Chapter 5 : DEAD At The Gates

4.1K 125 23
                                    

Vote and Comment kung nagustuhan niyo ang update!

Picture of Nina sa kanan!

Chapter 5 : DEAD At The Gates

Nilundag na ni Andrew ang huling tatlong hakbang ng hagdanan, at bumulaga sa kanya ang isang eksena na parang kalalabas lamang sa isang bangungot.

Nakapasok na ang mga zombie sa isang lugar na inaakala nilang ligtas…

Nagsisigawan ang mga tao habang kinakain ng mga zombie. May mga nanubok tumakbo palayo, pero nilundag at dinaganan kaagad ng zombie at nilapa. Napalingon si Andrew sa kanan, kung saan siya nakarinig ng iyak.

Isang batang lalaki ang unti-unting nilalapitan ng isang zombie. Nag-dive si Andrew sa kanan, palayo sa pader, at inasinta ang ulo ng zombie, kung saan dapat nakalagay ang utak nito. Isang kalabit sa baril, at nasa lapag na ang zombie, nag spray ang dugo nito sa kalapit na pader.

“Ahhh!” sigaw ni Zack ng makita ang mga zombie. Napansin ni Andrew na walang kalaban laban ang kaibigan kaya naman sinipa niya ang isang stick na bakal – isang tubo - papunta sa kanyang kaibigan. Tumama naman ito sa sapatos ni Zack at napalingon kay Andrew. Tamango lamang ito at kinuha ang tubo, hinahawakan ito ng parang espada.

“Hahanapin ko si Nina…” sabi lang niya kay Andrew. Tumango naman pabalik si Andrew. Kailangan niya mailayo ang bata sa lugar na ito. Binuhat niya at ipinasan sa likod ang batang lalaki. Nanginginig siyang tiningnan nito.

“Si Kuya Andrew na muna bahala sayo…” sabi niya sa bata at tumakbo papalayo doon. Masyadong late na ang sitwasyon para iligtas ang mga civilian na nilalapa ng mga zombie. Hahanapin na lang niya ang tito at mga kaibigan niya at tatakas na sila.

Tumatakbo si Zack, natatarantang hinahanap ang nobya na humiwalay lang sa kanya sandali. Dapat hindi na lang ako pumayag na mahiwalay sa kanya, isip ni Zack. May sumugod na zombie sa kanyang kaliwa, pero naka-yuko siya kaagad kaya hindi siya nakagat. Paglagpas ng ulo ng zombie, sabay hampas niya sa ulo nito gamit ang tubo na hawak niya. Nanlalata ang katawan ng zombie na nahulog sa sahig, umaagos ang dugo. Nangilabot si Zack sa ginawa.

Ginagawa ko ito para mahanap ko si Nina… isip niya. Tumakbo ulit siya. Hindi mo na maaninag na ang gusali ay isang presinto. Mas mukha pa nga itong slaughter house imbes na presinto ngayon. Naririnig niya ang mga hiyaw at iyak ng mga bilanggo sa bilangguan, Pinagpepyestahan na sila ngayon ng mga zombie.

“Nina!” sigaw ni Zack. Wala na siyang pakielam kung marinig siya ng mga zombie ngayon. Wala na rin siyang pakielam kung lapain siya, basta masigurado lang niyang ligtas si Nina.

“Zack!” sigaw ng isang boses. Lumingon si Zack, at nandun si Nina, tumatakbo.

“Nina!” umakma siyang yayakapin ang nobya, katulad ng inaakala niya na ginagawa ng mga magkasintahan sa pelikula, pero hinablot lang ni Nina ang kamay ng nobyo at nagpatuloy sa pagtakbo.

“Zack, ano ba! Takbo!” sabi ni Nina.

Magtatanong na sana si Zack, ng biglang may malaking tunog – isang tunog na parang may isang malaking bagay na bumabangga sa bato – siyang narinig. Habang tumatakbo, napalingon siya at binalot ng takot sa nakita. Isang malaking zombie ang humahabol kay Nina.

“Nina, takbooooooo!” sigaw ni Zack, na ngayon ay nauunahan na sa pagtagpo ang nobya. Lumiko sila sa kanan, at... dead end.

Napalingon sila sa likod nila. Papalapit na ang malaking zombie. Nakikita na nila ang anino nito, dahil may mga bintana na nagpapapasok ng liwanag ng buwan mula sa labas.

Unti unting naglalakad ang malaking zombie papalapit sa kanila. Umungol ito ng napaka lakas, alam na hindi na makakatakbo ang mga hinahabol nitong pagkain. Dahan dahan nang naglalakad ang zombie, kampanteng kampante na mabubusog siya ngayong gabi.

Zombie Apocalypse - 2012Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon