Chapter 45 Birthday Wish

890 35 5
                                    

Weiss POV

"Welcome back Ms. Weiss!" Binuksan ni Stella ang pintuan ng BMW Vantablack X6. "How was your trip ma'am?" Tanong ni Stella sa akin habang nagmamaneho. "Mabuti naman. Kumusta naman ang kompanya?" Tanong ko pabalik sakanya. Abala naman ako sa pag-scroll sa aking cellphone. "Mabuti naman po, stable parin po ang kompanya." Tumango na lamang ako sakanya.

Bakit ganito, unti unting bumibigat yung nararamdaman ko habang nandito ako sa Pilipinas. 

***********flashback***********

"Weiss anak, what's happening to you?! Ilang araw ka na daw hindi pumapasok sa opisina. Ilang araw ka ng nakahiga, ang kalat ng kwarto mo. Kung hindi upos ng sigarilyo, bote ng alak ang nakakalat. Ano bang nangyayari talaga saiyo?!" Naririnig ko si mommy pero hindi ko naiintihan kung ano ang sinasabi nya. Nanatili akong nakahiga at nagtalukbong ng kumot.

Magulo ang isipan ko, ni hindi ko namalayan na nag-book na pala sila ng flight para sa akin. "You'll be fine anak, doon ka muna sa tita Mariza mo sa California. Hanapin mo muna ang sarili mo." Sabog pa ako nang ihatid nila ako sa airport. Mabuti nga at binantayan nila ako the night befor my flight dahil kung hindi, lasing pa ako hanggang ngayon.

"Bye mom." Yun na lamang ang mga salitang nabanggit ko kay mommy. Habang naglalakad ako papasok sa gate 4 ng airport. Naiisip ko si Andrea. Gusto ko siyang puntahan. Pero mukhang mas mahihirapan kami kaya nagmatigas nalang ako at itinuloy ang byahe.

Isang oras nalang ay departure na. Kumain muna ako sa VIP lounge at para makapagpahinga na din bago bumyhe.

Matapos ang matagal na paghihintay, nakapila na ako papasok sa eroplano. Nagtext lang ako kay mommy na paalis na ako at ia-update ko nalang siya pagdating ko doon.

Abala akong naghahanap ng seat number ngunit di katagalan ay nahanap ko na din at umupo na ako. At dahil First class ang flight na ibinook sa akin, solo ko ang seat na nasa tabi ng window.

"Good morning ladies and gentlemen. On behalf of Philippine Airlines, it is my pleasure to welcome you aboard flight PAL-106-02 with service to Manila, Philippines and continuing service to California, USA. Take a moment to review the Safety Instructions card in your seat pocket. Passengers seated in row are also asked to review the exit row seating requirements. If you are seated in an exit row, you may be required to assist the crew in an evacuation. If you are unable or unwilling to perform the functions described on the card, just ask to be re-seated. Thank-you." Hudyat na ito na simula ng byahe.

Unti unti nang unaandar ang eroplano. "Ladies and gentlemen, all cellular telephones and other portable electronic devices, such as CD players and laptop computers, must be turned off and stowed for departure. Thank-you." Sambit ng Flight Attendant sa loob ng eroplano.

Umayos ako ng upo dahil madalas akong masuka kapag pataas na ang eroplano.

Maayos naman ang naging flight ko. Nasundo na din naman nila ako at nakarating sa bahay ng tita ko.

Naging maayos naman ang stay ko. Masaya, nakalimot kahit papaano. Pero madalas parin pumapasok si Andrea sa isipan ko. Sa casino madalas ang punta ko. Inaaliw ang sarili. Kung di naman, sa mga bar or PUB.

Walang araw ang lumipas na hindi ko naisip si Andrea mula ng makarating ako sa USA.

Tumawag din ako kay Riel at humingi ng tawad sa nagawa ko sakanya. Maayos naman ang naging paguusap namin. Ngunit hiningi ko na huwag na lamang sabihin kay Andrea na nagka-usap kami. 

"Sure Weiss. Sana okay kalang dyan. You are forgiven. Hindi man naging maganda yung start natin at ending nyo ni ate, andito parin ako for you as a friend." Hindi ko malilimutan ang mga salitang binanggit ni Ariella sa akin. Napakabuti nya.

"Thanks Riel, please do take care of your ate. She loves you very much. And..... I love her very much." Yun na ang pinakahuling pag-uusap namin. Hindi na ako tumawag o nagparamdam. Pero madalas kong bisitahin ang mga social media accounts ni Andrea. Gusto ko lang malaman kung ano na ang update sa buhay niya, pero napaka-private nyang tao. Since Lawyer sya, she's not into giving informations lalo na't may mga hawak sya big clients. I hope everything is well for her. Yun nalang nag hinihingi ko sa Diyos.

*******end of flashback*******

"Ma'am nandito na po tayo sa condo nyo. Later pa po darating ang mom nyo para bisitahin po kayo. Dito nalang po ba sa Condo ko sya patutuluyin?" Tanong ni Stella sa akin habang nakatulala ako sa kawalan. "Ma'am?" Pag-uulit niya.

"Oh yes, yeah, hmm sure sige. Thanks Stella. You can just leave my things here, ako na ang bahala. Take care!" Bumaba na ako sa sasakyan at nagsimula na akong pumasok sa building ng condo ko. I am wearing a black dress, with a black hat, and a black shades. Hila hila ko ang bagahe ko ay pumasok na ako sa building. Tinulungan naman ako ng mga staff sa building para iakyat ang mga gamit ko.

"Finally!" Wika ko sabay bagsak ng katawan ko sa aking kama. Huminga ako ng malalim na para bang ngayon ko lang ulit malalanghap ang amoy sa loob ng kwarto ko. Unti unti namang bumabagsak ang mga mata ko at hindi na namalayan na nakaidlip ako sa pagod. 

"Weiss? Weiss anak wake up." Ramdam ko ang pagyugyog sa akin. "Ugh?" I groaned. "What mom?" Tanong ko sakanya habang kinukusot ang mga mata. "Kumain tayo sa labas, may ime-meet akong investors ngayon. At para mapagplanuhan na din natin ang nalalapit mong kaarawan. Birthday? Tingin mo gusto ko pa magbirthday mom? Tuya ng isipan ko. Ayoko nalang hindian si mommy, kaya dali dali na ako nag-ayos. "Are you ready?" Tanong sa akin ni mommy. "Yeah." Maikling sagot ko sakanya.

We are in New Coast Hotel Manila, we are waiting for the investors to arrive. Medyo naagahan yata namin so we order nalang muna. "I'll have one greek salad, you mom?" Tanong ko sa mommy na nagbabasa sa menu. "I want the marinated beef shank, with five spice." Sunod na sagot naman ni mommy. 

"Anyway, what do you want on your birthday? Sa bahay nalang ba? Or what?" Nag-isip ako for a while. Parang ayoko ngang mag-birthday kasi feeling ko I don't deserve to be happy.

Ngunit may biglang pumasok sa isip ko.

Si Andrea...

"I want Attorney Andrea Galvez mom. That's my wish."

Itutuloy...

Shining Shimmering SplendidWhere stories live. Discover now