Chapter 20: Feel Bad

8K 307 31
                                    

Pero imbes na sa bahay ni Henrik, sa kaniyang apartment siya nagpahatid. Hindi siya nito napilit na isama siya sa bahay nito. Dahil una-una, ano ang gagawin niya roon? Ang magpabigat sa lalaki?

Kaya niyang umarteng normal ang kaniyang buhay. After this, balik ulit siya sa trabaho niya sa Trinia's Hideout. Balik ulit siya sa pagiging chef niya at pagiging may-ari.

Sinabi niya rin kay Henrik na gusto niyang mapag-isa at huwag na siya nitong alalahanin pa.

She's okay at kaya niyang patunayan ang salitang okay lang siya. Tumor lang 'yan. Maganda siya.

"I'll stay here tonight. I don't care kung ayaw mo."

Hindi niya na kinontra ang sinabi ni Henrik. Kaya lang nito ginagawa ito dahil naawa ito. Sige, hayaan niyang maawa ito. Magsasawa rin ito.

KINABUKASAN, gumising pa rin siya na naayon sa kaniyang schedule. Hindi na rin siya nagtaka nung magisnan niyang wala si Henrik sa sala. Malamang maaga itong nag-jogging sa labas o kaya nag-work out. Kahit anong gawin nito, wala siyang pakialam.

Nag-exercise lang siya ng ilang minuto at saka pumasok sa banyo para maligo. Kampante siyang siya lang mag-isa sa loob ng kaniyang apartment kaya dere-deretso siyang lumabas ng banyo na walang tuwalya sa katawan matapos siyang maligo. Nakalimutan niya maglagay ng panibagong tuwalya sa banyo.

Pumatak-patak pa mula sa kaniyang katawan ang tubig nang tinungo niya ang kaniyang silid para matigilan.

Nagtagpo ang mata nila ni Henrik. Nalaglag ang iniinuman nitong tasa at nagkalat ang kape sa carpet. Buti na lang at hindi nabasag ang baso. Napatitig ito sa kaniya, lalo na sa kaniyang katawan.

Saka lang niya naalala na nung nakaraan araw lang ay pinagsaluhan nila ang init sa isa't isa. Nung nakaraan araw lang ay para silang dalawang tao na nagmamahalan at pagkatapos ng araw na iyon, nalaman na lang niya, fiance na ito ni Serenity.

Umarte siyang walang pakialam kahit nakahubad siya sa harapan nito. Bakit siya mahihiya? Nakita na nito ang kaniyang katawan noon pa.

"Don't roam around with that naked body." Hinubad nito ang suot na white tshirt at sinuot sa katawan niyang walang tuwalya. "Good thing I was the one here. What if not?" Pinunasan nito ang kaniyang basang buhok sa pamamagitan ng face towel nito na dala-dala. "I'm on my way for a jog pero may nakalimutan ako that's why I came back here, decided to drink coffee first and this is what I saw?" Napailing ito.

Hindi siya kumibo. Nabasa lang din ang damit nito sa kaniyang katawan pero parang balewala lang kay Henrik.

O sadyang malakas lang ang pagpipigil nito sa sarili lalo na at napapalunok at namumula ang magkabilang teynga nito. Pinipilit nitong huwag tingnan ang kaniyang labi at mata.

"Thanks." Saka siya tumalikod habang suot-suot ang damit nito.

Habang alam niyang nakasunod ang tingin sa kaniya ni Henrik. Kung wala itong balak umalis sa apartment niya, well then okay. Kasi siya, aalis siya ngayon para pumunta sa kaniyang restaurant.

Hinubad niya ang damit ni Henrik nang makapasok siya sa kaniyang silid para matigilan. Napatitig siya sa damit nito at sumilay ang malungkot na ngiti sa kaniyang labi.

Bakit ito ginagawa ngayon ni Henrik? Anong pinupunto nito ngayon?

Mabilis siyang lumabas pero ngayon ay nakatuwalya na ang kaniyang katawan. Bitbit niya sa kanang kamay ang tshirt nitong basa para isaule iyon kay Henrik.

Nakita niya ang binata na busy sa pag-alis ng kumalat na kape sa carpet ng kaniyang apartment. Doon lang niya napansin na topless ito at... Nakakapanglaway ang katawan nitong sobrang laki at maskulado dahil sa napiling profession.

"Do you need anything?"

Kaagad niyang iniwas ang tingin at binato sa mukha nito ang basang damit. "Go home."

"Tsk."

Hindi niya pinansin ang pagtaas ng sulok ng labi nito at bahagyang pag-arko ng kilay. Tumayo ito mula sa pagpupunas ng nabuhos na kape at mas lalong nag-flex ang mga muscles nito sa katawan. Mas lalong nagsasayawan ang mga ito sa kaniyang mata.

Humakbang ito papalapit sa kaniya at huminto sa kaniyang harapan, kalahating dipa ang layo. Matiim siya nitong tinitigan habang sinuot nito ang basang tshirt.

Naalarma naman siya sa isipin basa iyon at magkakasakit ito. "Basa iyan. Magkakasakit ka."

Hindi ito natinag sa kaniyang sinabi. "I'll stay here today with you. Wala kaming practice. Day off."

"I don't need you here, Henrik. Besides, aalis ako. I'm going somewhere else. You can stay with my sister."

"No." Sa isang iglap lang ay nasa harapan niya na ang lalaki, masuyong nakahawak ang dalawang kamay sa kaniyang beywang na para siyang isang babasagin bagay na dapat ingatan. "I'm here, and I'm not going anywhere unless you'll take me in that somewhere else you mentioned."

"S-stop doing that because you think I'm helpless; I don't need it, Henrik. It's just a tumor; my life can go on with or without it." Nag-iwas siya ng tingin at pinilit na inalis ang pagkakahawak nito sa kaniyang beywang. Natatakot siya na baka saan sila  aabot nito lalo na at sila lang dalawa sa apartment niya, magkaharap at nakatuwalya lang.

Ibang katauhan ngayon ang pinakita niya kay Henrik. Hindi ang Trinity na puno ng kompyansa sa sarili, sopistikada at matayog. Ngayon, ito ang totoong Trinity. Totoong katauhan niya ngayon ang kausap nito...

"You're not helpless, Trie. Sa lahat ng babae nakilala ko, you're the strongest one I've ever met."

Mapakla siyang natawa. "Talaga?" Nayayamot na lumabas iyon sa kaniyang bibig. Paano siya maniniwala? Paano niya paniniwalaan ang sinabi nito gayon alam niyang si Lianne ang nag-iisang babae sa mga mata nito.

Huwag na silang maglokohan. May sakit lang siya pero hindi siya tanga. Mahal niya ito pero hindi nito kailangan umarte na mahal din siya dahil nababasa niya iyon. Nababasa niya na awa lang ang dahilan kung bakit naging iba ang ihip ng hangin ngayon sa kanilang dalawa.

"Stop fooling around Henrik. Are you still tends to be here with me if I don't have this tumor? No. You're mainly here 'cos you feel bad about me, and I'm not sure why. Don't be, Henrik, just don't be. Hindi mo kailangan gawin iyon dahil kaya ko ang sarili ko. Me against the world. Hindi us against the world. Now will you please take off your hands? Nakakaabala ka na sa akin."

"Trie..."

Kung nakokonsensya, huwag. Kaya ayaw niyang malaman ng iba na may sakit siya, dahil itatrato siya ng lahat sa mas special na paraan. Itatrato siya na parang isang salamin na mababasag agad 'pag nabitawan. Maawa sa kaniya. Ayaw niyang magbago lang isang tingin ng tao sa kaniya dahil sa may sakit siya. Hindi niya ito gusto.

Gusto niya itrato siya sa paraan nakasanayan ng mga ito. Tulad ni Henrik, tinatrato siya nitong isang palipasan ng oras at mas mabuting ganoon lang lahat.

Mamatay na nga siya, ipaparamdam pa nito ang kaplastikan sa kaniya. Hindi niya ito kailangan para gawin nito ang bagay na labag sa loob. She can managed.

Nang alisin ni Henrik ang kamay nito sa kaniyang beywang, kaagad siyang tumalikod at tinungo ang kaniyang silid saka ni-lock iyon.

Hindi niya namalayan ang dahan-dahan pagbagsak ng luha mula sa kaniyang mata.

Ang aga naman niyang nasaktan...

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon