Chapter 39 - Jävla Fan

8.5K 379 111
                                    

Pinunasan ni Trinity ang panay na pagbagsak ng kaniyang mga luha. Nanglalabo ang kaniyang tingin pero kaya pa rin naman niya mag-drive. Ilang beses niya munang kinalma ang sarili bago  ulit nagseryuso sa pagmamaneho.

Pupunta muna siya sandali sa kaniyang aguela at aguelo. Mangungumusta kung okay lang ba ang mga ito at makikipagkwentuhan saglit.

Saka biglang tumunog ang kaniyang cellphone, si Henrik ito, tumatawag. Sinagot niya ang tawag ng asawa niya habang nilagay sa teynga ang earpods.

"Hey?"

"Our team has finished practicing, so I'm heading home to see you!"

Napangiti siya nang marinig ang sinabi ni Henrik. "Oh, about that. I'm on my way to my Nana's house. Could you please wait for me at home, hmm?"

"Of course. I'll be waiting for you at home. We'll be going to New York to get some fresh air."

"That would be fantastic!" Nilangkapan niya ng sigla ang boses kahit alam naman niya ang totoong rason, bakit sila pupunta ng New York. Kunwari, wala siyang alam.

"R-really?"

"Yep! I miss New York, too. Let's go there!" Kunwari excited siya. Pero ang totoo, hindi. Hindi siya papayag. Kakausapin niya ang lalaki mamaya pag-uwi niya ng bahay. "Henrik, you know how grateful I am to have you, right? I love you. I've loved you since I was a teens... The truth is, you've been my huge crush since high school, and look how quickly the years have passed."

Natigilan naman si Henrik sa kaniyang sinabi. Matagal ito bago nakasagot sa kabilang linya.

"I... I had no idea you'd had a crush on me since you were in high school."

"Because I kept it hidden from you." Kunwaring ay tumawa siya pero nahahati naman ang kaniyang puso. Hindi niya magawang tumawa nang masaya. "Okay, just wait for me to get home, ha? Before you know it, I'll be there. Goodbye, Henrik."

Hindi niya na hinintay na sumagot ang kaniyang asawa. Kaagad niyang pinatay tinanggal ang earpods sa teynga para lang malingat at hindi namalayan ang pagsalubong ng isang 10-wheeler truck.

Kasunod niyon ay ang malakas na pagbasag ng salamin at pagkalat niyon sa daan. Maingay na busina  at ang malakas na pagbangga ng isang sasakyan sa malaking poste dahilan ng malakas na kumosyon.

BIGLANG bumagsak ang phone na hawak ni Henrik sa kamay. Naunang bumagsak ang screen nito sa sahig at nabasag ang LCD niyon sa lakas ng pagkabagsak. Nasa locker room siya.

Napakunot siya ng noo nang tingnan niya ang screen. Basag na basag iyon. The heck? Bakit ngayon pa ito nahulog? Papalitan na lang niya ito pauwi. Dadaan lang siya saglit sa isang iPhone Store.

Nilagay niya ang basag na cellphone sa bulsa ng kaniyang leather jacket at dinampot ang susi ng sasakyan. Aalis sila ngayon ng asawa niya papuntang New York.

Ang gagawin niyang hakbang ay alam niyang ikakagalit ni Trinity pero mas mabuting gawin ito. Pwede silang bumuo ng maraming anak pagkatapos ng operasyon, kahit ang ibig-sabihin niyon ay i-terminate ang pagbubuntis ngayon ni Trinity.

Nag-usap sila ni Lianne kaninang madaling araw. Nagalit ito sa kaniyang naging desisyon pero ang makitang nahihirapan ang babae, mas dobleng hirap ito kay Henrik. Hindi ito maghihirap kung hindi niya ito binuntis. Naawa siya sa kalagayan nito. Kahit papaano, masasabi niyang natatapatan ni Trinity ang pagmamahal na naramdaman niya kay Lianne noon.

Napabuntong-hinga siya at sandaling umupo. Pinapayapa ang sarili. Sasabihin niya ba kay Trinity itong plano niya? Alam niyang hindi ito papayag kapag nagkataon. Alam ni Henrik na ang anak nila ang naging pag-asa nito para lumaban. Pero paano nito malalabanan ang sakit nitong traydor kung sa tuwing aatake ito, wala siyang magawa kundi pagmasdan ang asawa niya na namimilipit sa sakit.

Fuck! What should I do then?

Sandali niyang pinikit ang mata at nag-isip pero walang pumasok kahit ano sa isip niya. Mas lalo lang itong nagulo lalo.

"Okay, just wait for me to get home, ha? Before you know it, I'll be there. Goodbye, Henrik."

Hindi niya nagustuhan ang tono nang sabihin ito ng asawa niya. Para itong namamaalam habang-buhay. Parang sinasabi sa kaniya ni Trinity na hindi na sila kailan pa magkikita sa paraan ng pagkakasabi nito.

Huminga siya nang malalim at pinilig ang ulo. Wala naman sigurong ibang meaning ang pamamaalam ng asawa niya.

Namalagi siya muna nang isang oras sa locker room at nung maramdaman ni Henrik na okay na ang kaniyang isip, at harapin ang babae.

"Hey, Captain!"

Napatingin siya sa dalawang team mates niya. Mabilis na lumapit ang mga ito at kitang-kita sa mukha ang takot.

"Yeah?"

"A major accident has happened along the Brodhead Road, near Higher Avenue! Have you heard?"

"No. Why did you ask?"

Nagtinginan ang dalawa at nagtulakan kung sino ang unang magsabi. May hawak ang mga ito na cellphone at halatang may pinapanood na balita.

"Your wife—"

"Fuck!"

Biglang nagsiakyatan ang dugo sa kaniyang ulo at bago pa matapos ng mga ito ang gustong sasabihin, mabilis na pumuhit ang paa ni Henrik para takbuhin ang sasakyan sa parking lot.

Fuck! No! Para siyang mabibingi sa lakas ng tibok ng kaniyang puso. Wala naman sigurong masamang nangyari sa babae!

Nagkausap pa lang sila kanina. Masaya pa ang boses nito at— namamaalam!

Jävla fan!

Napamura siya sa salitang swedish sa sobrang galit. Wala siyang sinayang na oras, mabilis niyang pinagana ang makina ng sasakyan at pinatakbo ang sasakyan. Halos lumipad na ito sa gitna ng daan para lang marating ang pinangyarihan ng aksidente!

Kinuha niya ang phone niya at sinubukan tawagan ang babae. Panay ring lang ito at walang sumasagot sa kabilang linya!

"Fucking hell, Trinity! Answer the phone Trie!"

Pero nabibingi na yata ang teynga ni Henrik sa panay ring ng phone ni Trinity, walang sumasagot sa kabilang linya.

Ang lakas din ng kalabog ng puso niya. Para itong mababasag ngayon! Nanginginig ang kaniyang kamay habang nagmamaneho. Malapit na siya. Ang 40 minutes na byahe ay ginawa niyang bente minuto.

Halos lumipad na ang sasakyan niya. Hindi siya napapanatag kung hindi makita at malaman na okay lang si Trinity.

"Dude!" Si Favio ito. Tumawag ngayon.

"Have you seen my wife? Have you seen her? Is she okay? Tell me!"

"No. Why, what's happening? Is something happen to her?"

"I just fucking don't know! I'm on my way. Talk you later dude."

At pinatay niya ang tawag ni Favio. Mas nanaig sa kaniya ang marating agad ang lokasyon. Tutuk na tutuk ang mata niya sa daan at kung may pakpak lang ang kotse niya, pinalipad niya ito.

Ilang sandali pa ay nakita ni Henrik ang maraming taong umusosyo. Nasa pinangyarihan na siya ng aksidente! Pero wala na roon ang taong sadya niya. Ang tanging nakita lang niya ay ang sasakyan na kilalang-kilala ni Henrik.

Damn! Damn it!

Kilalang-kilala niya ang sasakyan na bumangga sa isang poste at wasak na wasak.

Trie...

Isang malamig na hangin ang humampas sa kaniyang mukha kasabay ng panghihina ng kaniyang tuhod.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon