Chapter 1 : Hospital Of The Living DEAD

7.4K 225 53
                                    

Chapter 1 - Hospital Of The Living DEAD

Nakasakay sa taxi ngayon si Andrew. Tinext siya kanina ng matalik niyang kaibigan, si Zack, nagpapasama sa ospital. Sumusumpong na naman ang allergy nito, at nahihirapan na siyang huminga. Tinitingnan niya ang kaibigan na parang mas lalong lumalala ang sitwasyon habang lumilipas ang oras.

"Pre, sandali na lang. Malapit na yung ospital." sabi niya sa kaibigan, nagaalala. Alam ni Andrew na bata pa lamang si Zack, mahina na ang katawan nito. Kaya naman tuwing sinusumpong ito, todo ang pagaalala niya para sa kaibigan. Tumango lang si Zack bilang sagot sa kanya.

Pagdating nila sa Philippine General Hospital, nagbayad na sila ng taxi at bumaba. Dito na lang dinala ni Andrew ang kaibigan dahil ito ang pinaka malapit sa bahay nila. Ayaw niyang nagtatagal ng ganyan ang kundisyon ni Zack.

Pagkakausap sa nurse, nahiwalay ng sandali ang dalawang magkaibigan. Sanay na naman si Andrew sa ganoon. Ganyan naman lagi kapag sinasamahan niya si Zack eh. Wala kasing kakilala si Zack sa dorm niya kaya si Andrew lang talaga ang maasahan niya sa ganito.

Limang minuto pa lang ang nakakalipas, pero naiinip na kaagad si Andrew. Kahit na madami niyang beses na nasamahan si Zack, naiwan niya ang libangan niya na Nintendo DS sa kanyang dorm kaya naman halos tumirik na ang mga mata niya sa sobrang pagkabagot.

Humanap kaya muna ako ng maganda na nurse dito? isip ni Andrew.

Tumayo siya sa pagkakaupo. Sinilip muna kung stable na ang kalagayan ng kaibigan bago siya tuluyang umalis.

Nagsimula nang maglakad si Andrew pababa sa corridor. Habang papatagal ng papatagal, padilim ng padilim ang mga corridor na nilalakaran ni Andrew. Matagal na siyang naglalakad, pero wala parin siyang nakikitang maganda na nurse. Iniisip niya na siguro nasa malalim na parte ng ospital ang mga naggagandahang mga nurse.

Pero habang nagtagal, naisipan niyang bumalik na sa kanyang kaibigan. Wala naman siyang nakikitang kahit sino dito sa parte ng ospital na ito. Parang abandonado na nga, pero nakikita naman ni Andrew na malinis ang sahig at mukhang hindi naman ito pinabayaan.

Habang pabalik na siya, tsaka naman siya nakarinig ng mga naguusap. Nanggagaling sa isang kwarto. Pagsilip ni Andrew, nakita niya na naguusap –Pero mas mukhangnagtatalo sila kaysa sa naguusap- ang dalawang doctor. Parang pinagtatalunan nila ang mga nilalaman ng isang folder. May mga folder din na nakalapat sa isang lamesa. Patuloy lang ang dalawang doctor sa pagtatalo hanggang mapansin nila na pinapanood na pala sila. Nanglaki ang mata nilang dalawa, at nagsimula na ulit sumigaw, pero hindi na sa isa’t isa. Sumisigaw sila ngayon habang hinahabol si Andrew. Nagsimula nang tumakbo si Andrew, pero hindi papaalis. Kundi, tumakbo pa siya palalim sa ospital, pabalik sa kadiliman na bumabalot sa pinaka loob ng ospital.

Zombie Apocalypse - 2012Where stories live. Discover now