Chapter 7 Sacrifices

3.8K 105 2
                                    


Andrea POV

"What? Are you serious Andeng?" Tanong sa akin ng bestfriend kong si Samantha. Hindi siya makapaniwala sa mga kwenento ko. At hindi rin siya boto para kay Weiss.

"You need time to think Andeng, sa pagkakaalam ko sayo... you're not into girl to girl thing." Sambit niya ulit sa akin. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa firm na pinagtratrabahuhan niya. Isa kasi siyang Architect.

"What will I do? I gave her everything Sammy. Hindi ko din napigilan yun. Dahil parang ayaw ko din matapos." I gave her a sad emotion. Napabuntong hininga na lamang ako at saka humigop sa coffee na inoder namin.

"Go to Canada, set yourself. Kapag napagisip mo talaga na siya ang gusto mo. At katulad niya ang gusto mo umuwi ka dito. But now? I won't let you. Mas lalo na ang parents mo." Tama naman siya, religious kasi masyado sina papa at mama.

Alam kong hindi nila maiintindihan, kaya kay Samantha muna ako humingi ng payo. Wala sa isip na napatango nalang ako sa offer niya. May pad siya doon kaya may tutuluyan na ako.

Madali ko nalang naayos ang mga papers namin. Napagdesisyonan ko na isama sila. Sinabi ko na din na nag resign na ako sa SGC at sa mas maganda ang opportunity sa Canada. Hindi na din ako nagpakita pa kay Weiss.

Maayos naman ang naging buhay namin, doon ko na rin ipinagpatuloy ang pagpapagamot kay papa. Si mama naman balik sa trabaho. May napasukan siyang mail company.

At ako? Hindi ko na muna pinush ang pagiging Abogada. Nagtrabaho ako bilang HR sa isang company.

Araw araw naiisip ko parin si Weiss, kung anong kalagayan niya. Wala na din kasi akong balitang narinig o nakalap tungkol sakanya. Pilit ko siyang winawaglit sa isipan ko.

"Bes kasi, sa pagkakaalam ko at pagkakakilala ko kay Weiss Sandoval, kapag may natipuhan siyang babae gagawin niya lahat para mai-kama."

Nag flaflashback parin sa isipan ko yung mga kwenento ni Sam. Isa kasi siya sa mga nag design ng building ng SGC.

Kung ganon din lang naman pala ang sasapitin ko, sana pinigilan ko siyang gawin lahat ng yon sa akin. Nag tiwala ako sakanya pero ganoon pala siyang klasenh tao.

Trip lang pala niya ako, ginusto niya lang pala na i-sex ako non. Pero wala talaga siyang nararamdaman para sa akin. Pa-love love pa siyang nalalaman.

Pero ginusto mo din naman yon diba? Tuya ng isipan ko.

Ginusto ko kasi akala ko gusto talaga niya ako. Akala ko siya na yung bubuo sa mga pangarap ko. Ipaglalaban ko naman siya kung sakali e. Pero paano nga? Naunahan na ako ng takot na baka ginamit niya lang ako.

How are you besh?" Ka facetime ko ngayon si Samantha.

"Fine?" Tipid na na ngiti ang iginawad ko sakanya. Mahigit isang taon na din kami dito. Parang ayoko na nga umuwi ng Pinas kasi hindi pa ako ready makita siya.

"Well, you're lying! Nase-sense ko na hindi ka okay. What's bothering you girl?" Usisa niya sa akin. "More than a year na kasi kami dito bes, pero hindi ko parin siya nakakalimutan. I'm still thinking about Weiss." Sagot ko sakanya.

"So you really loved her, don't you?" She asked again.

Natagalan bago ako nakasagot. Napaisip din kasi ako e. Ang dami daming nanliligaw sa akin dito pero kahit isa wala akong in-entertain.

"I don't really know. Let's talk some other time. I need to go!" Pagsisinungaling ko para lang matapos na ang kakausisa niya sa akin.

Weiss Sandoval, why the hell I can't forget you? Ano bang ginawa mo sa akin?

Naging busy na ako sa work, nakakuha na din ako ng maraming certificates and all. Medyo nakalimutan ko na rin na Abogado pala ako. Mas nagamay ko na ang pagiging HR. Minsan mas madaling magtanong tanong ka nalang ng tell me about yourself.

Sa loob pa ng isang taon, medyo nakakalimutan ko na rin yung nangyari sa amin ni Weiss. Ayoko na din masyado magisip kasi hindi ako makakapag focus sa work.

Siguro masaya na yon ngayon, or still waiting for me? I don't know. Sa ginawa kong pagiwan sakanya baka magwala pa yon sa galit kapag nakita ako.

Hindi ko inaasahan na magkikita pa kami. Iiwas ako sa lahat ng pagkakataon. Natatakot ako na baka kapag nagkita kami, bumalik lahat ng pagka gusto ko sakanya.

I need to clear it to myself that I'm straight, not bisexual nor lesbian.

I decided to go back to the Philippines after new year. Gusto ko kasama ko muna sila papa at mama ng new year.

Mabilis ang pagtakbo ng araw, flight ko na kasi pauwi ng Pilipinas. Malaki laki din yung naipon ko kaya nakabili na ako ng bahay at lupa. Benenta ko na rin yung condo ko bago pa ako umalis noon para pandagdag sa pampagawa ko.

As usual si Architect Samantha Gonzalez ang siyang gumawa ng design. The best yata ang bestfriend ko.

Si Sammy na rin ang magsusundo sa akin sa airport. Ang tagal ng byahe bes! Ang sakit na ng pwet ko.

Ang tagal kong hinanap si Samantha sa waiting area. Ang dami din kasing tao. Buti nalang lumabas ang kagandahan niya kaya napansin ko agad siya.

Kumaway ako sakanya. Niyakap ko siya ng mahigpit nung makalapit na ako. "I missed you girl!" Sabay batok sa akin.

"Wow Sam! Ang ganda naman ng pag welcome mo sa akin. Batok talaga?" Kunwaring nagtatampo ako. Pero kapagkuwan at tumawa na din kami sa isa't isa.

Pumunta muna kami sa isang Italian Restaurant, at doon kumain. Nagugutom na kasi ako tsaka nakakahiya naman kay Archi kung hindi ko siya ite-treat.

"So how's your flight?" Tanong niya bago pa niya maisubo ang pasta na kinakain namin.

"Super nakakapagod pero worth it kasi safe naman ako nakadating. And here's for you." Iniabot ko sakanya ang isang relo na nabili ko doon. Rolex ang tatax. Mahilig kasi siya sa relo e.

"Nagabala ka pa, pero salamat ha?" Nilagay niya na sa bag niya at saka patuloy na kumain. Ngumiti ako sakanya at sabay bulong ng "welcome."

Sumaglit din kami sa grocery store dahil ayokong puro fast food ang kinakain. Atsaka umuwi na din pagkatapos.

Abangan si Archt. Samantha Gonzalez sa susunod kong story.

Shining Shimmering SplendidWhere stories live. Discover now