Special Chapter

1.9K 53 10
                                    


Andrea POV

"I love making love to you." Bulong sa akin ni Weiss. Tumingin ako sakanya ng mariin at napansin ko ang unti unti pagpatak ng luha sakanyang mga mata. "Love, why are you crying? Nagsisisi kana ba na pinakasalan mo ako?" Tanong ko sakanya. Wala parin siyang reaksyon kaya nabahala ako at nilapit ang mukha ko sakanya. "Love what's wrong?" Pangungulit ko.

"I'm just happy love, after everything we've been through.. I didn't expect na magpapakasal ka sa akin. I love you Andrea, I will do everything just to make sure na magiging masaya ka sa akin araw araw." Para kaming sira ulong nag-iiyakan. "Love naman, you are worth it. Alam ko may mga nagawa kang pagkakamali but look at you now.. ang laki ng pinagbago mo." Sambit ko sakanya at napasinghot pa.

Kung susukatin kung gaano ako kasaya? Hindi ko alam kung hanggang saan aabot. Ang saya ng puso ko. Yung taong mahal na mahal ko at mahal na mahal ako, nasa tabi ko na.. at hindi na aalis kahit kailan.

Yumakap na si Weiss sa akin ng mahigpit. Ramdam ko parin ang init sa kanyang mukha dahil sa pag-iyak kaya naman hinahapo ko ang kanyang likod para malaman nya na andito lang ako at hindi siya iiwan. Pumikit na din ako para makapagpahinga na. It has been a long day but it's a happy day for the both of us.

--------------------------

"Goodmorning Wife!! Breakfast in bed?" Kinukusot kusot ko pa muna ang aking mga mata dahil ramdam kong medyo maaga pa. "Love talaga. Thank you! Halika, let's eat this together." Tumabi sya sa akin habang hawak ang tray. 

"Nga pala love, uuwi na tayo ng Manila mamaya. I have a surprise for you!!" Halata sakanya ang excitement. "Ano nanaman yan love? Sabi ko sayo, simpleng tao lang ako. I don't want expensive things." Sambit ko sakanya. "Hindi naman expensive yun e, you'll see." Pag-aassure nya sa akin. Tumango nalang ako at ngumiti sakanya at saka naman pinagsaluhan ang agahan na ni-ready nya DAW. Hahahaha.

Matapos kaming kumain ay nag-ayos na kami ng gamit para makabalik sa hotel kung nasan sila ang both families namin. "Love take this, remembrance lang." Hinagis ko sakanya ang hugis puso na bato na napulot ko sa dalampasigan. Dumating na din kaagad ang yate na sasakyan namin. Pumanhik na kami dahil baka mahuli kami sa flight pabalik sa Manila.

"I will love you til the end Andrea." Sambit nya sa akin habang naka back hug sa akin. Para kaming nasa titanic nung niyakap ni Leonardo De Carprio si Kate Winslet sa bow ng ship. "And I will do everything to be the best wife ever! I love you everyday Weiss!" Sagot ko sakanya. Mas hinigpitan pa nya ang yakap sa akin.

Nakadating na kami sa hotel, nag-ayos na ng mga gamit at hinatid na kami sa airport ng free transpo sa hotel. Mabilis din ang naging byahe namin. Dumaan muna kami ng Batangas para ihatid si mama at si nana Pasing at syempre ang bunso si Riel. 

-----------

"Weiss, please take care of my daughter ha? You know her dad trust you a lot." Wika ni mama bago sila pumasok sa bahay. "Yes ma, I will. Hindi po kayo magkakaproblema sa akin, aalagaan ko po si Andrea sa abot ng aking makakaya." Tumango tango naman si mama at humirit pa. "Bigyan nyo ako agad ng apo. Since Riel like girls too, unahan nyo na sya." Sabay sabay kaming tumawa. Nagpaalam na din si Riel. "Ate, congrats and goodluck sa buhay may asawa. Bigyan mo ako ng tips ha? And Weiss, wag na wag mo sasaktan si ate or else.. babawiin namin sya sayo." Seryosong sabi ni Riel sakanya. "Got you! Promise yan." At nilahad pa nya ang kanang kamay nya na sumisimbolo ng promise.

Nagpaalam na kami at umalis na, tatawag tawag nalang ako sakanila at bibisita every weekend nagkasundo naman kami ni Weiss doon. "So saan na tayo? Sa condo mo?" Tanong ko sakanya habang nagda-drive sya. Tumingin sya sa akin. "Open mo yung compartment love." Sambit nya. Agad ko naman binuksan ito dahil baka may kailangan sya. 

Pagbukas ko may laman itong box. "Ito?" Sabay turo ko sa box. "Open it." Pang-uutos nya. Binuksan ko ito dahil selyado pa at naka-ribbon.

Susi?

"What is this?" Tanong ko. "Basahin mo yung paper sa loob." Wika nya habang ngumingisi ngisi pa. 

TRANSFER CERTIFICATION OF TITLE

"Weiss? Oh my God Weiss! Bakit ba sobrang dami mong surprises. Nakakaiyak ka naman e." Tuya ko habang binabasa ang titulo ng bahay na nakapangalan sa aming dalawa. "Dyan tayo pupunta ngayon, at dyan tayo bubuo ng masayang masayang masayang pamilya!" Sumusulyap sulyap sya sa akin habang nakangiti. Ako eto, mangiyak ngiyak. Hinawakan ko sya sa kamay at tinitigan ng matagal. "Nakakainis ka! Huhuhuhu." Wika ko. Nagawa pa nyang halikan ang kamay ko habang nagda-drive sya. Ibang klase talaga magpakilig!

Huminto kami sa isang executive village. Pumasok kami doon at sumaludo pa ang guards sakanya kahit hindi naman kami nakikita sa loob dahil 100% tinted ang kotse ni Weiss. "Kilalang kilala ka nila dito ah? May binahay kana yata dito e." Pang-aasar ko. "Ikaw lang ibabahay ko Andrea." Sambit nya sa akin, may pagkaseryoso sa boses nya kaya hindi na ako umulit mang-asar.

Tumigil ang kotse nya sa isang mala-mansion na bahay na kulay gray and white. Mukhabng bagong gawa lang dahil may mga timba pa ng pintura sa harapan. "You like it?" Tanong nya sa akin. "Yes!!!" Sigaw ko. Nagulat ako ng binuhat nya ako papasok sa loob. Key Card ang ginamit nyang pang bukas sa pinto. 

Napakalawak sa loob, ang ganda. Ang maaliwalas tignan. "Sure kaba na sa atin to?" Tanong ko sakanya. "Kita mo ba yang wedding picture na yan?" Turo nya sa isang malaking portrait na nakasabit sa living room.

"Matatakot mga daga nyan sa atin." Pang-aasar nya. Tuwang tuwa akong niyakap sya. 

"Thank you love!" Sambit ko habang nakayakap sakanya. "Oh iiyak ka nanaman nyan e." Tuya nya. "Isa pang asar mo talaga Weiss, sinasabi ko sayo sa labas ka matutulog." Panakot ko sakanya. "Uy love, joke lang naman. Wala pa akong nabibiling kulambo. Hahahaha!" Nagtawanan kaming dalawa.

Inikot namin ang bahay. May anim na kwarto sa taas at dalawang kwarto sa baba. May swimming pool din at gym area. Malawak din ang garahe dahil balak na ni Weiss na i-uwi dito ang mga kotse nya.

Alam kong simula palang ito ng magiging journey namin bilang mag-asawa. Marami pang pwedeng mangyari pero isa lang ang may kasiguraduhan ako, hinding hindi kami maghihiwalay ni Weiss. She's my world. She's everything I need. 

Tinititigan ko syang habang natutulog sya, at na-realized ko na sobrang swerte ko pala no? Sobrang sarap sa feeling na araw araw kang masaya kasi may taong chene-cherish ka. You na-aappreciate ka sa lahat ng bagay, yung hindi nya nakakalimutang iparamdam na kamahal-mahal ka. Yun si Weiss... Weiss Sandoval.


THE END.



Hi my dearest readers. Dito na po nagtatapos ang kwento ni Weiss at Andrea. Gusto ko lang pong i-take ang opportunity na 'to para po magpasalamat sa walang sawang suporta. Madami pong naging struggles sa pagsulat ko ng kwento na ito pero here we are. Nasa ending na po. Naiiyak ako kasi mamimiss ko silang dalawa, pero may parating po tayong story GXG din po.

Sana po, muli nyo pong suportahan yung up coming story ko. Entitled "SPARK

See you po sa next story ko. I love you guys!

-Juvel

Shining Shimmering SplendidWhere stories live. Discover now