.

Para itong si Snow White tingnan. Mukha lang itong natutulog tingnan sa loob ng kabaong pero sinasampal siya ng katotohanan na wala na ito sa tuwing napapatingin ang kaniyang mata sa tiyan ng asawa.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon