Chapter 35: Bye

6.6K 277 18
                                    

MALUNGKOT na nakaharap sa salamin si Trinity nang umagang iyon. Isang buwan na ang nagdaan at walang nagbago. Naaawa na rin siya kay Henrik. Kahit wala itong sinasabi, alam niyang nalulungkot at naaawa sa kalagayan niya.

Nasa practice ang asawa niya at pansamantalang sinamahan siya ni Favio ngayon araw. May pupuntahan siya at iyon ay ang kaniyang kapatid na si Serenity. They need to talk. Kung sakali man na mawala siya, ayaw niyang mawala na nagtatampo at malaki ang galit nito sa kaniya dahil lang sa inagaw niya ang lalaki na gusto nito.

"You good?"

"Yeah." Ngumiti siya kay Favio. Sa Country Coffee Shop ni Serenity nagpahatid sa lalaki at hindi na rin siya nagpasama nung pumasok siya sa coffee shop ng kapatid niya.

Nagulat pa ang babae nang makita siya pero ngumiti pa rin ito ng tipid. Inanyayahan siya nitong magkape pero hindi na siya nagpaunlak dahil bawal naman sa kaniya ito.

"What brought you here?" Agarang tanong nito nang makaupo silang dalawa.

Wala pang customer sa araw na iyon at tanging nandoon lang ay ang tatlong bagong employee nito na kaniya-kaniyang may ginawa.

"I'm your here ‘coz I'm your sister."

"Okay..." Nagkibit ito ng balikat.

"Sorry..."

"Um, what for?"

"For Henrik."

Humugot ng hangin at  napasandal sa upuan. "It's fine, just forget about it. Henrik is already yours, I don't mind." Saka nito pinaglaruan ang hawak na ballpen sa kamay.

Ilang segundong katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa bago siya muling nagsalita. "I just wanted to let you know, I'm pregnant."

"Wow, congratulations." Matabang na sagot nito.

Lihim siyang napabuntong-hinga sa inasal ng kapatid niya. Kung sabagay, sino ba ang matutuwa? "And... I'm dying."

"What?"

"I have a stage 3 brain tumor that is inoperable."

"What in the world are you on about?" Galit na sita nito pero nakalarawan sa mata ang pag-alala. Bigla rin itong napatuwid sa pagkakaupo.

"You're one of the people I want to thank my entire life with. You're the best sister in the world, despite the fact that I stole the man you love. Sere, always take good care of yourself okay? Remember that, I love you so much not because you're my sister, but because you've always been there for me when Dad was always angry at me. You take care and don't stress yourself. Bye, Sere..."

"Trinity!"

"It's okay; you don't need to worry. I'm doing my best to live and give birth this child. If anything happens to me, please take good care for Henrik," marahang saad niya pero taliwas ang nakuha niyang katugon mula kay Serenity.

Tuluyan nag-iba ang timplada ng mukha nito. Natawa ito ng hilaw. "Are you doing this so that I may forgive you so easily?"

"Sere..." Nagulat naman siya.

"Leave! You're not helpful at all, and I'm not that stupid to believe your bullshit. Brain tumor? Stage 3? The hell, Trinity! If telling me such lies makes me forgive you for snatching him for me, then so be it! But don't come here just to fuck my brain out. I have something personal to do." Galit na anas nito at deretsang tumayo. Iniwan siya nito sa kung saan sila nakaupo at deretsong tinungo ang counter.

Malungkot na lamang siyang napatingin kay Serenity. Nalulungkot siya kung bakit ganito ang nangyari sa kanilang dalawa pero pasaan ba at mapapatawad siya nito.

Hindi na siya nagtagal sa coffee shop nito, kaagad na siyang tumayo at nagpaalam kahit walang tugon mula kay Serenity. Alam niyang galit ito pero tulad nga ng sabi niya, kung sakaling may masamang mangyari sa kaniya, gusto niyang si Serenity na ang bahala sa lalaki.

"You look sad," puna ni Favio nang makapasok siya sa sasakyan nito.

"She's still mad at me."

"It takes time, Trie. Don't worry, she'll forgive you."

Napabuntong-hinga siya. "And she doesn't believe me when I say I'm fighting a brain tumor either."

"Doesn't it bother you if she doesn't believe you?"

"No, I believe it's better that way. I don't want her to worry me. I'm done here, Favio; can we sit next to my mother?"

"Are you talking about your grandmother?"

"No, to my real mother. I can't tell my Nana and Grandpa about my situation as I'll break their hearts, and that would be the last thing I want to do."

Malungkot naman na tumingin sa kaniya si Favio at tumango. "Okay, just tell me the location and we're good to go."

Kaagad naman siyang tumango at ngumiti sa lalaki. Indikasyon na okay lang siya at handa na siya para harapin ang kaniyang Ina. Ilang gabi niya rin itong pinag-isipan at ngayon sigurado na siya. Sigurado na siyang haharapin ito.

Ilang sandali pa ay nagsimula ng magmaneho si Favio. Tanging musika lang ang nagbibigay ingay sa paligid at wala rin siyang balak makipag-usap ngayon, na siyang naiintindihan naman nito.

Kapagkuwan ay napahawak siya sa kaniyang tiyan. Kumukuha riya roon ng lakas at tapang para sa lahat ng ito. Pinapangako niyang isisilang niya ang anak niya. Itatawid niya ang buhay nito kahit anong mangyari. Kahit maging lanta siyang gulay para mabuhay ang anak niya, gagawin niya.

Nang huminto sila sa isang bahay, huminga siya ng malalim. May karapatan din ang kaniyang totoong Ina na malaman na maging lola na ito at kinikilala niya pa rin itong Ina sa kabila ng lahat.

"Do you want me to come?"

"Thanks Favio, but no," saad niya nang umibis siya ng sasakyan. Sinenyasan niya lang ang lalaki na okay lang siya at mabilis lang siya sa loob.

Nang maisara niya ang pintuan ng sasakyan, naglakad siya patungo sa gate at nag-doorbell doon. Ilang segundo siyang naghintay nang may lumabas na bata.

"Hi!" Mabilis na bati niya sa batang lalaki na edad ay sampu.

"Who are you?"

"I'm looking for your Mom." Ngumiti siya sa bata.

"Oh okay! Mommy!' Tumalikod ito at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay.

Sandali siyang huminga ng malalim. Sa sobrang tagal ng panahon, baka nakalimutan na siya nito. Naghintay siya nang ilang minuto pero walang lumabas kaya napahawak na lamang siya sa kaniyang tiyan at nagpasyang sa ibang araw na lang at baka—

"Trinity?"

"Mom!"

Lumarawan ang galak at saya sa mukha ng Ginang. Mabilis itong lumapit sa kaniya at nagkandahog na binuksan ang gate. Nang mabuksan nito iyon, mabilis siya nitong sinalubong ng yakap. Isang mahigpit na yakap!

"I can't believe it's really you! The last time I saw your picture, you were big and—"

"— Beautiful."

Pareho silang natawa sa kaniyang sinabi. Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kaniya at mabilis siyang inakay papasok sa malaking bakuran ng bahay nito.

"I'm so glad you're here. Come in, my husband and kids are inside. I want them to meet you. They've already heard about you and Serenity, and I've always told them that you two are one of the best gifts I've ever received from above. They're eager to meet you, and I know they'll be happy to see you!"

"Mom, calm down okay?" Natatawang saad niya. Parang sasabog tuloy ang kaniyang puso sa saya ngayon. Ganito pala ang pakiramdam ng may Ina.

"Oh, you can't calm me down! I'm so thrilled dear. Seeing you here makes me wanna cry. You're such a big baby now."

"Mom, I'm here to tell you something."

"What is it?"

"I'm dying."

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon