Chapter 45: Kiss Me

6.4K 235 89
                                    

TATLONG linggo ang mabilis na lumipas. Masasabi ni Henrik na na-enjoy niya ang bakasyon. Plano nila ni Favio ay manatili ng isang buwan sa Palawan at wala siyang problema roon. May apat na buwan siyang bakasyon bago sasabak muli sa hockey at makipagpatayan na naman sa rink dahil lang sa isang puck.

"Henrik!"

Bahagyang nagulat si Henrik nang may yumakap sa kaniyang likuran pero kalaunan ay napangiti siya. It's Misty, ang babaeng dahan-dahan nagturo sa kaniya kung paano bumangon ulit.

"Sorry, kung natagalan ako. My Mom called me kasi."

"Okay lang," simpleng sagot niya sa babae. "Shall we?"

Kinakausap siya nito sa salitang tagalog at kahit papaano ay nanumbalik ang alam niya sa lengwaheng ito. Simula nung mawala si Trie, kinalimutan niya na ang paboritong lengwahe nito at ito ay ang tagalog.

"Yeah sure!" Mabilis na hinawakan nito ang kamay niya at nagsimula silang maglakad sa tabing dagat.

May mga iilang turista rin na naglalakad, at halos sa mga ito at couple na matatawag. May iilan na naliligo at masayang nagtatampisaw sa magandang tubig. Walang kahit sino ang hindi mainggit sa tubig roon na parang isang pagkaing kumakaway sa bawat turista.

"Ang ganda ng panahon ngayon, nakatago ang araw sa makapal na ulap." Mayamaya'y saad ni Misty. Sandaling tumingin sa langit.

"Yeah."

"Let's go there, oh!" Tinuro nito ang bandang dulo kung saan abot pa ng puting buhangin na parang niyebe.

"Sure thing!"

Nasa El Nido sila ngayon at dalawang araw nila sa islang ito. Next week pa sila babalik sa Coron. Suhestyon ito ni Favio na mag El Nido at para makapunta rito, kinailangan nilang magrenta at sumakay sa maliit na eroplano.

Sa tatlong linggo nila ni Favio ay halos nalibot na nila ang buong isla ng palawan. Ito na lang ang panghuli.

Habang naglalakad sila ay napansin niya ang dalawang bata na nag-aaway sa buhanginan. May parang pinag-aagawan ito.

"Anong tinitingnan mo?"

"Ang mga bata."

"Ang cute nila 'no? Kailan mo ba gustong magkaanak tayo?" Pabirong tanong nito na sinabayan niya.

"Gusto mo, gumawa na tayo."

Ang lakas nang tawa ni Misty at pabirong kinurot siya. "Why not? Gusto ko na rin ng anak saka maganda naman ako at gwapo ka. For sure, ang gaganda at ang gagwapo ng mga lahi natin."

Hindi niya tinugon ang sinabi nito. Nanatili pa rin naka-focus ang kaniyang tingin sa dalawang bata na nag-aagawan na ngayon ng laruan.

"Akin!"

"Akin 'to!"

"But you have your own toy!"

"I don't like mine. Gusto ko 'yang sa 'yo!"

"No! I'll tell Mommy you took 'my' toys again."

Natawa si Henrik sa pag-aawayan ng dalawang batang lalaki. Sa tingin niya ay kambal ang mga ito.

"Hey kiddo!" Tawag niya sa dalawa. Napatingin naman ang mga ito sa kaniya. Tumaas ang kilay ng mga ito at nagtinginan saka mabilis na tumakbo papalayo.

"Looks like you scared them."

Napakamot naman siya sa ulo at natawa. Mukha nga natakot niya ang mga ito. Mukha kasi siyang higante sa height niyang pangkaraniwan na sa mga hockey player, lalo pa sa katawan niya na alaga sa workout.

Nagpatuloy na lang sila sa paglalakad, na magkahawak ang kamay at nakahilig sa balikat niya ang babae. Kung titingnan ay para silang mag-asawa na nag-honey moon.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon