Chapter 48 I'm Not A PushOver

953 37 2
                                    

Andrea POV

"Goodmorning ma! Off to work na ako, don't forget to take your meds ha? Just call nana pasing whenever you need accompany." Wika ko sakanya habang magkausap kami sa cellphone. "I love you ma!" Singit naman ni Riel.

I'm with Riel, ihahatid ko siya sa warehouse ng mga supplier nya for her business. "Bye ma! Bye mama." Sabay naming paalam sa kabilang linya.

Napalingat ako kay Riel at nakatingin siya sa akin. Titig na parang may pang-aasar. "So, are you ready?" Tanong sa akin ni Riel sabay ngiti. "Kinda? I'm always ready tho." Tawanan kami ng sabay. I'm on my way to SGC. Pinapapunta ako sa office baka may important matter. This is my first time again to work there kaya medyo kabado pa.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa warehouse at binaba ko na si Riel doon. "Bye sis, goodluck!" Sabay halik sa cheeks. Beso beso ba. "Ate thank you ha? For helping me." Sambit nya. "Sus ano kapa, we're siblings. Sige na, go na." Pang-tataboy ko sakanya.

Maybe ito na lang yung way para matulungan ko siya sa tagal na hindi kami nagkasama. Even though there's something that holding me back from working at SGC, I still chose to accept it. I need the fund for my sister and my mother. Sila nalang nga natitira sa akin, pababayaan ko paba.

Pumanhik na ako at dumeretso sa kompanya. Inagahan ko na dahil may klase pa ako sa university mamaya.

Ilang saglit pa ay nakarating na din ako. "Hello Attorney. This way please." May sumalubong agad sa akin na staff. "I'm here to see Mrs. Sandoval right? That's what the front desk officer told me." Tumingin sa akin ang staff. "Oh no ma'am, you misundertand. It's Ms. Sandoval, not Mrs. Wala pa po si Mrs. Sandoval, nasa business trip po. Nagulantang ako ng marinig ko ang salitang Ms. Sandoval.

That means, si Weiss ang kakausap sa akin? Parang may kung ano sa akin na nagpipigil na kausapin si Weiss. Ngunit kailangan talaga, nakapirma na ako sa kontrata at hindi na pwede umatras. Nararamdaman ko na ang paglapit ng mga yagapak ko sa bukana ng opisina ni Weiss. Halong kaba at takot ang naglalaban sa aking dibdib. Wala akong ibang marinig kundi ang bilis ng tibok ng aking puso. Huminga ako ng malalim atsaka ako pumasok.

Pagpasok ko sa pintuan, naamoy ko kaagad ang pabango ni Weiss, kaya alam kong malapit lang sya sa akin. Hindi ko siya nakikita dahil nanatili akong nakayuko. Isinara na ng staff ang pintuan. Parang hindi ako makahinga knowing na nasa isang kwarto lang kami ni Weiss.

"Hi Attorney Galves. Nice to see you.. again?" Nakatayo si Weiss sa gilid ng kanyang office table. Ang hot niyang tignan sa suot nyang trouser suit. Napalunok ako ng kung ano sa aking lalamunan bago sumagot. "A-ahm, hi too? I was told to meet your mom, but in my surprised.. ikaw pala ang kakausap sa akin. So u-uhm, what can I do for you?" Tanong ko.

"Should we eat first?" Tanong niya sa akin. Akmang dadamputin na nya ang kanyang blazer ngunit humindi ako. "Oh no, hindi ako pwede magtagal. May klase pa ako. Hindi ako pwede ma-late." Dahan dahan naman niyang binalik ang kanyang blazer na nakataong sa office chair nya. 

"Okay  then, just take this." Inabot nya sa akin ang isang square envelop na may Atty. Andrea Galvez & Family. Binuksan ko ang envelop at nakita ko na birthday invitation nya ito. Tumango nalang ako. "Okay, will be there since I'm an employee of this company. Thank you for the invitation. I should be going." Tumalikod na sana ako ngunit hinila ni Weiss ang braso ko ng malakas at nahila niya ako malapit sakanyang mukha. Muntikan na kami maghalikan!

"What?" Wika ko sakanya. Pumiglas ako kaagad sa pagkakahawak niya. "I-I'm sorry." Saad naman niya sa akin at sabay ang pagyuko niya. Nagsimula na akong humakbang palayo sakanya. "A-Andrea? I miss you." Napatigil ako sa sinabi nya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sasagot ba ako o hindi. "I should get going, nice to see you Weiss." At mabilis na akong naglakad palabas sakanyang opisina at palabas ng kompanya.

Tumakbo ako papasok sa kotse. Gusto kong huminga. Gusto kong sumigaw. Biglang napukaw ang atensyon ko sa cellphone ko dahil nagri-ring ito. May tumatawag sa aking client kaya isinantabi ko muna ang nararamdaman ko. Kailangan kong maging professional kapag humaharap ako sa mga kliyente ko dahil ayokong maisip nila na hindi ako reliable. "Sure Mr. Gomez, will be there in 5. Thank you, just hold on." Sambit ko at binaba ko na ang tawag.  

"You can't even prove that my client's money was made by illegal activities. Mr. Gomez have completed the documents before building this project. You can't just detain him here just because someone tipped you about something that don't have enough proof." Pagpapaliwanag ko sa mga Pulis. "Pero Attorney." Pagpigil sa akin. "Sir, first and foremost prosecutors must show that Mr. Gomez concealed money specifically the location, ownership, or control of the money. After you can prove that, you can arrest him." Ulit na paliwanag ko. Mabilis ko ding napalaya si Mr. Gomez at sabay na kaming lumabas ng presinto. Iimbestigahan pa sya kaya naman mas madami nanaman akong ta-trabahuin ngayon.

---------

"How was your day ate?" Tanong sa akin ni Riel habang nasa kusina kami at nagluluto sya ng dinner. "Okay lang naman, nakakapagod pero masaya naman. Ikaw kumusta ang mga supplier mo?" Malaking ngiti ang ginawad nya sa akin. "Ayos na ayos ate. We can start the operation ng restaurant in a week or two. Inaayos pa kasi ng designer yung style ng place." Tumango tango ako sakanya. "Lagi nanamang nakaharap ang laptop mo sayo ate, wala kana atang time para sa sarili mo e." Singit pa nyang sabi sa akin. "Ganun talaga, kung nagstart na din ang operation sa restaurant mo e malamang busy kana din nun." Sagot ko sakanya. 

'Di nagtagal ay kumain na din kami ng dinner at pumanhik na sa aming mga kwarto. Nasa study table parin ako dahil gumawa ako ng powerpoint para sa ile-lesson ko bukas sa mga law students ko. 

******ting******

Nagulat pa ako sa pagtunog ng cellphone ko. Agad ko naman itong binuksan.

Good evening Attorney, si Lindsie po ito. May nangyari pong masama kay Ms. Weiss. Kailangan nya po kayo ngayon ma'am. Reply back please.

Tinawagan ko si Lindsie at tinanong kung ano ang nangyari. Agad akong tumayo at nagpalit ng damit, nagpaalam muna ako kay Riel atsaka dali dali akong pumunta sa lugar kung nasaan sila. 

Huwag naman sana. Tuya ng isipan ko.



To be continued....

ABANGAN NYO PO YUNG LAST 2 CHAPTERS NATIN AT ISANG SPECIAL CHAPTER. MARAMING MARAMING SALAMAT PO ULIT. ANG SAYA PO NG PUSO KO DAHIL SAINYO.



Shining Shimmering SplendidWhere stories live. Discover now