Chapter 24 Deal or no Deal?

2.8K 75 4
                                    


Andrea POV

"Did you enjoy your trip to San Juan, La Union?" Sambit ni Andrew sa akin habang abala sa pag stir ng kape na tinimpla niya.

"A little." Tugon ko. Tumawa naman siya atsaka tumingin sa akin ng mariin. "Isama mo na ako nextime, para enjoy." Sambit ulit niya.

"Andrew talaga." Tinapik ko siya sa braso atsaka bumalik na ako sa table ko.

Kinuha ko muna yung cellphone ko sa bag, at doon ko lang nakita yung text message ni Sammy.

"Hey, we're on our way to the hospital. Nicole is there" Samantha.

"What happened?" Me.

"I don't know yet. Update nalang kita." Samantha.

Hindi na ako nagreply, nagdasal nalang ako para kay Nicole. Kahit naman inagaw niya si Weiss sa akin naging mabuti parin si Nicole.

Maaga akong nag ayos ng mga papers ko, nag cancel na din ako ng ibang appointees, gusto kong bisitahin si Nicole. Kahit na nandon si Weiss.

Nag drive na ako agad papunta sa hospital na sinabi ni Sam, medyo may kalayuan pero okay lang. Paano nangyari na may stage 3 cancer siya eh ang lakas lakas lang niya nung kasal nila ni Weiss.

Ang unfair din talaga minsan ng buhay. Tuya ng isipan ko.

"Hello miss, si Nicole Saavedra ba naka confine dito?" Tanong ko sa nurse. "Ah ma'am Nicole Sandoval lang po." Sagot naman niya sa akin.

Kasal na nga pala sila, so dapat Sandoval. "Oo nga pala, sorry miss. Nasanay kasi ako na Saavedra." Palusot ko nalang.

"This way po ma'am, halina po kayo ituturo ko nalang." Naglalakad ang nurse sa unahan ko at ako naman sumusunod na.

"Dito na po ma'am." At huminto kami sa isang kulay puting pintuan.

Kumatok na muna ako. "Tuloy." Hindi pamilyar ang boses na iyon. Medyo may katandaan na rin kasi.

"Magandang gabi po ma'am, magandang gabi sayo Nicole." Pagbati ko sakanila. Inabot ko din ang mga prutas na pinamili ko sa may katandaang babae na parang namumukhaan ko, mommy niya ata ito.

"Kumusta kana? Nasan ang asawa mo?" Tanong ko kay Nicole na nakaupo sa kama.

"Nagpahinga siya sandali. Napagod na siguro magbantay sa akin." Malumanay na sagot niya. Ang hina ng boses niya.

"Maiwan ko muna kayo. Nicole, nasa labas lang ako ha?" Sambit ng mommy niya. Tumango naman siya atsaka nagbalik ang tingin sa akin.

"Pinagdadasal kita Nicole. Sana gumaling kana agad." Wika ko sakanya, hinawakan ko ang kamay niya at nilagay ko ang isang puting rosaryo doon.

"Magdadasal ako palagi Andrea. Salamat sayo ha?" Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Ngumiti ako sakanya.

"Pwede bang humingi ng favor sayo?" Nag angat ang mukha niya at tumingin sa akin. "Kahit ano, basta kaya ko." Tugon ko sakanya.

"Ikaw na bahala kay Weiss ha? Kapag wala na ako gusto ko kayo parin ang magkakatuluyan. Ayokong sa kung sino sinong babae lang siya mapunta. She deserves you and you deserved her." Napaluha na ako sa mga sinasabi niya.

"Nicole naman, malayong mangyari yon. Gagaling kapa okay? Think positive!" Pag cheer up ko sakanya. Ayoko ng mga ganitong eksena e, ang sakit sa dibdib.

"Promise me Andrea." Mahinang sambit nya sa akin.

"Okay okay, pero dapat gumaling kana ha? Gusto ko pang maging ninang ng baby niyo e." Naka titig ako sakanya. Ang lamya lamya ng mga mata niya.

Parang kinakain na siya ng cancer. Bigla ding bumagsak ang katawan niya.

Natapos na ang visiting hours sa hospital pero wala pa si Weiss. Gusto ko sana siyang makausap man lang kasi hindi siya sya dumating.

"Sam? Can we meet?" Tinext ko si Sam bago pa ako makarating sa bahay. Gusto kong makausap siya at gusto ko ring malaman ang opinyon niya.

"Sure, dito nalang sa condo." Nagreply naman siya agad. Nag U-turn na ako at dumeretso papunta sa condo ni Sam.

Buong byahe nasa isip ko ang mga sinabi ni Nicole, ang hirap naman ng pabor na hinihingi niya, at isa pa. Hindi pa nga niya alam kung ano ang mangyayari.

Pinindot ko ang bell sa labas ng condo ni Sam, medyo natagalan bago buksan. Naka nighties pa ang ate mo!

"Wow, ganyan kana ba matulog ngayon? Hindi na uso pajama?" Tanong ko sakanya sa pagkamangha.

"Eto naman! Minsan lang e." Napakamot nalang siya sa ulo at tuluyan na akong pumasok.

"Ano bang atin?" Tanong niya habang naghahanap ng makakain sa ref niya. Nakaupo ako ngayon sa isang stool dito sa kitchen niya.

"Si Nicole kasi humingi ng favor sa akin." Wika ko sakanya. Nag crossed legs pa ako.

"Kind of?" Tanong niya sa akin, bigla namang tumaas ang isang kilay niya.

"She want me to take care of Weiss when she's gone." Gulat na gulat ang reaksyon niya. Muntik pa nga niyang mabitawan ang glass pitcher.

"I will leave it to you bes." Tugon niya sa akin atsaka nilapag ang baso sa lamesa.

"Hays, hindi ko naman pwede isiksik nalang ang sarili ko kay Weiss kapag nawala si Nicole." Tumimtim ako sa juice na laman ng pitcher. Uhaw na uhaw ako sa mga ganitong usapan. "Tsaka malay mo naman gumaling siya." Sunod na sabi ko.

"Narinig ko usapan nila Dr. Haven at Kayle, sabi ni Haven 50-50 ang pag galing ni Nicole." Nabitawan ko ang tinidor na gamit ko sa cake na kinakain ko.

"What? That's not true. Malakas tayo kay Lord, pagagalingin niya si Nicole." Tugon ko. Natatakot ako, ang bata pa ni Nicole para mawala.

"Let's pray for her Sam." Napayuko ako. Nanlulumo ako. Tumango tango naman si Sam, at hinagod hagod ang likod ko.

Hindi na ako umuwi. Gabi na din kasi at hindi ko na kaya magdrive. Sa guest room ako namalagi.

---------------------

Dalawang linggo na din ang lumipas simula nong binisita ko si Nicole.

"Andrea, paki check naman itong case na ito. Hindi kapani paniwala ang statement ng witness." Abala ako sa office ngayon, isinantabi ko muna ang naging usapan namin ni Nicole. "Sige ma'am Fe ako na po ang bahala." Sagot ko nalang.

Pero sa dalawang linggo na lumipas, wala akong ibang inisip kundi ang naging usapan namin ni Nicole.

HI GUYS! Sinong mga taga Pangasinan dito? Comment down.

Shining Shimmering SplendidWhere stories live. Discover now