Chapter 35 Refuse

1.6K 66 3
                                    


Andrea POV

I am so happy and inlove.

Kung nakikita lang ni Aaron Jahred Henson kung gaano ako kasaya habang nakatitig sakanya, hindi na siguro siya magdadalawang isip na pakasalan ako.

It's my birthday today. Daming ganap. Daming nangyari sa limang taon.

Nagluto lang si Weiss noon, kinabukasan iniwan nya nalang kami nila Kayle at Sam. Pero siguro, naisip nanaman nya si Nicole.

Huling balita ko sakanya nagpapaalila na sya sa trabaho nya.

Ako naman heto ganon din, nagpakaalila sa Law Firm at isa nang magiting na Abogada. Si Aaron naman, isang Pulis malapit sa Law Firm na pinagtratrabahuan ko.

Mabait siya, lagi niya akong binibigyan ng bulaklak everytime na dadalaw sya Firm. Sa SOCO kasi sya kaya lagi sya ang nakakasama namin.

"Happy Birthday asawa ko." Sambit nya sa akin atsaka ako niyakap.

Sakto namang dumating si Kayle at Sam sa kalagitnaan ng paghaharutan namin ni Aaron.

"Hi Kayle! Hello beshy!" Sabay beso beso sakanilang dalawa.

Hindi ko alam kung nangyari pero para lang silang estatwa na hindi gumagalaw at nakatitig lang saamin ni Aaron.

"Nasan si Weiss?" Tanong ko sakanila at doon lamang sila bumalik sa wisyo.

"Ah eh, mamaya pa daw. Busy pa daw." Wika ni Kayle na nanlalaki parin ang mata.

Hinila ko si Aaron atsaka pinakilala sakanila.

"Kayle, Sam, this is Aaron. Boyfriend ko." Nakipagkamay naman si Aaron sakanila.

"Grabe ang tagal natin hindi nagkita kita." Wika ko.

"Oo nga eh ang tagal, ngayon ko lang nalaman na may boyfriend kana." Sabay tawa ni Sam.

"Tara kain na kayo, mamaya nyo na antayin si Weiss. Matagal pa yon." Paanyaya ko sakanila.

Sumama naman sila sa loob, at doon ay kumain na sila. Iniwan ko muna sila at inasikaso ko ang mga bisita.

Nagsimula na rin uminom ang ilang bisita at pati na rin ako. Ginagabayan naman ako ni Aaron kasi alam nya na medyo mahina ako uminom.

"Kayle, okay lang ba kayo? Sam ikaw okay kalang?" Naalala kong balikan sila Sam at Kayle. Baka nababagot na sila kakaantay kay Weiss. Mahilig talaga mang ghost yung mokong na yon.

"Oo naman, sige lang. Okay lang kami." Sagot ni Kayle.

Tumango naman ako sakanila. "Sige asikasuhin ko lang yung ibang bisita ha. Basta feel at home! Wag mahihiya." Sabay kindat ko sakanilang dalawa.

Bigla nalang nabulabog ang lahat ng kinuha ni Aaron ang mic.

Hindi naman magaling kumanta si Aaron kaya nagtaka ako nung kunin nya ito.

"Andrea, happy birthday. I always thank God na binigay ka nya sa akin. I promise to cherish you and love you til the very last breath of mine." Naiiyak na ako habang papalapit sya sa akin.

"A-Aaron." Sambit ko.

Hinawakan nya ang kamay ko, atsaka lumuhod.

Tuluyan na talagang bumagsak ang luha mula sa mga mata ko.

"Will you be my wife Andrea?" Nakatingin sya sa akin habang nakahawak sa kamay ko.

Ako heto mukhang tangang umiiyak, at nagkalat na ang mascara ko sa mukha.

"Yes Aaron, I do." Tumayo sya at hinugot ang singsing, sinuot nya ito sa akin atsaka ako hinalikan sa pisngi.

Nagsitunog naman ang mga baso galing sa mga bisita dahil pinapalo nila ng tinidor.

Akala mo talaga kasal na kami.

Masaya ako, na humantong kami ni Aaron sa ganito. Alam ko naman kung gaano nta ako kamahal at ganoon din ako sakanya.

Nakita ko naman si Kayle na busy sa phone dahil may kausap. Si Sam naman nakatingin lang sa amin.

Maaga din natapos ang selebrasyon. Hindi na din ako masyado uminom dahil nahihilo na ako.

"Hon, are you okay?" Tanong ni Aaron. Nasa kwarto na kami nakahiga na ako.

"Yes Aaron, thank you. Pahinga kana din. I love you." Wika ko sakanya. At yes, hindi kami magkasama sa isang kwarto. Respeto na rin niya sa akin.

"I love you most my fiancee." Sambit ni Aaron. Hinalikan nya ako sa noo, at lumabas na ng kwarto.

Nasa kalagitnaan na ako ng tulog, nang pumasok si Aaron sa kwarto. May naghahanap daw kasi sa akin.

Sinuot ko ang robe ko atsaka ako gumayak pababa. Kasabay ko naman lumabas si Aaron.

W-weiss?" Mautal na bigkas ko.

"Happy birthday love!" Pagbibiro nya sa akin.

Grabe yung pagpintig ng puso ko.

Napatingin nalang ako kay Aaron. At tumingin din sya sa akin.

Naalala kong baka hindi pa sila nagpapakilala sa isa't isa kaya ako nalang gagawa.

"Weiss, si Aaron nga pala. Fiancee ko." Pagpapakilala ko sakanya. Hinawakan ko ang kamay ni Aaron. Nakaka takot mga tinginan ni Weiss.

Natahimik siya at tinignan ang kamay naming magkahawak.

Yayain ko ba siya kumain? Ano gagawin ko? Bakit kaya ngayon lang siya at mukhang nakainom pa.

Bigla nalang.

"Ohh I know. That's why I'm here to congratulate you." Sambit nya na parang may pagka sarcasm sa boses.

Ngumiti nalang ako sakanya.

"And uhm, iniinvite ko pala kayo for a lunch tomorrow. Alis na ako, bye." Tumalikod na sya kaagad sa amin, at nagmadaling mag maneho.

Hinatid na din ako agad ni Aaron sa kwarto. Hindi ako agad nakatulog dahil sa pagiisip ko kay Weiss. Ano kayang problema niya.

Kinabukasan, maaga akong nagising. May ime-meet kasi akong client.

Sa office nalang ako mag breakfast. Maaga din umalis si Aaron dahil umaga ang duty nya sa Police Station.

Sa sobrang dami kaso ang hinahawakan ko at inaasikaso nakalimutan ko nang may usapan pala kaming lunch with Weiss.

Tinawagan ko agad si Aaron at nagpasundo na ako dito sa Firm.

"Pupunta ba tayo hon?" Tanong ni Aaron sa akin.

"Yup." Sambit ko.

"Saan ba tayo?" Tanong nya ulit habang inaayos ang seat belt nya.

"Sa condo nalang nya." Sagot ko naman.

Ako na ang nagturo sakanya kung saan ang daan papunta. Hanggang sa nakarating kami.

Pagkadating namin sa harap ng mataas na building, nandon ang guard.

"Hello po. Andrea Galvez, friend po ni Ms. Weiss. May appointment po kami with her." Wika ko nalang.

Hinanap naman ng guard sa log book nya at confirmed nga.

Pumasok na kami sa elevator paakyat sa condo unit ni Weiss. Medyo kinakabahan ako kasi ang weird lang ng paanyaya nya sa amin.

After 5 long years, ngayon ko lang sya ulit makakasama. Sana maka close nya si Aaron..

Nag door bell ako ng mga tatlong beses, at shocks! Napaka sexy na Weiss ang nakita ko. Damn girl!!

"Come in love birds." Paanyaya nya sa amin.

Pumasok naman kami, at dumeretso hanggang sa marating ang dining.

Wow naka set na pala ang table. With food na rin. Halatang pinaghandaan Weiss ha.

Ano bang plano mo Weiss Sandoval?

COMMENT DOWN GUYS, KUNG ANO SA TINGIN NYO ANG BINABALAK NI WEISS.

VOTE!

Shining Shimmering SplendidWhere stories live. Discover now