Chapter 26 Till we meet again

2.7K 79 2
                                    


Weiss POV

"Gaano ba kaikli ang buhay? Gaano ba kaikli ang buhay para kunin ka sa akin ng ganon ganon nalang Nicole? Wala pa tayo sa stage na kung saan matatawag tayong pamilya. Wala pa tayo sa stage na kung saan papalakihin natin ang mga magiging anak natin ng maayos. Nakakalungkot, ang sakit sakit na dumating ako sa ganitong sitwasyon. Mahal na mahal kita, at salamat. Salamat dahil hindi mo ako pinabayaan at papabayaan dahil isa kang anghel. Paalam mahal ko." Isang kaunting mensahe ang binigay ko bago pa mailibing si Nicole.

Lahat ng meron si Nicole na nasa sa akin ay ipinaubaya ko na sa parents niya. Mas mahihirapan kasi ako kung nasa akin ang mga iyon.

Ibinaba na si Nicole sa kanyang huling hantungan. Alam ko masaya na siya pero paano naman ako? Hindi ako masaya!

"Anak, be strong. Kaya mo yan." Sambit ng daddy at mommy ko.

Hindi na ako sumagot, ayoko muna ng kausap. Ayoko ng kahit sinong kakausap sa akin unless it's Nicole.

Hindi pa din ako umaalis sa puntod niya hanggang sa maayos na at pagkakatabon sakanya.

"Okay na po yan ma'am. Alis na po kami." Wika ng mga nagtratrabaho sa sementeryo.

Tumango na lamang ako atsaka ibinaling ulit ang tingin kay sa lapida ni Nicole.

"Ang daya daya mo naman love, hindi mo man lang ako iniwanan ng remembrance." Saad ko habang hinahaplos haplos ko ang lapida niya.

Magdadapit hapon na ng mapagpasiyahan kong umuwi. Isang sasakyan naman ang tumigil sa tabi ng kotse ko. At parang namumukhaan ko kung kaninong sasakyan to.

Isang babae ang bumaba sa sasakyan, naka black shirt at white short shorts. "Weiss, sabi sa akin ni Lindsie andito kapa kaya pinuntahan na kita."

"What are you doing here Andrea?" Tanong ko.

"Look Weiss, gusto ko lang naman makiramay. Hindi mo man lang kasi ako pinansin nong burol. Kahit kanina sa libing."

"Artista ka ba para pansinin ko? What do you want?! Just tell me straight!" Sigaw ko sakanya.

"Sorry." Sambit niya. Nagkasalubong naman ang kilay ko sakanya. "Sorry for what?" Tanong ko.

"For leaving you noon. Please let me explain." Hinawakan niya ang isang kamay ko. Pero iwinaksi ko iyon at saka naglakad patungo sa sasakyan ko.

"Wait Weiss. Please. Kaya ko namang punuuan lahat ng pagkukulang ko. I can be Nicole." Nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya.

"Kahit kailan hindi ka magiging si Nicole, dahil ibang iba siya sayo. Huwag mo na akong lokohin Andrea!" Tugon ko sakanya.

Bigla naman atang nakidalamhati amg langit at bumuhos ang malakas na ulan.

"Go home. I don't wanna talk to you." Wika ko bago ako pumasok sa sasakyan at pinasibad iyon palayo.

Naiwan si Andrea sa sementeryo. Dinadama pa ata non ang ulan e. Bahala siya.

--------------------------------

"What the fuck is going on Weiss? Ang baba ng ratings ng kompanya ngayon. And what we're you thinking para magsayang ng milyones para sa isang palubog na shipping company!" Ang aga aga ni Daddy na nagpunta dito, para sermonan ako.

"Don't you dare waste your money Weiss!" Sunod pang sabi niya.

Hindi nalang ako sumagot dahil alam kong mas hahaba pa ang usapan. Inantay ko nalang na matapos siyang magsalita para makauwi na rin.

-----------------------------

"Eh talagang papagalitan ka non. Tsaka saan mo ba nakilala yung ka-deal mo?" Nandito kami ni Kayle sa isang bar malapit sa building. Nasa VIP room kami para tahimik.

"Dito lang din, naka make out ko nung isang gabi." Gulat naman ang ekspresyon na ipinukol niya sa akin.

"Dahil lang sa naka make out mo bibilhin mo na ang palubog niyang shipping company?! What we're you thinking Weiss? Are you out of your mind?!" Sigaw niya sa akin.

"And now you sound like my dad." Tugon ko sakanya habang sinimsim ang alak sa baso ko.

"Ayaw mo nalang bang bumalik kay Andrea? She's desperate for your love." Sambit niya.

"She left me. And wala ng rason para balikan ko siya." Nilagok ko ang alak ng tuloy tuloy atsaka umiling. Humagod sa lalamunan ko.

"Nilalagnat siya dahil sa pagiwan mo sakanya sa sementeryo ng umuulan. Hindi mo ba alam yon?" Tumingin siya sa akin ng mariin.

"I don't care." Saad ko. But deep inside, I care. Pero, hanggang doon nalang iyon.

Natapos naman ng maayos ang gabi namin sa bar ni Kayle. Hindi pa dapat kami uuwi kung hindi lang siya tinext at tinawagan ni Samantha.

May project pa daw sila sa Batangas bukas. Ang ganda din ng tandem nila e. All in one. Engineee siya at Architect naman si Sam. Kapag nagkaanak sila dapat interior designer.

Kinaumagahan, maaga akong nagising. Napailing ako habang patuloy pa din sa pag-agos ng mga luha ko. Namimiss ko si Nicole. Ang bigat ng dibdib ko.

Siguro nakatadhana akong mabuhay mag-isa, tatandang mag-isa, at mamamatay mag-isa.

You took my heart in your grave Nicole.

Pumasok na ako sa opisina, ni-refuse ko na din ang deal namin nung babaeng nakilala ko sa bar. Lasing lang din siguro ako kaya niya ako napapayag.

"Lindsie, pupunta ako sa hacienda mamaya. Doon muna ako ng dalawang araw. Re-schedule mo nalang yung appointments ko." Wika ko.

Tumango naman siya at nagpatuloy na sa trabaho. Inayos ko muna ang mga papers sa opisina ko bago ako umalis. May bigla naman akong naalala kaya bumalik ako kay Lindsie.

"And please here's my cash, bumili ka ng bulaklak para kay Andrea. Ipadeliver mo nalang." Umalis na ako pagkatapos kong bilinan ang sekretarya ko.

Agad na akong nagbyahe patungo sa hacienda, nakakamiss din ang simoy ng hangin doon at titignan ko na din ang kabayong binili ko.

Nang makarating na ako sa hacienda, agad na sinalubong ako ni Nana Auring. "Anak, dadating ka pala hindi ka man lang nagsabi." Sambit niya sa akin at kinuha ang isang handbag sa kamay ko.

"Dalawang araw lang ho ako dito nana, kakamustahin ko lang ang planta at pati na rin ang niyogan. Kumusta ho ang kabayo?" Tanong ko.

"Maayos naman sila. Maayos parin naman ang planta at niyogan ayon kay Pesyong." Tumango nalang ako at sumakay sa sasakyan patungo sa planta.

Masaya akong nakikita ko ang mga negosyo ko ng ganito kaayos. Napakasarap pagmasdan. Sinubukan ko na din sakyan ang kabayo, nakakatakot pala sa unang beses pero nakaka enjoy.

Bigla namang tumawag si Lindsie sa akin, agad ko nalang sinagot dahil baka importante.

"Ms. Weiss, nandito po si Attorney Galvez. Ano pong sasabihin ko?" Bigla namang sumakit ang ulo ko at parang pumipintig pintig pa.

"Sabihin mo nalang na may meeting ako sa conference room." Natutuwang saad ko. Alam kong hindi yun papasok doon dahil may something special kami doon.

Oh Andrea hindi ka parin nagbabago.

Shining Shimmering SplendidWhere stories live. Discover now