Chapter 56: Iisang Pangalan Lang

5.9K 244 22
                                    

 Isang malakas na suntok ang tumama sa panga ni Henrik. Takang napatingin siya kung sino ang sumuntok sa kaniya, para lang magtagis ang kaniyang bagang sa galit!

"Vafalls!" What the heck! Nasa harapan niya ang lalaking pekeng asawa ni Trie. Doon lang napansin ni Henrik na dumugo ang gilid ng kaniyang bibig nang malasahan ang dugo at hindi siya nakapagtimpi sa naramdaman galit.

Mabilis siyang tumayo at inambagan ng suntok ang lalaki. Nagpambuno sila sa bakuran ng kaniyang bahay. "How dare you come into my premises and challenge me to a fight." Isang malakas na suntok ang binigay niya sa mukha nito.

"I'm going to murder you for hurting my Talia!" Binigyan siya nito ng isa pang suntok pero nailagan niya ito. Mabilis niyang tinulak ito papalayo dahilan para tumilapon ito sa kalayuan.

"Are you trying to make me laugh?"

Hindi siya naging isang captain sa hockey kung sa ganitong away at suntukan lang, mawawalan agad siya ng malay. Isa lang itong sisiw! Kaya niyang makipagpatayan kung gugustuhin ni Henrik pero may prensipyo siya sa buhay.

"I can't let you steal my wife away from me." Galit na sigaw nito.

Saka naman siya natawa at inayos ang sarili habang nasa lupa pa rin ang lalaking kilala niya sa pangalan Rowan. "Fake husband. Because the woman you call Talia and I are actually married. Now that you are aware of my true identity in Trinity's life as well as to my twins, I have no excuse to stay out of their lives."

"Just try to disrupt our peaceful life, and I'll murder you."

"And who are you to stop me from doing what I'm going to do? I just understood your punch today to mean that I would now meddle in their lives, and that was the only thing I could decipher from it. In any case, you are not included in my list.

"I won't let you succeed." Tumayo ito at pinunasan ang labing dumugo. Nagkaroon ito ng pasa sa isang mata dahil sa ilang suntok na binigay niya rito.

"Don't push me to take back my wife by force, so if I'm you, stay away as long as you can because one of these days, I'm going to take the woman I own. I haven't lost in any game, and out of the two of us, I'm the one who will win." May pagbabanta sa boses ni Henrik saka ito tinalikuran. Pumasok siya sa loob ng bahay at iniwan ang lalaki.

Wala siyang oras makipagpatayan ngayon araw dahil marami pa siyang gagawin. Ngayon tinibag nito ang kaniyang pananahimik sa araw na ito, gagawa na siya ng kaniyang hakbang. Wala ng rason si Henrik para patagalin pa ang lahat dahil bawat araw na dumadaan ay parang isang lason sa kaniyang dibdib.

Hindi niya maiwasan isipin kung ano ang ginagawa ng dalawa sa gabi at kung ano ang ginagawa ng mga ito sa isang silid. Iisipin pa lang niya ito, nangingig na ang kaniyang kalamnan sa sobrang selos! Gusto niyang magalit kay Amara at sa lahat ng mga taong involve pero wala, masyadong malawak ang kaniyang pag-unawa tulad nung mas pinili ni Lianne ang kaaway niyang si Zyd.

Siguro, pinanganak lang talaga siyang malawak ang pag-unawa at malaki ang puso pero tao lang din siya, napupuno at nauubos. Hindi na siya papayag pa na sa ikalawang pagkakataon ay kunin ng iba ang babaeng mahal niya! Noon hinayaan niya si Lianne dahil alam naman niyang hindi siya kayang mahalin ng babae katulad ng pagmamahal nito kay McCluskey, pero ngayon. . . mahal nila pareho ni Trie ang isa't isa.

Hindi na siya papayag pa na maging second lead na naman! Kwento ng buhay niya na ito at hindi na siya papayag na may iba pang bida maliban sa kaniya.

Deretso siya sa hagdanan nang may nagsalita sa kaniyang likuran.

"Henrik."

Huminto ang kaniyang paa sa paghakbang sa baitang ng hagdanana nang marinig niya ang boses ni Misty. Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses nito at nakita ang babae na nakaupo sa sofa.

"Favio allowed me in here earlier, so I'm here on the couch waiting for you."

"Do you want to tell me something?" tanong niya at tinungo ang sofa imbes na ang kaniyang silid. Umupo siya sa pang-isahan sofa at tiningnan ang babae. Hinintay ang sasabihin nito.

"How are you? Ilang linggo lang ako nawala pero ang laki ng ipinayat mo. Stressed maybe?"

"Kind of."

"By the way, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Henrik. Nandito lang ako para sabihin sa 'yo na aalis na ako sa Pinas."

"Bakit naman?"

Ngumiti ito nang malungkot at napasandal. Pinagsaklop ang dalawang kamay at saka muling nagsalita.

"Dahil hindi para sa 'kin ang lugar na ito. Kapag mananatili pa ako rito sa Palawan, pakiramdam ko mababaliw lang ako sa sakit." Sandali itong huminga nang malalim kasabay nang pagpatak ng mga luha sa mga mata nito. "Totoong gusto kita Henrik. No— mahal na kita. Akala ko magiging masaya na ako sa iyo at ganoon ka rin sa 'kin dahil parehas tayo ng sitwasyon, namatayan ng mahal sa buhay. But then, ngayon alam ko na hindi pala. Hindi kita pipilitin na mahalin ako o ang kaawaan ako. Nandito lang ako para sabihin na masaya ako na nakilala kita at sa isang gabing naging akin ka."

"Misty. . ."

"No— huwag kang magsalita nang kahit ano, Henrik. Hayaan mo na ako na sabihin ang lahat ng nasa dibdib ko para naman, gumaan ito." Napasigok ito at mabilis na pinunasan ang mga luha. "I love you pero hanggang dito na lang ang pagmamahal kong ito. And sana, sa pag-alis ko makalimutan kita at makahanap ako ng panibagong lalaking mamahalin ako ng walang alinlangan. 'Yong lalaki na matatawag ko na talagang akin. Alam ko kasi na sobrang mahal na mahal mo ang asawa mong si Trinity at nagseselos ako sa bagay na iyan kahit hindi naman dapat. Si Favio rin ang nagsabi sa 'kin na sukuan na kita dahil totoong buhay ang asawa mo at may kambal kayo. . . Kaya, sino ako para sirain ang pagmamahal mong iyon sa asawa mong matagal mo ng hinahanap ang presinsya, hindi ba?"

"Kaya, aalis ako. Lalayo. Hindi ko kayo sisirain dalawa kahit ang totoo, gustong-gusto kong agawin ka dahil iyon ang gusto kong gawin pero hindi dapat. Naawa ako. Naawa ako sa sarili ko at sa iyo. Naawa ako sa 'yo dahil alam kong sobrang mahal mo ang asawa mo at nasasaktan ka na makita siyang nasa ibang lalaki— pero okay lang 'yan Henrik. Mababawi mo rin siya. Huwag kang sumuko, okay? Gawin mo ang lahat para makuha mo ang babaeng mahal mo. Pangako, aalis ako na masaya at hindi galit sa 'yo o kay Favio. Kung may nangyari man sa 'tin, itatanim ko na lang ito bilang isang napakagandang panaginip hanggang sa makalimutan kita. Maraming salamat sa lahat at sa maikling sandali na nakilala kita. Paalam, Henrik." Saka ito mabilis na tumayo at tinakbo ang pintuan.

Misty. . . May kung anong awa ang naramdaman ni Henrik para sa babae nang sundan niya ito ng tingin. Hinahangaan niya ang babae sa ginawa nito ngayon.

At malungkot siya para rito. Hindi niya intesyon na saktan si Misty. Sadya lang pinaglaruan lang siya ng panahon at nagpadala sa tukso nang gabing nakalimot siya.

Pero ipagdadasal niya na sana tuluyan siyang makalimutan ni Misty at makahanap ito nang taong magmamahal dito ng buong-buo.

Dahil kung siya, iisang pangalan lang ang nasa puso niya at ito ay si Trinity Williamson Gustavsson lang.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon