Chapter 11: DEAD In The House

2.9K 65 24
                                    

Iniba ko na po yung title ng Chapter 10. Yung title ng Chapter 10, dito ko na po sa Ch.11 gagamitin. Para kasing hindi appropriate yung title sa content. =)

Thanks.

Salamat po sa mga taong patuloy na sumusuporta sa ZA.

Chapter 11: DEAD In The House

Napalingon si Rose sa kanyang kaliwa, at nakita niyang papalubog na ang araw. Tumama ang kulay orange na ilaw ng araw sa bintana ng helicopter, at tila pinaliguan ng liwanag ang loob ng helicopter.

Sa isang sulok kung saan hindi tumatama ang liwanag, nandoon nakaupo sa Andrew. Sa unang beses, hinawakan niya ulit nang matagal ang kwintas na ibinigay sa kanya ng kanyang mga magulang ng umabot na siya ng labing tatlong taong gulang.

Ang kwintas na iyon ay lagi niyang inilalagay sa kanyang bulsa, pero hindi naman niya ito tinititigan o hinahawakan nang matagal. Hindi din niya ito sinusuot.

*Flashback*

"Nakakadisappoint ka." sinabi sa kanya ng sariling ama harap-harapan.

Ang sixteen year old na Andrew ay nakatayo sa harapan ng ama, na ngayo'y sinasabihan niya ng kanyang intensyon sa kolehiyo.

Tumalikod ang ama sa kanya. “Ang lahi natin… lahi tayo ng mga pulis! Iyan ang pagkatao mo! Hindi mo yan matatakasan!”

“Gusto kong maging doctor! Dad… magiging doctor ako!” pasigaw niya na sagot sa ama.

Hindi inaasahan, nasampal siya ng ama. “Nasa dugo mo ang paghawak ng baril, Andrew. Kahit anong gawin mo… hahawak at hahawak ka parin ng baril! Dahil… dahil yan ang pagkatao mo, ang pagkatao ng lahi natin. Aawit ang iyong katawan para maranasan ang pakikipaglaban. Kung hindi ka magpupulis, magiging sundalo ka. Subukan mo mang takasan, babalik ka pa rin sa kung ano ang ginagawa ko at ng mga lolo mo.”

*end ng flashback*

Napahawak si Andrew ng mahigpit sa kanyang baril."Patay ka na dad... pero minumulto parin ako ng mga salita mo..."

Biglaan na lang nabuhay ang radyo ng helicopter na sinasakyan nila. May pinindot si Rose at kumuha ng headphone. Kinausap niya yung nasa kabilang linya. Pagkatapos, ibinalik niya yung headphone at dahan dahang inialis ang pagkakapatong ng ulo ni Sachi sa kanyang hita at tinabihan si Andrew.

Nakatulog na ang bata sa sobrang pagod ngayong araw. Nang makarinig nang putukan ang bata, nagmadali itong nagtago sa ilalim ng upuan sa loob ng helicopter. Hindi niya nakitang barilin ng kanyang kuya Andrew ang kanyang mga magulang.

"Patay na daw ang mommy't daddy ni Sachi." Nilingon siya ni Andrew nang magsalita siya. "Kagat kagat na daw ng mga halimaw na yon ang mga parte ng katawan nila nang makarating yung team na ipinadala ko."

Nagpatuloy pa si Rose. "Nung araw na nakita mo si Sachi sa presinto... binibisita nila ang daddy ni Sachi na isang pulis kung saan hepe ang tito mo. Di nila inaasahang maiistuck sila doon nang magsimulang lumitaw ang mga zombie..."

Tahimik parin at walang imik si Andrew. "Zodiac Mythological/Biological Entity... Zombie for short. Lahat ng to, nagsimula sa mga yan. Madami nang tao ang nawalan ng buhay sa kamay nga mga bagay na yan, pati na rin... pati na rin ang mommy ko." sabi sa kanya ni Rose.

Nang pinapakinggan ni Andrew ang mga sinasabi ni Rose sa kanya, hindi niya maiwasang malungkot din para kay Rose. Pareho silang nawalan ng magulang sa mga Zombie.

"Ang daddy ko... umiiyak ang daddy ko habang may hawak siyang baril, nakatutok sa noo ng mommy ko. Hindi pa ako ganito noon." sabi niya habang nagmomostra sa kanyang buong katawan. "Hindi pa ako ganito kalakas. Wala pa akong abilidad sa pakikipaglaban. Hindi ko naprotektahan ang mommy ko nang may makawala na zombie sa kanilang laboratoryo."

"Scientist si mommy ng DAEVA, kaya nasa loob siya ng laboratoryo noon. Kasama niya ako kasi summer noon at walang pasok, nang may nakalabas na zombie sa testing room. Dali dali akong itinago ni mommy sa loob ng isang locker." kwento ni Rose habang nagpupunas ng luha. "Sabi niya sa akin, 'Kahit na anong mapanood, makita, o kaya marinig mo' sabi niya sa akin habang umiiyak, 'Kahit na ano... wag kang sisigaw. Wag kang iiyak. Wag kang lalabas. I Love You anak.' tapos kiniss niya ang noo ko. Nagpapaalam na pala ang mommy ko non. Pagkasarado niya ng pinto, lumabas na yung zombie at kinagat siya sa leeg."

"Nasa loob lang ako ng locker, tahimik na umiiyak habang pinapanood kong pinapatay ng zombie ang mommy ko. Pagdating ng mga guard, pinatay nila yung zombie. Nakita na lang nila akong tulala sa loob ng locker. Dumating si daddy. Niyakap niya ako, tapos biglang nabuhay si mommy. Sinubukan niyang ibring back yung mommy ko, pero walang gana. Habang umiiyak, ginawa niya yung ginawa mo kanina. Ipinakita niyang mahal niya ang mommy ko... sa pagpatay sa kanya."

Sa tabi ni Andrew sa loob ng helicopter, doon nag break down ang malakas na si Rose. Habang pinapanood siya ni Andrew, tumama ang liwanag sa kanyang pula na buhok. Habang umiiyak si Rose, niyakap at hinawakan lang siya ni Andrew.

Biglaan may nag beep sa loob ng cockpit ng helicopter. "Ma'am!" sigaw ng pilot kay Rose.

Tumayo si Rose at nagpunas ng luha. "Ano yon?"

"Distress signal po galing sa Malacanang... nakapasok na daw po ang mga zombie sa loob ng palasyo!" sigaw ng pilot. "En route na po tayo papunta sa Malacanang!"

Nanginig sa takot si Rose. Hinawakan lang siya ni Andrew at niyakap ulit. "Magiging okay ang daddy mo, wag kang magalala." sabi sa kanya ni Andrew.

"Paano ka nakakasigurado?" tanong sa kanya ni Rose.

"Hindi na ako papayag mangyari ulit sayo yung pinagdaanan mo." sabi lang sa kanya ni Andrew.

"Kung hindi ka magpupulis, magiging sundalo ka."

"Dad..." bulong ni Andrew sa sarili. "Mukhang magiging totoo yung sinabi mo dati..."

Tiningnan ni Andrew ang mundo sa labas ng helicopter. Isang sundalo nga ba ang kailangan ng mundo na to?

Zombie Apocalypse - 2012حيث تعيش القصص. اكتشف الآن