Chapter 38 Undecided

3.4K 96 23
                                    


Andrea POV

"Attorney Losada, can you do me a favor?" Nasa loob kami ng court room, kakatapos lang kasi ng session dito sa korte.

"What is it Attorney?" Tanong nya sa akin habang abala parin sya sa pagaayos ng mga papeles nya.

"Can you take over Mr. Dimasalan's case?" Sagot ko sakanya sabay puppy eyes.

Hindi siya agad sumagot, marahil nagisip pa sya. Hindi kasi madali ang kaso ni Mr. Dimasalan, inakusahan syang nang rape sa anak nila Mr. Akomoto na may-ari ng sikat na super mall sa Manila.

"You sure bibitawan mo na si Mr. Dimasalan?" Gulat ang pagkakatanong nya sa akin.

"Magbabakasyon kasi ako sa pinsan ko. Kailangan ko lang muna ng time." Sambit ko.

"Time para saan?" Tanong nya sa akin sabay tingin sa akin ng deretso.

Sasabihin ko pa ba? Magdadahilan nalang ba ako?

"Nasabi mo na ba kay Sir Henson yan?" Tanong nya ulit sa akin.

Jusme naman Attorney Losasa, hindi ko pa nga nasasagot yang unang tanong mo, nagtatanong kana agad.

"Sasabihin ko palang, pero syempre kailangan ko lang naman ng papalit sa akin pansamantala." Inaayos ko na din ang mga papeles ko para makaalis na.

"Okay sige, pero sana naman huwag ako magkaroon ng death threat dahil lang sa ako na ang bagong Attorney ni Mr. Dimasalan." Sambit nya.

Ngumiti ako sakanya. Ngiting tagumpay kumbaga. "Thanks Attorney! I owe you one." At sabay na kami umalis.

------------------

"What?! Anong gagawin mo kanila Shannen?" Naghuhugas ng plato si Aaron ng bigla nalang nyang napalakas ang boses nya dahil sa gulat sa pagpapaalam ko.

"One week lang naman yon Aaron eh." Wika ko sakanya. Alam ko na hindi na sya papayag. Pero wala naman syang magagawa kung gugustuhin ko talaga magbakasyon.

"Pero paano na ako?" Halata sa mukha ni Aaron ang pagkalungkot.

"Si Aaron, parang hindi pulis." Sabay tawa ko nalang para mapawi ang lungkot na nararamdaman nya.

"Mamimiss kasi kita agad eh." Sabay yakap nya sa akin patalikod.

Mamimiss ko din naman si Aaron pero hindi ko kasi kaya nang ganito. Pakiramdam ko, ang laki laki ng kasalanan ko sakanya.

Sa pakikipagtalik ko palang kay Weiss, sa pagiging marupok ko alam ko may kasalanan na ako.

Kaya kailangan ko muna magisa, magiisip pansamantala.

Kinabukasan, hinatid ako ni Aaron sa terminal ng bus papuntang Tarlac City.

Hindi na ako nagpahatid sakanya papuntang Tarlac dahil may trabaho sya.

Mabilis na din akong nakasakay ng bus. At tinawagan ko na rin ang pinsan ko para may sumalubong sa akin.

Pagkapatay ng tawag, nagulat ako nang tumunog ang telepono ko. 

Unknown number.

Sinagot ko nalang ito.

"Hello?" Mahina ang boses ko, nasa loob na kasi ako ng bus. Nakakahiya naman kung magiingay pa ako.

"Where are you?" Tanong ng isang pamilyar na boses. "Weiss"

"Papunta ako kanila Shannen, magbabakasyon muna ako doon." Sagot ko sakanya. Papatayin ko na sana ang tawag pero bigla syang sumagot."Sige on the way na ako."

Shining Shimmering SplendidWhere stories live. Discover now