Chapter 4 The trial

4.4K 156 2
                                    


Weiss POV

"Nagpunta ako sa factory ng maaga atsaka inantay si Mr. Ottave, siya kasi ang isa sa mga prospect investors para sa manufacturing ng mga in can goods.

Doon ang naging usapan naming meeting place dahil mas malapit daw sa opisina niya. Hindi ko na sinama pa si Brandon, ang body guard ko dahil hindi din naman ako magtatagal. Kailangan ko nalang ibigay ang contract at mapapirma siya, saka kukunin ang cheque nya at aalis na din.

Pero hindi ganoon ang naganap sa araw na iyon. Nasa parking area na ako ng makarinig ako ng malakas na putok. At parang hindi lang putok. Parang bombang pinasabog. Natakot ako dahil may mga naka on duty akong tauhan doon. Agad kong tinawagan ang pulisya. Dumating na din ang mga bombero.

Nanginginig ako sa takot noong isa isa na lamang ilabas ng medic team ang mga empleyado sa naturang factory. Walang nakaligtas. Namatay sila lahat.

Ang unang pumasok sa isip ko ay si Mr. Ottave. Siya lang ang may kakayahang pumasok sa factory dahil sa pinayagan kong doon kami magkita. Siya ang may pakana ng lahat!

Isang linggo na ang nakakalipas, matapos ang insidente ngunit wala akong narinig mula kay Mr. Ottave. Pinagbakasyon ko din sila Mama at Dad para hindi nila malaman ang nangyari, pero dahil sa impluwensya ni Dad nalanan parin nila.

Nawalan ako ng mga investors at marami ang nag pull out ng mga investment dahil sa nangyari. 20 million to be exact ang nawala agad agad sa akin dahil sa tulong na binigay ko sa mga pamilya ng mga empleyado kong pumanaw."

"Kailangan mong mapanalo ang kaso Andrea. Ikaw nalang ang pag-asa ko para naman makaahon ang kompanya. Kailangang magbayad ni Mr. Ottave." Matapos ang pag explain ko sakanya ng nangyari, hindi ko na mapigilan ang maluha. Tiwala si dad na hindi ko siya bibiguun. Kaya sana matapos na ang problema na ito.

"Don't worry ma'am. Malakas ang laban natin dahil naretrieve ang footage sa CCTV." Lumalakas talaga ang loob ko kapag nandyan si Andrea. Hindi niya ako binibigo.

"Please, Weiss nalang. Huwag mo na akong i-ma'am." Wika ko nalang sakanya. Gusto kong maging friends kami, oh not just friends but more than.

Ngumti naman siya sa akin at sinabing maghanda ako para bukas dahil start na ng hearing. Tinanong ko din siya kung pwede bang gamitin ang pagpunta niya dito na parang tinatakot ako. Pwede naman daw. Pero baka gamitin nalang namin iyon sa mga susunod pa na hearing.

Natapos na ang usapan namin. Umuwi na ako agad sa condo. Gusto kong magpahinga at magipon ng lakas ng loob para bukas.

"Are you ready?" Tanong sa akin ni Andrea habang papasok na kami sa Trial Court. Hindi pa dumadating si Mr. Ottave kaya nagagawa ko pang kumalma.

"Medyo kinakabahan ako Andrea." Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko ata sya kayang makita. Naiinis ako. Nagagalit ang loob loob ko.

"Huwag kang kakabahan okay? Magiging maayos din ito." Tipid na ngiti na lamang ang ibinaling niya sa akin atsaka binasa ang mga papeles.

Narinig ko ang mga media na nagkakagulo na sa labas. Marahil dahil nandyan na si Mr. Ottave.

Mayaman si Mr. Ottave. Businessman din siya tulad ni Dad. Marami siyang lupain sa Pampanga at marami din siyang hotels. May mga trucking business din siya.

Pero ang hindi ko maintindihan eh kung bakit kailangan niyang sirain ang reputasyon ko, namin na mga Sandoval? Sa pagkakaalam ko naman naging mabuti sakanya ang Daddy ko.

Napansin ko na lamang ang pagupo niya sa katapat ng inuupuan ko. Pangiti ngiti pa ang demonyo. Pumasok na rin ang Judge at magsisimula na ang hearing. Nagsalita na ang bailiff.

"All rise, The court of Padre Faura is now in session, the honorable Judge Mariano Castillio presiding. Everyone remains standing until the judge enters and is seated." Sambit ng bailiff sa korte.

Nauna nagtanong si Andrea kay Mr. Ottave. "Good morning Mr. Ottave. Kumusta po? Balita ko'y namamayagpag nanaman ang yaman niyo lalo na sa kabisayaan." Nagulat ako sa mga impormasyong nakakalap ni Andrea.

"Ofcourse, dugo at pawis ang ipinuhunan ko doon Atty. At walang kinalaman iyon sa kasong ito. Hindi ba?" Sagot niya kay Andrea na para bang kabang kaba.

"Hindi nga ba? Hindi nga ba kayo ang mga humaharang sa mga prospect investors ng mga Sandoval para sa kompanya nyo mapunta ang mga shares. At plinanong pasabugin ang factory nila para mawalan ng tiwala ang mga investors at sayo na maglipatan?" Tanong muli ni Andrea sakanya na hindi maipukol ang tingin.

"Objection your Honour!" Sabay tayo ng Attorney ni Mr. Ottave.

"Objection overruled!" Sigaw ng Judge, kung kaya't nagpatuloy parin si Andrea sa pagtatanong.

"Ayon sa CCTV na nakalap ng kapulisan, ikaw at ang dalawang body guard mo lang ang nakitang pumasok doon. May hawak na briefcase." Nakatingin ng mariin si Andrea kay Mr. Ottave.

"Objection your honor!" Tumayo ulit ang Atty ni Mr. Ottave.

"Objection Sustained." Wika naman ng Judge.

Ako na ang sumunod na tinanong ng Attorney ng kalaban. Isinalaysay ko ng maayos ang bawat pangyayari gaya ng pag salaysay ko kay Andrea.

Natapos na ako turn ko at tinanong ulit si Mr. Ottave. Napangiti sa akin si Andrea dahil alam niyang last shot na nya ito at mapapanalo na ang kaso.

"May sama ka daw ng loob kay Mr. Van Sandoval simula pa noong una? Dahil ba sakanya napunta si Mrs. Sandoval?" Tanong ni Andrea kay Mr. Ottave na hindi na mapakali sa inuupuan niya.

"Wala akong sama ng loob! Hindi iyon ang dahilan kung bakit ko pinasabog ang factory!!!! Nagawa ko yun dahil naiinggit ako sa pamilya nila. May pera na sila, masaya pa sila. Naiinggit ako." Pasigaw at napaiyak si Mr. Ottave sa harap ng korte.

Napaamin siya ng dis oras. Hinatulan na siya sa korte.

"By virtue of the authority vested in me by law, and upon recommendation of the Padre Faura, you Mr. Luis Ottave GUILTY beyond reasonable doubt. And suffer reclusion perpetua." Wika ng bailiffs.

Tuwang tuwa akong napayakap kay Andrea. Naiiyak ako dahil sa wakas natapos na ang kalbaryo sa buhay ko. Napatunayan kong wala akong kasalanan sa mass suicide sa factory namin.

You're my saviour Attorney Galvez!

Shining Shimmering SplendidNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ