Chapter 9: The Slayers Of The DEAD

3.4K 87 29
                                    

Guys! Waaaah akala ata nung iba ending na tayo sa Chapter 8! Hindi pa! Mahaba pa bago tayo matapos! Wala munang bibitaw!

Pasensya na sa mga typo, bwisit yung keyboard eh.

FINALLY, Picture ni Rose sa RIGHT!

Chapter 9: The Slayers Of The Dead

Unti unting bumagal ang lipad ng helicopter nang makalapit sa ilog pasig. May natanaw na malalaking gusali si Andrew. Hinid ito mataas, pero malaki ang sakop ng mismong gusali.

"Yan na ba... ang Malacanang?" tanong ni Andrew kay Rose. Nag-nod naman ang dalaga bilang sagot sa tanong ni Andrew.

"Pero bakit... parang ang laki na ng pinagkaiba nito sa mga picture?" tanong niya. Dahil ang Malacanang na nakikita niya ngayon ay napapalibutan na ng matataas na pader ng bakal. May mga guardhouse na nakapwesto sa mga interval sa taas ng malaki at malapagd na pader na bakal.

Unti unti silang nag-land sa bakuran ng mismong Malacanang. Agad na sumalubong sa kanila ang mga armadong mga lalaki.

"Sino yung mga yan? Mga PSG?" tanong niya, tinutukoy ang personal na mga gwardya ng presidente.

"Hindi. Mga DAEVA yan. Sa simula ng Zombie Apocalypse, dinisolve na ang PSG at pinagmerge sa DAEVA." sagot ni Rose.

"Matagal ko nang gustong itanong to, pero ano ba ang DAEVA? Diba yun yung pinanggalingan ni Sarge?" tanong ni Andrew sa kanya.

"Oo. Pati rin ako, dun nanggaling. Sabi nga namin dati, ang DAEVA ay isang sekto ng Department of Health. Hindi ko alam kung nasabi ko na sayo to, pero ang ibig sabihin ng DAEVA ay Department of Anti-Epidemic Vaccine Agency. Kahit na sekto ng DoH ang DAEVA, independent entity ito. Usually, ang DAEVA ay isang malaking sikreto.

Nung nagkaroon ng SARS atsaka NH1N1 virus, magmumukhang DoH ang nagaasikaso dito, pero ang DAEVA talaga ang nagtatrabaho behind the scenes. We're the ones behind it all..."

Napatingin si Andrew kay Rose. "Yung last line na sinabi mo... may accent ka."

Nagchuckle lang si Rose. "Half-american kasi ako..." Napa-'oh' naman si Andrew. Katulad niya si Rose. Dahil half din si Andrew, nanggaling ang kanyang amerikanong dugo sa kanyang ina. "Lika na. Bibigyan ka ng nakakataas ng isang brief orientation tungkol sa situation natin ngayon sa pilipinas."

Pumasok na sila ng Malacanang. Heavily guarded ang lugar, pero halatang halata mo... tense na tense ang atmosphere sa loob ng palasyo. May mga tingin na makahulugan ang mga sundalo at mga gwardya. Lahat sila... takot.

Pumasok sila sa isang kwarto, at napansin ni Andrew ang biglaang pagiba ng kanyang paligid. "Napansin mo din?" tanong sa kanya ni Rose. "Bago lang tong parte na to, hindi katulad ng ibang parte ng Malacanang Palace na luma na. In other words, recently added lang."

Naglakad sila papalapit ng isang bakal na pintuan. Inilapat ni Rose ang kanyang palad sa isang square na salamin. Umilaw ito mula sa pula papunta sa berde.

Itinapat naman ni Rose ang kanyang kanang mata pagkatapos sa isang bilog na pwede mong mapagkamalang peeping hole sa isang pintuan sa hotel.

Inilayo niya ang mata niya pagkatapos at nagsalita sa isang malakas at malinaw na boses, "Rose Reed, Special Agent #8215089."

Pagkatapos ng lahat ng ito, bumukas ang pinto.

Sa loob. nakita niya ang mga naglalakihang mga montor at ng mga computer. At sa gitna ng kwarto... nakaupo ang lalaking nagligtas sa kanila nina Zack kanina.

Kanina... parang napakatagal na simula ng magkahiwalay kami nina Zack, pero ang katotohanan ay ilang oras pa lang kaming naghihiwalay...

"Welcome to the DAEVA Malacanang Headquarters." sabi nung lalaki, na sa pagkakakilala ni Andrew ay si George.

Zombie Apocalypse - 2012Where stories live. Discover now