Chapter 12: DEAD Assault

3K 80 29
                                    

Announcement:

After Zombie Apocalypse comes...

                                                                                      ...Zombie Survival.

Chapter 12: DEAD Assault

“Strike team, ready!” sigaw ng piloto ng helicoper na sinasakyan nila Andrew. Naghahanda na sila para sa pagbigay ng reinforcement sa Malacanang. Pinaikot ni Andrew ang barrel ng kanyang revolver at isinaksak dito ang mga bala. Isang kalabit, at pumasok ito pabalik sa katawan ng baril.

Kalahatian ng daan pabalik ng Malacanang, nag-convoy sila kasama ang dalawa pang helicopter. Lahat ng sundalo sa tatlong helicopter ay naka-handa na, at sa isang salita ni Rose, tatalon sila at magra-rappel pababa ng helicopter.

“Andrew, handa ka na ba?” tanong ni Rose sa kanya. Tumango ang binata pabalik, at siniguradong may dala siyang extra na mga bala. “Rose...” sabi niya. Nilingon naman siya nito. “Diba sabi niyo... nailigtas niyo si Tito Jeff mula sa presinto?” tanong niya sa dalaga tungkol sa kanyang tiyuhin.

“Oo, pero yung pinagdalhan namin kay Tito Jeff mo, hindi yung Malacanang. Nasa Intramuros branch ng DAEVA ang tito mo ngayon.” Sabi sa kanya ni Rose.

“Intramuros? Bakit ang naman doon pa siya dinala?” pagtataka ng binata.

“Mga sundalo ng Intramuros branch ang nakakuha sa kanya eh. Atsaka, kung hindi mo pansin, karamihan sa mga kalsada ay blocked off. Minsan, mas lalo pang humahaba ang byahe dahil sa bara sa kalsada. For the time being, doon muna si tito Jeff mo, pero inaayos na ni papa ang paghatid sa kanya sa Malacanang.” Sagot naman ni Rose sa kanya. Napahinga siya ng malalim. Malayo sa kapahamakan ang tito Jeff niya.

“Reaching drop point in 30 seconds.” Sabi ng pilot nang marating na nila ang Ilog Pasig. Sa kabilang pampang ng ilog pasig nakatayo ang palasyo ng Malacanang. Ang tinuringang tahanan ng mga presidente, malayo ang itsura ng palasyo kumpara sa dati nitong anyo. Ang engrandeng lote na nasasakop ng Malacanang ay ngayong tahanan ng DAEVA, ang tanging pwersa na kayang lumaban sa mga tinaguriang zombie.

“Zodiac Biological/Mythological Entities detected. Firing heat sensors... body count: 479.” Sabi ng piloto sa kanilang lahat, na ikinagulat nilang lahat. Napaka dami naman pala ng mga zombie na umaatake sa Malacanang!

“Pilot, body count SAAN?” natatarantang tanong ni Rose.

“Exterior po. Scanning for behind exterior walls: 124.” Sabi ng piloto.

“Shit! Ang dami na palang nakalagpas sa mga outer wall!” sabi na lang ni Rose. Dumungaw siya bigla sa bintana ng helicopter. Sa malaking dingding na pumoprotekta sa gilid ng Malacanang na nakaharap sa ilog pasig, may dalawang malaking butas; sapat ang laki ng butas para makadaan ang tatlong tao nang sabay sabay.

“Paano nila nabutas yun?” sabi niya, habang kinukuha ang radyo. “Strike team 2 and 3,” sabi niya, tinutukoy ang dalawang helicopter na kasama nila. “Halt deployment. I repeat, halt deployment!” sigaw niya, inuutusang wag mag deploy – ibig sabihin, wag magrappel pababa – ang strike team sa loob ng dalawang helicopter.

Nagmamadali, kinausap niya ang captain ng dalawang Strike Team – Inutusan niya ang mga ito na huwag magdeploy, imbes, subukang patayin ang mga zombie na sinusubukang pumasok gamit ang dalawang malaking butas sa pader. Magiging stationary sila habang airborne, at mula sa pintuan ng helicopter, babarilin nila ang mga zombie. Ang helicopter naman na sinasakyan nila Rose at Andrew ay tutuloy lang sa original na plano – ang pagiging back-up ng Malacanang.

Zombie Apocalypse - 2012Where stories live. Discover now