Chapter 32 Dreaming

2.5K 78 3
                                    


Andrea POV

"Andrea, wake up!" Unti unting nakaaninag ng liwanag ang mga mata ko.

Panaginip lang pala!

Akala ko totoo na na papakasalan ako ni Weiss. Nalungkot ako ng bahagya. "Hoy! Bakit nakatulala ka parin hanggang ngayon?" Singit ni Sam na halatang kakagising lang din.

"Eh ano naman sayo?" Sagot ko sakanya at akma nang tatayo para makapagayos ng sarili.

Wait! Paanong may damit na ako? Sa pagkakaalam ko natulog akong kumot lang ang saplot.

"Magugutom ako kakaantay sayo Andrea." May pagkainis na sa boses ni Sam kung kaya lumabas na sya sa kwarto at may padabog pang pagsara.

Pagkatapos kong maligo, agad na akong nagpunta sa kusina para makakain. Abala si mama sa pagaayos ng mga itlog sa tray. Namimiss ko na sa labas. Pakiramdam ko para na akong preso na hindi makalabas.

"Hungry?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko. "Here." At platong may bacon at egg ang iniabot sa akin.

"Kumain ka ng mabuti, mukhang pagod na pagod ka kagabi." Saad ni Weiss na may pangisi ngisi pang nalalaman.

"Fuck off Weiss." Sambit ko naman at saka inabot ang plato pagka kwan.

Matapos ako kumain, tumambay muna ako sa gilid ng bahay. May duyan doon na nakasilong sa puno ng Langka.

"Rrrrrrrrrrriiiing!"

"Unknown number."

"Yes?" Bungad ko.

"Sabay na tayong pumunta sa impyerno Andrea, ginawa mo na din namang impyerno ang buhay ko magmula ng magtago ka at hindi magpakita sa akin." Boses ng isang lalaking malapit sa akin. Si Andrew!

"Andrew, anong problema mo? Please sabihin mo sa akin. Hindi ako nagtatago sayo. Alam mong napalapit kana din sa akin. Kung gusto mo magkita tayo ngayon." Saad ko. Malumanay ang pagkakasabi ko sakanya.

Buntong hininga lamang nya ang naririnig ko sa kabilang linya.

"Sige, sa cafe de Amor sa kabilang block, alas otso ng gabi. Doon tayo magkita." Wika nya atsaka pinatay ang telepono.

Hindi ko nalang sasabihin kanila mama at Sam na makikipagkita ako kay Andrew. Baka maging maayos ang lahat kapag kaming dalawa lang ang nagusap.

---------------------------------------

Dahan dahan akong nagpunta sa labas para makaalis na, nagpa booked na rin ako sa Grab para mabilis akong makadating sa nasabing lugar kung saan kami magkikita ni Andrew. Sinigurado kong tulog silang lahat para hindi nila mapansin na wala ako.

Pagkadating ko sa Cafeteria, wala akong makitang Andrew. Hindi ko sya mahanap. Hindi ko alam kung nasan sya. Medyo crowded na yung lugar kaya baka hindi ko lang sya mapansin.

"Andrea! Here!" Sigaw ng ni Andrew na nasa Veranda ng Cafeteria.

Nagmadali akong pumunta sa pwesto ni Andrew, nag beso beso din kami at sya pa ang humila ng upuan na uupuan ko.

"How are you Drew? What's wrong? Tell me everything. I'm here to listen." Malumanay na pagkaka saad ko sakanya. Nakatitig lang sya sa akin habang iniikot ikot at kutsarita sa cup of coffee na nasa harap nya.

"Gusto kita Andrea. Gustong gusto kita. Kapag nakikita kita at kasama, nawawala lahat ng evil sa paningin ko." Sagot nya sa akin at tumimtim sa kape nya.

"Evil? How come na may nakikita kang evil Drew?" Tanong ko sakanya. Hindi pa sya nakapagsalita nung una.

"May schizophrenia ako Andrea. Dumadating sa point na nilalamon ako ng sarili kong imahinasyon." Wika nya sa akin. Nalungkot ako ng bahagya. Mahirap din talagang magkaroon ng mental disorder. Hindi mo alam kung kailan at saan ka pwedeng datnan nito.

"It's okay Drew, naiintindihan naman kita. Pero kung more than friends ang gusto mo, hindi ko pa alam. Hindi ko alam kung kaya ko bang ibalik lahat ng pagmamahal na maibibigay mo." Sagot ko sakanya. "Andito lang naman ako lagi para sayo." Dagdag ko pa.

"Salamat Andrea, salamat." Sambit nya sa akin sabay haplos sa kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"Arrest him officer!!" Sigaw ng isang babae sa likuran ko.

Shit si Weiss ba yon?!

Paano nya nalaman na nandito kami?

"Weiss huwag! Officer no please. He's suffering from mental disorder. Hindi nya alam minsan ang ginagawa nya. You can't just arrest him. Nasan ang warrant?" Tanong ko, syempre as a Lawyer dapat malaman din nila na hindi sila basta basta pwede manghuli.

"Pero pinagtatangkaan nya ang buhay mo Andrea!" Pagpipilit ni Weiss.

"I know, kaya nga ako palihim na nakipagkita sakanya para malaman kung ano ba talagang problema. Weiss please wag na nating palakihin to." Sagot ko sakanya, sabay hinawakan ko sa Andrew sa kamay.

"Let's go to the police station." Yun na lamang ang nasabi ko atsaka ako nagmadaling pumunta sa sasakyan ni Andrew.

"Officer, please. Inuurong ko na ang kaso. Huwag nyo nang huliin si Andrew. May disorder sya at mare-relieve din sya kung sakali right?" Pakiusap ko sa mga pulis.

Hindi ko na din nakita si Weiss na sumunod pa. Naging maayos naman ang usapan namin sa presinto, ngunit nanatili paring naka blotter si Andrew.

----------------------------

"Girl! Ano kaba?! Parang pinahiya mo kasi si Weiss eh. Alam mo bang hindi sya mapakali nung gabing nawawala ka?" Saad ni Sam na wari mo'y nanay ko kung makapagsermon.

"Sorry naman, kaya nga hindi na ako nagpaalam sainyo dahil kaya ko naman." Sagot ko sakanya.

Hindi na umuwi si Weiss sa bahay after mg mangyari. Siguro'y nagpasya na din syang layuan ako para maiwas sa gulo.

Pero hindi maalis sa isip ko na, nagaalala pala sya para sa akin.

------------------------

Bumalik na ako sa trabaho, hindi namqn pwede na dahil lang sa pagbabanta ni Andrew sa akin e titigil na ako.

"Good morning Attorney! Welcome back!" Wika ng mga katrabaho ko sa opisina.

"Good morning din! Kumusta kayo?" Sambit ko naman habang pinupunasan ang lamesa ko. Medyo maalikabok na sa kadahilanan na din na matagal akong na bakante.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Ni-review ko lahat ng kaso na mahahawakan ko.

"Ms. Andrea, delivery po." Isang bouquet ng red roses ang tumambad sa harap ko.

"Galing kanino?" Tanong ko naman. "Hindi po nagpasabi eh. Pero may note naman po dyan sa loob, tignan nyo nalang po ma'am. Papirma nalang po ako." Wika ng nagdeliver.

Matapos ako pumirma ay nagpasalamat naman sya at umalis na. Tinignan ko naman ang note kung ano ang nakasulat.

"Please be home at seven coz I'm gonna pick you up at eight, wear your red dress gorgeous."

Sino naman kaya to?

'Di kaya si Andrew?

VOTE!!

Shining Shimmering SplendidWhere stories live. Discover now