Chapter 25 Choices

2.7K 75 0
                                    


Weiss POV

Nasa ICU nanaman si Nicole, hindi daw kaya ng katawan niya ang chemo. Hindi ko na alam ang gagawin. Ayokong mapagod kasi mahal ko siya.

"Gising na mahal ko. Huwag kang susuko." Bulong ko kay Nicole na ouno ng apparatus sa katawan. Naawa na ako sakanya.

Lumabas ako para pumunta sa chapel ng osIpital. Sakto namang nadatnan ko si Haven doon.

"Haven, tell me the truth. Kaya paba ng asawa ko?" Lumingon siya sa akin ngunit agad din niyang binawi iyon. Alam kong hindi siya makakapagsinungaling sa akin.

"May taning na ang asawa mo Weiss, maybe one or two weeks?" Sumagot siya sa akin pero hindi parin siya tumitingin.

"What do you mean? Mamamatay na ba ang asawa ko pinsan?" Tanong ko sakanya. Kusa ng tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Try to send her abroad, bibigyan kita ng request form para mas madali siya mai-admit doon." Suhestyon niya sa akin. Tumayo na siya at kinuha ang blazer niyang puti. "Be strong Weiss." Hapo niya sa likod ko.

Lumuhod ako sa harapan ng Diyos, nagmamakaawa na bigyan pa niya ng pagkakataong mabuhay ang asawa ko. Sana pahabain pa niya ang buhay ni Nicole.

Sandaling kasiyahan lang tapos ang kapalit matagal na kalungkutan. Ang hirap ng ganito.

"Umuwi ka muna Weiss, kami na munang bahala kay Nicole." Tugon ng papa at mama ni Nicole. Ilang araw na din kasing hindi ako nakakapasok sa opisina.

Ayoko lang kasi iwan siya kahit anong sandali, gusto ko katabi niya ako. Gusto ko ako yung makikita niya pag gising niya.

"Sige po. Kayo na po muna bahala sakanya." Hayag ko naman. Inayos ko muna sandali ang mga gamit ko atsaka umalis na.

Hindi pa man ako nakakarating sa opisina, ang dami ng emplyeyado ang umuusisa sa akin.

"Ma'am Weiss, kumusta po si ma'am Nicole?" Tanong ng isa.

"Hindi ngayon ang oras ng pagtatanong, ikaw ipagdasal niyo nalang na humaba pa ang buhay niya." Sagot ko, dali dali naman akong pumasok sa opisina ko.

Hindi ko din pwedeng pabayaan ang kompanya kaya kahit masama sa loob ko ang pumasok dito ay kailangan ko. Wala naman akong ibang aasahqn kundi ang sarili ko.

"Ma'am Weiss, si sir Arnold Talavera po umurong na sa usapan niyo. Masyado na daw siyang nahahassle sa paghihintay sa inyo." Hayag ni Lindsie habang abala sa pagbasa sa checklist niya.

"At si Mrs. Fuentes naman po, hindi na daw sainyo kukuha ng goods para sa bagsakan niya." Sunod pang sabi neto.

"Sana pinakiusapan mo nalang muna Linds, alam mo naman na nasa ospital ang asawa ko." Wika ko kay Lindsie.

Napahawak nalang ako sa sentido ko at hinilot hilot iyon. Babagsak ang kompanya anytime kapag ganitong nag sisiurong ang investors at direct buyers ko.

Bigla namang tumunog ang intercom ko. "Ma'am may tawag po kayo, si Dr. Haven po." Sambit ni Lindsie. Pinadali dali ko siyang pumasok para makausap ko si Haven.

"Yes haven?" Tanong ko sa pinsan ko.

"Nicole's gone Weiss." Hindi agad agad nag sink in sa utak ko ang sinabi ni Haven.

"What did you say?" Tanong ko ulit, baka kasi mali lang yung pagkakadinig ko.

"Wala na siya Weiss. Bumigay na ang katawan niya. Hindi na niya kinaya. Kumalat na ang cancer sa katawan niya." Hysterical na iyak ang nailabas ko.

"Kasama ko lang siya kanina! Tangina. Tangina naman bakit ganito?" Sigaw ko sa telepono. Naibato ko pa nga ito sa sobrang galit ko.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras, lumabas na ako ng opisina at bumaba na patungo sa parking area kung nasaan ang sasakyan ko.

Tinawagan naman ako ni Lindsie. "Ma'am may appointments pa kayo today." Saad niya. "Please cancel it for me Lindsie!" Sigaw ko sakanya at ibinaba na ang tawag.

Kinuha ko ang box ng tissue at doon nagsisisigaw sa loob ng sasakyan, hindi ko na ata kaya to. Ang sakit!

Tinawagan ko ang parents ko, para sumunod sa ospital. Pati narin si Kayle at Sam.

"What kind of casket you like? Kami na ang bahala sa burol. Para wala ka na masyadong isipin pa." Kausap ko si Kayle sa cellphone, sila lang kasi ang pwede kong asahan ngayon.

"Pupunta ang parents ni Nicole sa Roberto's funeral home, magkita nalang kayo don." Hayag ko.

Pagkatapos mailipat ni Nicole sa morgue, muli ko siyang pinuntahan doon. Malamig na bangkay na ng asawa ko ang naabutan ko.

"Nicole why so soon? Ako dapat ang mauuna right? Magkakababy pa tayo. Magiging family pa tayo. Why did this happened." Hysterical ulit ang pagiyak na nagawa ko. Hindi ko na kayang pigilan pa.

"Weiss, my condolences." Sambit ni Haven sa akin paglabas ko ng morgue. "I did everything I can to save her." Sunod na sabi niya.

"Thank you cousin." Tugon ko sakanya. Umalis na din ako pagkatapos.

Bumalik ako sa condo na tinutuluyan namin ni Nicole. Ang dami kong mamimiss sakanya sa apat na sulok ng condo na iyon.

Punong puno iyon ng ala ala naming dalawa. She's been with me for almost two years.

Balak kong ibenta nalang ang condo at tumira sa bahay na pinapagawa ko. Na para sa amin ni Nicole kapag nakabuo na kami ng pamilya.

But now what? Wala na, wala na ang babaeng pinagalayan ko ng lahat lahat. Iniwan na ako.

-------------------------

Malapit na ang libing ni Nicole, marami rami na rin ang mga pumunta. Mga kamaganak, classmates, friends, lahat pumunta.

Isang kotse naman ang pumarada sa harap ng chapel, isang hindi pamilyar na sasakyan.

Iniluwa non ang hindi rin pamilyar na lalaki, pumaroon ito sa passenger seat at pinagbuksan ang nasa loob.

Si Andrea?

Boyfriend ba ni Andrea ang panget na yon?

Bakit pa ba kasi siya pumunta dito? Pwede naman makilamay ng walang kasamang boyfriend.

"Let's go?" Tanong pa sakanya ng lalaki. Tumango naman si Andrea na naka black polo shirt na tinupi hanggang siko at fitted slacks na siyang nagpakita ng hubog neto.

Nagkunwari nalang ako na hindi ko sila nakita.

"Condolence Weiss." Nakalapit na pala si Andrea. "Salamat." Maikling tugon ko.

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking kasama niya.

Nakakainis!

Weiss on media!

Shining Shimmering SplendidWhere stories live. Discover now