Chapter 18: Sakit

7.9K 317 26
                                    


Isa, dalawa, tatlong boses ang kaniyang naririnig na nag-uusap. Nanatiling madilim pa rin ang kaniyang paligid o dahil nakapikit ang kaniyang mata? Alam ni Trinity na nasa Hospital siya. Hindi na ito biro o isang panaginip. Totoong nasa isang silid siya ngayon ng Hospital dahil sa amoy at tunog ng monitoring device.

"Are you two related to her?"

"Yes."

Gusto niyang magmulat pero sobrang bigat ng kaniyang pakiramdam.

"That's good to hear, considering Trinity is a quite private woman who doesn't want anyone to know about her health."

"Can you elaborate?" Boses ito ni Henrik.

Wait, Henrik? Anong ginagawa ni Henrik dito kung gano'n? Gusto niyang pilitin magising pero ayaw makisama ng kaniyang katawan.

"I feel bad for her."" Napabuntong-hinga ang Doctor. "There's a chance her mind is awake and aware of what we are talking right now. I propose that we go to my office so that I can properly explain everything."

Hindi!

Gusto niyang pigilan ang kaniyang Doctor sa anuman balak nitong sabihin pero wala siyang magawa. Hindi niya makapa ang kaniyang boses at kasunod niyon ay bumukas-sara ang pintuan. Lumabas ang mga ito at naging tahimik na ang buong paligid.

Kailangan niyang magising. Kailangan niyang magmulat ng mata pero paano pala gagawin iyon? Kung lahat sa kaniya ay namamanhid. Pati na rin ang kaniyang puso...

Kahit anong gawin niyang galaw, hindi niya magawa. Para siyang nakatali. Parang tinali ang kaniyang katawan sa isang mahigpit na bakal.

Ayaw niya ng ganito. Pakiramdam niya kapag nasa kama siya ng Ospital, mas lalong nanghihina ang kaniyang katawan. Mas lalo lang nawawalan ng lakas ang kaniyang mga tuhod.

Pero kahit anong pilit niyang magmulat ng mata, para naman may humihila sa kaniyang diwa na matulog. Pilit niyang nilabanan iyon pero tuluyan siyang nahila pabalik sa kadiliman at bumalik sa nakaraan kung paanong ayaw niya ng Hospital...

"Trinity Williamson, right?"

Kaagad siyang tumango sa Doctor na bumisita sa kaniyang silid ngayon. Abot-abot ang kaniyang kaba lalo na sa paraan ng pagtingin nito sa kaniyang mga test results.

"Let me put it this way: I'll let you choose first. Which would you rather hear, the good or the bad news?"

Humigpit ang pagkakahawak niya sa hospital gown na suot. Isang araw lang siyang nanatili sa silid na iyon pero pakiramdam niya, isang taon na.

"Let's jump to the bad news, Doc."

"You sure?"

Nag-alangan naman siyang tumango.
Gaano ba kaseryuso ang test na ginawa sa kaniya at pati ang Doctor ay nagdadalawang isip?

"Okay, Trinity, I don't want to alarm you, but you have a brain tumor."

Biglang gumuho ang kaniyang mundo. Muntikan pa siyang malaglag sa kaniyang kinauupuan at hindi siya makapaniwala sa sinabi ng may katandaan Doctor. Nag-joke ba ito? Dahil kung nagbibiro ito, tatawa na siya.

"B-brain tumor...? How in the world did I get that shit?"

"According to the results of your MRI and other tests, it leads to a brain tumor. Trinity, your headache isn't normal; it is an early sign symptoms of a tumor, along with numbness or tingling in the arms or legs, nausea and vomiting for no apparent reason, memory problems... And the list go on."

Hindi niya na kayang pakinggan ang sinabi ng Doctor. Basta lang nagsiunahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha.

Ang buong akala niya, normal lang itong pananakit ng kaniyang ulo. Akala niya, migraine lang. Pati ang minsan panlalabo ng kaniyang mata, at panghihina ng dinig, akala niya sa mata lang din. Kasi ba naman connected lang ang mata at ulo kaya inakala niyang migraine lang ito.

Nagpunta siya sa Hospital na ito para magpa-check up at magpareseta ng gamot para sa migraine. Mas may ilalala pa pala ang migraine na iniisip niya.

"Do you want me to tell you the good news, Trinity?"

Mabilis siyang tumango. Pinunasan ang luha. Hindi nakakatulong ang luha niya para umiyak nang umiyak. Andito na ito ito, eh. So be it.

"What's the good news? What type of brain tumor do I have, Doc? Is it benign or malignant?" Sunod-sunod na tanong niya. Namumula na ang kaniyang pisngi at mata na ilang sandali lang ay iiyak na siya.

"You've got a grade 1 Astrocytoma. It's a small tumor that grows slowly in your cerebellum and no worries, it's curable. All we need to do is resected that tumor and  you're good to go.

Nakahinga siya sa sinabi nitong curable pero teka, bakit at paano siya nagkaroon ng tumor? Dapat pa rin ba siyang magsaya? Matuwa?

"I... I don't get it. Why me...?" Nangilid ang kaniyang luha. Hindi niya mapigilang umiyak sa harapan ng Doctor. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit siya pa... Sa dami-dami ng tao, bakit sa kaniya kumapit ang sakit na ito?

"Even researchers and Doctors do not know the exact cause of brain tumors, Trinity. But I guarantee we can remove that tumor inside your head."

Nanghihinang napasandal siya sa headrest ng kama. Kumukuha siya roon ng lakas na ilang sandali lang ay gugupuin siya ng kaniyang kahinaan.

Brain tumor? Bakit at sa kaniya pa ito nag-akyat bahay? Wala sa kanilang pamilya ang may ganitong sakit.

Ang hirap isipin na sa kaniya ito dumapo. Hindi siya handa sa magiging reaksyon ng kaniyang Ama.

"C-can I go home now?"

"Yes, you certainly could. But I'll give you a prescription for a medicine that you must take. Please remember to drink them, okay? And, Trinity, we need to remove that tumor surgically as soon as possible. But for the time being, this medication will act as a pain reliever." May nilista ito at binigay sa kaniya.

Tiningnan niya iyon. Mga gamot iyon at mas lalo siyang napaluha. Hindi nga talaga siya nanaginip lang o binangungot ngayon.

Pagkatapos niyang mabili at mabayaran ang bill niya sa Hospital, deretso na siyang nagtungo sa parking lot at sumakay doon sa kaniyang sasakyan.

Sa loob ng kaniyang kotse, doon niya binuhos ang lahat-lahat. Sakit, pagtatanong, paano at bakit hanggang sa tuluyan namanhid ang kaniyang pakiramdam at wala na siyang mailuha pa.

Pinunasan niya ang kaniyang luha at tinanggap sa araw na iyon ang kaniyang sakit. Brain tumor lang ito, matapang siya. Ngayon pa ba siya susuko?

Pumayat na siya. Nagawa nga niyang kunin ang ganitong katawan sa pagsisikap lang at hindi dumaan sa kahit anong surgery.

Malalagpasan niya rin ang problemang ito at hinding hindi siya magpapatalo sa sakit na ito.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tiningnan sa google kung ano ang sanhi at kung ano ang gagawin para sa sakit na dumapo sa kaniya.

Pero halos na tingnan na niya yata lahat ng site, walang nakakapagsabi kung ano sanhi at kung bakit siya nagkaroon niyon. Siguro, nung nagpaulan ng sakit ang langit, sinalo niya una 'yong ambon.

"Trinity..."

Ha?

Boses ito ni Henrik. Nakatulog pala siya. Nanaginip. Ginalaw niya ang kaniyang kamay at nagliwanag ang kaniyang pakiramdam nang maramdaman niya ang kamay. Akala niya, tuluyan na siyang namanhid.

Sinunod niya ang kaniyang mata. Dahan-dahan niyang minulat niyon hanggang sa tumambad ang nakakasilaw at puting kapaligiran ng silid na iyon.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon