Chapter 8: Sacrifice To The DEAD

3.1K 87 28
                                    

Updated na! Sana magustuhan ninyo!

Chapter 8: Sacrifice to the DEAD

Nagpakawala ng mga putok ang mga sundalo mula sa kanilang mga baril. Mahina man at napapatay nila ang mga zombie, sadyang masyadong madami ang mga ito.

“Fall back sa building!” sigaw ni Sgnt. Dela Cruz sa kaniyang mga sundalo. Agad namang sumunod ang mga ito at, habang nagpapaputok, nagsimula nang maglakad patalikod papasok sa gusali. Sumunod naman sina Andrew at Rose.

Pagkapasok sa gusali, nagmamadali silang umakyat, kumukuha ng dalawang hakbang sa hagdanan ng sabay.

“Sergeant! Mata-trap lang tayo dito sa loob kapag ipinagpatuloy pa natin to!” sabi ni Andrew kay Sergeant Dela Cruz.

“May plano ako...” sabi lang niya.

Pagdating nila sa rooftop ng gusali, sinabi niya sa kanyang mga tauhan, “Men, flare!” Sabay sabay ipinutok ng mga sundalo ang kanilang mga baril nang nakaturo sa langit. May lumabas na nagliliwanag na bola ng apoy mula sa kanilang mga baril at naglabas ng kulay pula na usok.

“Smoke flares?” tanong ni Rose.

“Malapit na naman tayo sa outpost. Sandali lang, at may dadating na na helicopter para sunduin kayo.” Paliwanag ni Sergeant Dela Cruz.

“Kami? Bakit kami lang?” tanong ni Andrew.

Ikinasa lang ni Sergeant ang kanyang sandata, hindi sumasagot. “Tito...” sabi ni Rose. Nagulat naman si Andrew sa sinabi niya. “Tito?! Tito mo ang sergeant?” tanong niya kay Rose.

“Hindi mo kailangang maging related sa dugo para tawaging tito ang isang tao.” Tapos ibinaling niya ang atensyon sa sergeant. “Tito wag mong gawin to...” pakiusap ni Rose.

“Kailangan niyo ng konting oras bago makarating ang helicopter dito. Kaming lahat...” sabi niya at itinuro ang mga sundalong natitira sa kanya. “Kaming lahat, ang prayoridad namin ay maibalik kayo sa HQ nang ligtas. That means, kahit kayo lang ang makaligtas, Mission Accomplished parin para sa amin.”

“Pero tito!”

“Ay nako, wag ka nang magamok diyan Rose.  Para namang unang beses mo lang malaman na may mamamatay na taong malapit sa puso mo sa gitna ng laban.” Hinawakan niya ang ulo ni Rose at sinabing, “Magingat ka na lang palagi, Rose.” Tapos hinalikan niya ang noo nito, ng parang isang halik ng ama sa isang anak bilang pagpapasalamat, at pagpapaalam.

“Lahat kami dito, handa na mamatay para lang makaligtas kayong dalawa.” Sabi niya sa aming dalawa. “Okay men, move out! Oras na para sa pinaka huli nating misyon!”

“Sir yes sir!” masigasig na sagot ng mga sundalo niya. Hindi mo mahahalata na handa na silang mamatay dahil nakangiti pa sila. “Mamatay man tayo, mamamatay tayo nang lumalaban!” sigaw pa ng isa.

“Hindi ikaw, Kris.” Sabi ni Sergeant.

“Bakit po?” sagot nung Kris.

“Sumama ka kina Rose at Andrew.” Utos ni Sergeant sa kanya.

“Pero... pero... gusto kong lumaban kasama niyong lahat!” sagot ni Kris.

“Hindi nga pwede! Masyado ka pang bata Kris! Hayaan mo na kaming matatanda ang umasikaso dito. You have your life ahead of you. Wag mong sayangin ang buhay mo dahil sabik kang ibigay ito para sa mga pinaniniwalaan mo.”

“Pero sarge!”

“That’s an order!” sabi ni Sergeant. Napayuko naman si Kris. “Move out.” Sabi lang ni Sarge. Bumalik sila mula sa pinsukan nilang pinto.

Zombie Apocalypse - 2012Where stories live. Discover now