Chapter 50 Happiest Day

1.4K 51 6
                                    

Andrea POV

Ilang buwan ang nakalipas ay unti unti ng nagiging okay si Weiss. Though hindi parin totally okay, but she's getting there. It's hard to make her believe sa mga ibang bagay since hindi pa naman nya naalala ito, but in the end nagse-settle naman kami.

Lumagpas na ang araw ng birthday nya, ngunit di parin siya okay. Kaya walang nagawa ang Mrs. Sandoval kung hindi i=move ito.

At dumating na nga ang araw na yun.

"Okay na ba yung backdrop?" Pag-uusisa ko sa event organizer. "Opo ma'am, all set na po. Pati mga numbers ng table naka lagay na po." Tumango na lamang ako. "Thank you, if possible pakilinis nalang yung ibang pwede pang linisin." Tumango at ngumiti na lamang ang organizer at inutusan na ang kanyang mga staff para sa finishing.

****RRINGGGG****

"Yes ma'am? All set na po. Okay na po lahat." Tumawag ang mommy ni Weiss. Sa akin na kasi nya pina-handle ang celebration ng birthday ni Weiss. Unti unti naman ng bumubuti ang lagay ni Weiss kahit papaano. "You're welcome ma'am." Saad ko at saka ko binaba ang tawag. 

Si Riel ang Head Chef na nirentahan namin para magluto kaya naman siguradong mai-inlove ang mga dadalo sa event. "Riel? You good?" Tanong ko habang abala sya sa pagtimpla ng mga ihahain mamaya. "Yes ate, this will be cooked in no time." Sabay kindat sa akin. Sumenyas naman ako sakanya ng thumbs up. 

Nilibot ko ang hall at tinignan kung perfect na lahat. Okay naman na kaya umuwi muna ako sa condo para magbihis. Magsisimula ang party ng 8 pm at ang oras ay nasa 6:30 na. Lumabas na ako ng hall at dumeretso na sa parking area.

Habang nag-drive ako ay tumawag si Weiss. Agad ko naman itong sinagot dahil baka may emergency. "Hello Weiss." Sambit ko. Narinig ko na huminga muna sya ng malalim bago magsalita. "Hello Ms. Andrea. U-uhm, I just wanna say thank you for your time and effort. Thank you for making this birthday of mine possible." Napangiti pa ako bago sumagot "Don't worry, that's my gift to you. Joke!" Malakas na tawa ang nabitawan ko. "Thank you for the gift then? See you." Narinig kong natawa siya ng bahagya. Nagpaalam na kami sa isa't isa.

Nagmadali na akong gumayak dahil ayoko namang mahuli sa event. Naligo na ako kaagad at nagahanap ng masusuot. Pero sobrang hirap dahil lahat ng formal dress ko nasa bahay namin sa Batangas.

***tok.tok.tok***

Nagulat naman ako sa kumakatok sa pinto ng condo ko, tipong napahapo pa ako sa dibdib. "Ano po yun?" Tanong ko sa isang lalaki na parang delivery man. "Para kay Andrea Galvez?" Saad nya. "Ako po yun." May inabot sya sa aking dalawang package at isang papel. May pinapirmahan lang at umalis na din kaagad ang delivery man. 

Pumanhik ako kaagad sa aking kwarto para buksan kung anong laman ng package. 

Please wear this tonight. 

Love, Weiss..

Ayan ang eksaktong nakasulat sa papel. Si Weiss talaga, puro pakulo.

Agad kong binuksan ang package at laking gulat ko sa nakita ko. Isang High-Neck Long Dress na kulay Blush Pink. Ka-partner neto ang heels na nasa isang package. 

Isinukat ko na ito kaagad. Saktong sakto! Fit na fit sa katawan ko. "Hays Weiss Sandoval." Tuya ng isipan ko. Inabot ako ng isang oras sa make-up ko kaya naman nagmadali na ako. 7:40 na at 8 pm nga ang start ng event. Tumatawag na din si Riel dahil dagsaan na daw ang mga bisita. 

Pagdating ko sa Hall kung nasan ang event, nakasara na ang pintuan nito. May mga guard sa gilid kaya pinakita ko sakanila ang invitation. Tumango sila sa akin at sabay nilang binuksan ang pintuan at...

Shining Shimmering SplendidWhere stories live. Discover now