Chapter 21: Love

7.9K 323 26
                                    

Isang oras siyang nagmukmok sa kaniyang silid. Nung handa na siya, saka siya lumabas na bihis na bihis na. Nagsuot siya ng isang sexy wine dress na halos labas ang kaniyang likod at dibdib. Naglagay din siya ng makapal na make up at mataas na stilettos. Kahit sa ganoon paraan, matakpan ang totoong nararamdaman niya ngayon.

Kinulot niya ang kaniyang buhok at nagmistula siyang misteryuso sa kaniyang aura ngayon. Dinampot niya ang kaniyang bag kung saan andoon ang phone at gamot niya.

1 year? 2 year? Nah, mahaba pa 'yan kaya gagawin niya ang mga bagay na gusto niyang gawin at kakalimutan niya si Henrik. Mahal niya? Oo, pero kakalimutan niya.

Eksaktong paglabas niya ng apartment, nakita niya ng naghihintay si Henrik sa tabi ng elevator. Nakapamulsa. Suot nito ay fitted navy blue shirt at pants. Bagets na bagets ito tingnan habang may suot na cap sa ulo.

Huminga siya ng malalim. Nag-unahan na naman sa pagtibok ang kaniyang puso kaya kailangan niyang pakalmahin ito at baka hindi niya mapigilan ang sariling salubungin ito ng yakap at halik.

Nagsimula siyang humakbang at nagkunwaring hind ito nakita. Kaagad niyang binuksan ang elevator at pumasok na hindi ito pinapansin. Mabilis naman na sumunod sa kaniya si Henrik at pumwesto ito sa kaniyang likuran.

Ngayon, silang dalawa lang sa loob ng elevator. Habang ang puso niya, nagsisiunahan pa rin sa pagtibok ang mga ito pero nakokontrol niya na.

Saka tumunog ang kaniyang cellphone. Si Amara ang tumatawag. Ang magandang best friend niya. Kaagad niya itong sinagot.

"Oy gaga!" Bahagya pa siyang napiyok pero mabilis niyang nabawi ang boses. Hindi dapat mahalata ni Henrik na nasisilong siya sa presinsya nito. Dapat chill at maganda siya. "Ano na? Nandito ka na sa Pennsylvania?"

"Actually, na-postpone, Trinidad! Si Azael kasi ayaw akong samahan. May importanteng business meeting sila ni crush Doc. Hayes at ni Cuhen sa Cebu. Kinidnap ako ng sarili kong asawa kaya no choice ako Trinidad."

Natawa siya. Nakalimutan niya sandali ang presinsya ni Henrik sa kaniyang likuran. "It's okay 'no! Mag-enjoy ka diyan sa Cebu, okay? Ako na lang ang bibisita diyan sa Philippines for you."

"Really?! Gagawin mo 'yon para sa 'kin?"

"Why not? You're my best friend and I miss you!"

"Same here.  Na-miss ko na ang katabaan mo, Trinidad. Kailan ka ulit magpataba? Alam mo naman na ginagawa kita minsan ng unan, kumot at higaan." Saka sinundan ni Amara ng malakas na tawa sa kabilang linya at imbes na mapikon sinabayan niya lang ng tawa ito.

"Alam mo, harapin mo na 'yan diyan ang asawa mo. Kasi papunta pa ako sa Trinia's Hideout."

"Okay-okay! Tatawag na lang ako— ano ba Azael! Put me down! Azaeeeelll! Aangkinin mo na naman ako—"

Siya na ang pumatay sa tawag at natawa. Kaloka talaga 'tong kaibigan niya! My god!
Siya 'yong nahiya pero kahit papaano, nasanay na siya sa kaharutan ng dalawa.

"You are going to Trinia's Hideout?" Si Henrik ang nagsalita. Pati boses nito natutukso ang kaniyang puso.

Pero hindi siya sumagot. Pinanindigan niya ang salitang hindi niya ito kilala. Tama na. Masasaktan lang siya lalo. Dalawang taon na nga lang meron sa kaniya, sasaktan pa niya ang kaniyang sarili?

No.

Nang bumukas ang elevator, kaagad siyang nagtungo sa labas para pumara ng taxi. Pero mabilis na nahawakan ni Henrik ang kaniyang kamay at hinila siya nito papunta sa sasakyan nito sa parking lot.

Hindi siya umayaw o nagwala. Kaya naman niyang umarteng parang patay. Sadyang pagod lang siya makipagtigasan at makipagtitigan dito. Hindi ibig sabihin niyon na napasama siya ni Henrik, okay lang siya.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon