Chapter 6 : Rose Versus The DEAD

4K 157 47
                                    

Nakakatampo... wala masyadong nagkokomment dun sa Chapter 5...

Hahabaan ko ang update. Kapag kayo hindi nagvote at comment...Hay nako...hahaha

Chapter 6 : Rose Versus The DEAD

Hindi maiwasang magalala ni Andrew para sa batang iniligtas niya kanina.

"Zack, nako, alagaan mo yang batang yan, lagot ka sakin kapag may daplis yan pagbalik ko..." Napailing na lang si Andrew sa sinabi niya. Nagpapaka-tatay siya sa isang bata na kakakita pa lang niya.

Unti-unting binagalan ni Andrew ang takbo, at nagtago sa sulok ng isang pader. Lumingon siya sa corridor, at tama nga, sangkatutak na ang mga zombie. Nakapasok na sila sa gusali. Pagsikat ng araw, mao-overrun na ang buong presinto. Kailangan na niyang mahanap ang kanyang tiyuhin bago pa yon mangyari.

Umasinta ni Andrew. Isang putok lang. Isang putok lang ang kaya niyang gawin. Konti lang ang extra niyang bala, pero kailangan niyang dumaan sa corridor na ito. Kinalabit ni Andrew ang baril na ibinigay sa kanya ng kanyang Tito Jeff at asintado, napatamaan niya ang vase na nasa pinaka dulo ng corridor.

Napalingon ang mga zombie sa kanya dahil sa tunog ng baril, pero nadistract naman ang mga ito kaagad nang marinig nila ang pagkabasag ng vase. Nagsimula nang maglakad ang mga zombie papunta sa vase, palayo sa kinatatayuan ni Andrew.

Napahinga siya ng malalim. Gumana ang plano niya.

Dahan dahan, pero mabilis, siyang naglakad. Nangmakalayo na siya, nagsimula na naman siyang tumakbo.

"Tito Jeff...nasaan ka na ba?" tanong niya sa sarili.

Nagmamadaling umakyat ng manipis na hagdanan ang tatlo. Una si Nina, sumunod naman ang bata, at sa hulihan si Zack. Pagakyat nila, sakto naman naglaland na ang helicopter.

"Saan kaya galing to?" tanong ni Nina sa sarili. Inalalayan niya ang bata paakyat habang pinapanood na lumapit nang lumapit ang helicopter. Pero hindi ito naglanding. Imbes, nagpalaglag lang sila ng mga lubid, at nagsimula na mag-rappel pababa ang mga armadong lalaki. Sa oras na maabot nila ang sahig, pumwesto na kaagad sila, nakahanda ang baril.

"Rooftop, clear!" sigaw ng isang lalaki. Dahan dahang nagland ang helicopter sa rooftop. Lumabas doon ang isang lalaking naka-corporate suit.

"Good Evening. My name is George...and we are here to save you." bati sa kanila nito. May pinindot si George malapit sa kanyang tenga. "Alpha Team, deploy."

Tumango ang mga lalaki na nasa kanan niya at sinabing, "Affirmative". Nagmadali na sila pababa. Itinusok nila ang isang bagay sa taas nung butas, at hindi na sila naghagdan pababa. Tumalon na lang sila at nag-rappel.

"Wag kayong magalala, nandito na kami para iligtas kayo. Pumasok na kayo sa loob ng helicopter para madala na kayo sa ligtas na lugar." sabi ni George sa kanilang tatlo.

"Ah..." napakamot si Zack sa ulo niya. "Maraming salamat po..." tumango naman is George bilang acknowledgement sa pasasalamat.

Papasok na sana sila ng helicopter nang biglang hilahin ng bata ang kamay ni Nina. "Bakit?"

"Kuya..." sabi lang nito. Namimiss ng bata si Andrew...

"Oo nga Zack, hindi natin pwedeng iwan si Andrew dito..." sabi ni Nina sa Boyfriend.

"Sir, may isa pa po kaming kasama. Bumalik po siya para hanapin ang tito niya sa loob..." Nagulat naman si George sa narinig. Napamura ito nang mahina at pinindot na naman ang earpiece niya.

"Alpha One, situation analysis: Two more civilians are inside. I repeat, two more civilians are inside. Bravo Team, deploy." sabi lang niya sa earpiece. "Ang mga tao ko na ang bahala sa kanya. Ano ba ang pangalan niya ulit?" tanong ni George sa kanila.

Zombie Apocalypse - 2012Where stories live. Discover now