Chapter 4 : Saved From The DEAD

4.2K 107 16
                                    


Vote and Comment kung nagustuhan niyo na nagupdate ako! =)

Picture nina Andrew and Zack sa kanan!


Chapter 4 : Saved From The DEAD

 

“Ano yun?” tanong nila ng sabay sabay tumaas ang ulo, tila hinahanap ang pinanggalingan ng tunog. Bumilis ang daloy ng sa katawan ni Andrew. Putok yun ng baril! Isip ni Andrew.

“Tingin niyo dapat puntahan natin yung putok?” tanong sa kanila ni Zack. Nagkibit-balikat lang ang nobya niya. Susunod na lang si Nina sa kung saan man pumunta ang dalawang kasama niya.

“Hindi naman siguro sanay humawak ng baril ang mga zombie diba? Puntahan natin...” sabi ni Andrew. Sa katotohanan, nae-excite lang siya dahil sa putok ng baril. Isang baril lang ang mahawakan niya, at alam niya sa kalooblooban niya, ligtas na silang tatlo. May mga extra naman sigurong dala na bala ang may hawak ng baril, diba?

“Sigurado ka pre?” tanong ni Zack ng medyo nakakakunot ang noo.

“Oo naman. Malay niyo, naghahanap lang ng mga survivor yung may hawak ng baril...”

“Eh Ands, paano kung masamang loob pala yung may hawak ng baril?” paniniguro ni Zack.

“Eh di tingnan muna natin sa malayuan.” Sabi niya sabay bukas ng pintuan. Wala nang nagawa ang magkasintahan. Sumunod na lang sila kay Andrew, balot parin sa takot.

Lumapit si Andrew sa railing. Tila nabawasan na ang mga zombie sa loob ng mall.

“Sir, umalis na tayo dito!” sigaw ng isang boses mula sa palapag sa bandang ibaba.

“Kumuha ka pa ng mga supply para sa mga evacuees! Madami tayong bibig na papakainin sa presinto!” sigaw ng isang lalaking nakauniporme. May kasama siyang apat pa na lalaki na nagtutulak ng mga pushcart na puno ng mga grocery.

“Mga pulis sila...” bulong ni Nina na nakadungaw din sa railing. Namukhaan ni Andrew ang lalaking tinatawag na sir ng mga kasama niya.

Zombie Apocalypse - 2012Where stories live. Discover now