Chapter 42 In Shock

772 32 6
                                    

Andrea POV

"Hello? Sorry Weiss isn't around. But you can call her later. Mga 20 mins?" Isang boses ng babae ang narinig ko sa kabilang linya. "Sure sige, thank you." I hang up immediately. In the middle of the night may babaeng may hawak sa cellphone ni Weiss?

May iba na nga..

Natulog nalang ako, hindi na ako nag-abalang tumawag pa. She's having a good time. Sino ba naman ako para pigilan yun.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Nakapaghanda na pala ng almusal si Aling Pasing para sa akin. Si tootzy kalaro ang mga alagang pusa ni mama.

Bago ako kumain, pinakain ko muna si mama. Hindi na nakakain si mama ng mga hard food. Sa tube na nilalagay ang pagkain nya.

"Mama, aalis na po ako. Andito lang si Aling Pasing kapag may kailangan ka ha." Hinalikan ko sya sa noo at saka lumabas na ako sa kwarto. Ito ang unang araw sa paghahanap ko sa kapatid ko.

Nag-drive na ako papunta sa Manila. Dumeretso na ako sa firm ko. May mga irerevise lang ako sa mga papers ng client ko sa trabaho. Wala naman akong hearing ngayon kaya may panahon ako para humingi ng tulong.

Bigla nanamang sumagi sa isipan ko si Weiss. Pero hindi, kaya ko naman sigurong humanap ng paraan. Madami naman ako mga kakilala sa service. Matutulungan naman siguro nila ako.

Nagtungo ako sa isa sa mga malalaking Law Firm sa Manila. Batchmate ko ang may-ari neto. Dali daliaan na akong pumasok sa kanyang opisina.

"Hi Atty. Bagasin. Good day." Nakipag shake hands ako sakanya. "What can I do for you Atty. Galvez?" Sumenyas sya na maari na akong maupo.

"I have a sister, anak sya ni mom from another man. And she wants to meet her habang may time pa sya dito sa mundo." Tumatango naman sya sa akin habang nagpapaliwanag ako.

"What's her name? Iwan mo lahat ng details sa akin. Ipapahanap ko sya sa Private Investigator ko. Alam mo naman tayong mga nasa ganitong industriya, nagtutulungan. At isa pa mabait si Mrs. Galvez sa amin. Isa sya sa mga taong pinaniwalaan ako noon. Pakisabi kinakamusta ko sya." Ibinigay nya sa akin ang calling card ng kanyang PI.

Lubos naman ako nagpapasalamat sakanya at nakipagkwentuhan pa ako bago ako umalis.

Palabas na ako ng Law Firm ng mga Bagasin nang makita ko ang kotse ni Weiss. Nagtago ako para di nya ako makita. May babae syang kasama at papasok na sila sa kotse.

Biglang bumilis ang takbo ng puso ko. Ang bigat. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko ng makita kong pinagbuksan nya ito ng pinto.

Tumakbo na ako papunta sa parking lot kung nasan nandoon ang kotse ko. Sa sobrang dami ng mga nangyayari, bakit kailangan pa makita ko si Weiss at maisip ko ang nararamdaman ko para sakanya.

Nanghihina ako. Bakit ang dali dali para kay Weiss maghanap ng iba. Ang unfair naman ng love. Ang sakit sakit.

Nagmaneho na ako pauwi, kahit mabigat ang nararamdaman ko hindi ko ito dapat dalhin sa bahay dahil nandun si mama.

Pagdating ko agad namang tumakbo si Aling Pasing baka buksan ang gate at kasama si tootzy na sumasalubong sa akin.

"Kumusta po ang mama?" Tanong ko kay Aling Pasing habang pababa ako sa sasakyan.

"Natutulog sya anak. Pero kumain na sya. Si tootzy nalang napakakulit. Pero kumain na din sya." Sagot naman nya sa akin.

Nagpahinga na ako sa kwarto. Dumeretso ako sa shower room para maligo.

"Ate, bakit nyo naman ako pinabayaan ni mama? Nabuhay kayo ng masaya at magkasama pero ako pibabayaan ninyo. Ano ba ang masamang nagawa ko para ipagtabuyan ako ng ganon? Ang sama mg loob ko."

"Andeng! Andeng! Gising!" Sigaw ni Aling Pasing sa akin habang kumakatok sa pintuan ko.

Panaginip lang pala. Tuya ng isipan ko.

"Palabas na po ako Auntie." Sagot ko.

Naglakad na ako palabas ng kwarto at pagkabukas ko....

Si Weiss..

Biglang bumungad si Weiss sa harapan ko.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko, medyo nauutal pa ako dahil sa pagkabigla.

"Nakita ko kasi na tumawag ka kahapon, may problema ba? Nalaman ko din yung tungkol kay tita. Kumusta na ang lagay nya?" Tuloy tuloy na tanong nya.

Bumaba kami papunta sa balkonahe ng bahay. Doon na kami nag-usap. Biglang nabasag ang katahimikan ng magtanong na sya. "What really happened that night Andrea? Bakit ka napatawag?"

"Wala, may hihingin lang sana akong tulong. Pero iba yung kumausap sa akin. New maid?" Pabirong sabi ko.

"Ah eh si Riel yun, uhm.. friend ko." Halatang gulat sya sa tanong ko. "Oh, okay. But it's fine now. Nag-usap na kami ni Atty. Bagasin, tinulungan na nya ako." Sagot ko naman sakanya habang nakatingin sa malayo.

Naramdaman ko ang paghinga nya ng malalim at saka lumingon sa akin. "Bakit di ka umulit tumawag sa akin? Wala na bang halaga yung pinagsamahan natin Andrea?"

"It's not like that Weiss. Alam ko naman busy ka din. So di na ako nang-abala pa. But thank you still for coming here." Saad ko.

Gusto ko siyang komprontahin, gusto kong malaman kung sino yung babae. Siya na ba ang bago ni Weiss? Totoo bang friend lang sila nung Riel?

"Gagabihin kana sa byahe kung hindi kapa uuwi." Biglang sabi ko sakanya. Hindi maalis sa isipan ko ang mga nakita ko kanina. Pakiramdam ko sya na yung bagong nagmamahal kay Weiss.

"Kain muna po kayo, naghain na po ako ng pang-gabihan." Sabay kaming lumingon sa bukana ng balkonahe ng marinig namin si Aling Pasing.

"Yohoooo! The best ka talaga nana Pasing. Baba na ako boss. Kain kana din, tara na!" Masiglang alok ni Weiss.

Wala naman akong nagawa kung hindi wag tanggihan ang grasya. Binisita na din nya si mama, tulog parin sya kaya hindi na nya nakita si Weiss. Ikwekwento ko nalang na dumaan sya dito.

Paglabas namin sa kwarto ni mama...

Kung trip ka nga naman bg tadhana o. Ngayon pa talaga bumuhos ang ulan? Jusko. Di nanaman makakauwi si Weiss.

"May kotse ka kasi, sino ba nagsabing mag bigbike ka." Inis na sabi ko.

Tumingin lang sya sa akin at kumindat. "Ayaw mo nun? Makakasama mo pa ako ng matagal?" Pabirong sabi nya.

"Sus inaanatay kana nung babaeng kasama mo kanina." Shet nasabi ko na nga.

"Huh? Saan mo kami nakita?" Nagtatakang tanong nya.

Magsisinungaling paba ako? Kung pwede ko naman tanungin. Tsaka wala naman masama kung sabihin ko yun. Di naman naapektuhan si Weiss. Manhid tong gago na to e.

"Sa harap ng opisina nila Atty. Bagasin." Sambit ko. "Anong ginawa nyo don? Wala namang motel don ah." Pangiinis na tanong ko.

"Oh, tinutulungan ko lang siya. Orphan kasi sya e. She wants to know her legitimate family. Sabi kasi sakanya nandito sa Pilipinas ang buong pamilya nya. Kaya pumunta ako kay Atty. Salvador. You know, the connections." Saad nya.

Habang nag-eexplain sya isa lang ang naiisip ko. Parehas kami ng hinahanap. Ako naghahanap ng orphan, sya naghahanap ng pamilya.

Napakunot ako ng noo. Napaisip ako ng bahagya. Paano kung... paano kung siya pala yung hinahanap kong kapatid?

"By any chance, pwede ko ba malaman kung anong pangalan nya?" Mabilis ang pagtibok ng puso ko sa tanong ko.

"Ariella Smith." Sagot ni Weiss.

To be continued...

Shining Shimmering SplendidOnde as histórias ganham vida. Descobre agora