Chapter 41 Long Lost

759 30 3
                                    

Andrea POV

Nakauwi na ako sa Manila, andito na ako sa bahay nila Aaron. Sobrang dull nya kausap. Hindi ko maintindihan kung anong problema o kung anong nararamdaman nya. Mula nang makauwi ako dito, hindi na sya umiimik. Isang sagot isang tanong.

"Andrea?" Kinalabit nya ako habang nagaayos ako ng mga damit ko sa cabinet. "We need to talk." Anya. Lumingon naman ako sakanya at bahagyang ginilid muna ang mga damit.

"Sure, tungkol saan?" Tanong ko sakanya habang nakatitig sa mga mata nya. Huminga sya ng malalim at tumingin sa akin pabalik. "Mahal mo ba si Weiss? O mahal mo paba siya?" Maluha luha ang kanyang mga mata. Nasasaktan ako. Ang sakit.

Hindi ako nakaimik agad. Ang hirap. Ang sakit. Ang hirap pigilan ng puso. Parang nagwawala. Nagagalit. "Oo." Sambit ng mga bibig ko na nauutal pa sa nginig. "Sorry Aaron. Sorry." Naramdaman ko ang pagkusa ng mga luha kong pumatak. Kasabay ng sakit na nararamdaman nya, ay nagawa parin nya akong yakapin.

Hinahaplos nya ang buhok ko habang magkayakap kami.

"Andeng, hehehe. Gusto ko lang malaman mo na priority ko ang happiness mo. Kung saan ka masaya doon ako. Hindi ko ipagkakait sayo yun. Sorry sa mga nagawa ko." Humigpit lalo ang yakap na binigay nya sa akin. Hindi ako makahinga, para bang may malaking kung anong bagay ang nakadagan sa aking dibdib.

Masakit pero mahirap. Mahirap pero kailangang tanggapin na hindi lahat nadadaan sa pagmamahal. Dahil kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao kung hindi sya ang nakatadhana para sayo hindi mo sya makukuha. Maaring ipahiram sayo ngunit panandalian lang.

Pinagkasunduan namin na ibenta nalang lahat ng mga pag-aari na pwede naming paghatian. Bumalik na ako ulit sa condo at sa firm na pinagta-trabahuan ko.

---------

Ilang buwan na din ang lumipas. Wala akong natatanggap na paramdam kay Weiss. May ilang cases parin akong nahahawakan sa kompanya nila pero ni isang beses hindi ko sya nakita. Hindi na yata sya madalas pumasok.

Baka may pinagkakaabalahan ng iba... tuya ng aking isipan. Umuwi na ako sa condo pagkatapos ng isang hearing ko kay Mr. Yuchengco.

Napabuntong hininga nalang ako pagkauwi ko. Paano ba naman ang alaga kong aso na si tootzy nagkalat nanaman. At nginatngat pa talaga ang favorite slides ko.

"Tootzy naman, sabi wag ngatngatin slippers ni mommy e." Sabay haplos sa belly ng baby kong Japanese Spitz. Si tootzy madalas ang naiiwan dito sa condo since mag-isa ko nalang naman sa buhay sya na yung naging karamay ko sa lahat.

Inuna ko na syang hinainan ng dinner. Pagkatapos kumain na din ako. Nagshower at nagpahinga na ako.

Nang nakuha ko na ang antok ko, bigla namang may tumawag sa cellphone ko. Agad ko namang sinagot ito dahil baka emergency sa mga client.

Ngunit boses ni Aling Pasing ang bumungad sa akin. "Andeng ang iyong ina!! Umuwi kana dire parang awa mo." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Para bang hindi ako makagalaw.

Dali dalian kong inayos ang kulungan ni tootzy at nagimpake ng konting damit para makaalis na kami agad. Habang nagmamaneho ako, naiisip ko si mama. Paano na ako kung wala sya. Ikakasal pa kami ni Weiss at kukunin pa ang bendisyon nya. Nagdadasal ako habang nasa byahe, na sana maging mabuti na ang lagay nya.

Ilang oras ang nakalipas at nakarating na ako sa bahay. Nasa hospital bed ang mama at naka-oxygen na din sya. Umiiyak ako pero ayokong ipakita sakanya. Ayokong maisip nya na nahihirapan ako. Kaya ngumiti ako sakanta at hinalikan ko sya sa noo.

"I love you mama. Andito na ako." Saad oo sakanya habang hawak ang mga kamay nya. Sobrang higpit ng hawak nya sa mga kamay ko. May itinuturo sya sa cabinet na bandang kanan nya.

Binuksan ko ito at may nakita akong maliit na envelop. Pinapabuksan nya ito sa akin. Kaya naman binuksan ko ito agad at tinignan ang nasa loob. Isang litrato ng batang babae. Kamukha ko sya. Kamukhang kamukha ko sya lalo na sa mga mata.

"Ka-kapatid mo siya a-nak." Sambit ni mama sa akin habang naghihikahos sya sa paghinga. "Kapatid? Bakit hindi ko alam na may kapatid pala ako?" Tanong ko kay aling Pasing na nasa gilid ko naman.

"Ayaw ng iyong ina na malamang ng iyong ama na mayroon syang anak sa iba. Nung nagkaroon na ng lakas ng loob ang iyong ina saka naman may umampon na sakanya at ipinunta sa Amerika." Kwento ni Aling Pasing.

Napalingon naman ako kay mama, at tinignan sya ng bahagya. Hinawakan ko ang kamay nya at tinanong kung gusto ba nyang hanapin ko sya para sakanya, tumango naman si mama sa akin.

"Ano ang pangalan nya mama?" Tanong ko.

"Ariella." Huminto ng bahagya "Ariella ang binigay na pangalan sakanya ng mga nag-ampon sakanya." Sagot ni mama.

"Ngunit nagkaroon ng car accident ang mga magulang nya sa Amerika kaya nabuhay syang mag-isa sa Amerika." Singit naman ni Aling Pasing.

Tumango na lamang ako. Gusto kong mabigay ang huling kahilingan ng mama sa akin. Hahanapin ko sya. Kung maaring magamit ko lahat ng connection ko sa iba't ibang firm gagawin ko. Hindi ako titigil hangga't hindi ko sya nakikita. I-uuwi ko sya kay mama.

"Huwag kana mag-alala mama ha? I will find her. I promise you that! Kaya magpagaling ka okay? I love you mama." Sabay halik ko sakanya para makapagpahinga na sya. Dumiretso ako sa kusina upang kumuha ng kape. Kailangan kong mag-isip.

Inayos ko muna ang mga gamit ko sa dati kong kwarto. Dito muna ako habang hindi pa mabuti ang pakiramdam ng mama. Ngunit ba-byahe pari ako pabalik sa Manila dahil hindi ko naman pwedeng iwanan ang trabaho ko.

"Magpahinga kana muna Andeng. Matulog ma muna." Napalingon ako at si Aling Pasing pala. Nasa harap sya ng pintuan ko at pinanunuod ako.

"Opo auntie, salamat po. Salamat din po sa malasakit nyo kay mama."

"Walang anuman yun anak, mabuti ang ina mo sa aking pamilya at ito nalang ang maibabalik ko sainyo." Sagot naman nya at saka ako niyakap at nagpaalam na uuwi na.

Natapos akong mag-ayos ay humiga na ako. Magpapahinga ako kahit ilang oras nalang ay umaga na. Hindi mawala sa isip ko ang mukha ng kapatid ko. Alam kong hindi magiging madali ang paghahanap ko kay Ariella pero I will make sure na hindi ito tatagal.

Muli kong tinitigan ang kanyang litrato, inaral ko ng mabuti ang kanyang mukha. Bigla ako napaiktad ng maisip ko si Weiss!

Tama si Weiss! Pwede akong humingi ng tulong sakanya. Dahil alam naman natin ang koneksyon na meron sya.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tumawag sakanya.

Itutuloy...

Shining Shimmering SplendidWhere stories live. Discover now