Chapter 14: DEAD Brother

1.7K 58 41
                                    

Guys! Sa lahat ng nagcomment, sa last chapter man or dun sa mga nauna pa, na hindi ko na-replyan, sorry! Atsaka dun sa mga walang pagod na nakapag-hintay na update ng Zombie Apocalypse... MADAMING MADAMING SALAMAT PO!

You don't have to do this, but to recieve updates on whether nakapag post na ako ng bagong chapter or hindi, makikita niyo po iyon sa message board. So, kung gusto, mag fan kung gusto ng latest news about sa updates. Anyways, you don't have to kung ayaw niyo, pero think of it as a "subscription" kung kelan nagkakaroon ng bagong update =)

March 19, 2014 NOTE: Matagal na palang tapos yung update na to, di ko lang pala naipopost =(( Sorry sa matagal na paghihintay!

Chapter 14: DEAD Brotherhood

Nakatayo si Andrew sa gitna ng labanan. Sa loob ng isa't kalahating segundo, naitutok niya ang baril sa ulo ng pinak-malapit na zombie, at kinalabit ang gatilyo. Dahil sa calibre ng bala ng baril niya, pumutok ang ulo ng zombie at nagiwan ng tila-ulan na ambon ng dugo sa ere.

"Para sa lahat ng pinatay niyo sa ospital..."

May narinig siyang umuungol sa kanyang likuran. Pagikot niya, inextend niya kagad ang kanyang kanang kamay na may hawak na baril. Saktong sakto, dumikit ang dulo ng baril sa noo ng zombie na nasa likuran niya. Isang kalabit, at wala nang ulo ang zombie. Tumalsik ang konting dugo sa braso niya.

"Para sa pagpapahamak niyo kay Tito Jeff at paghihiwalay sa amin, at para sa lahat ng evacuees na pinatay niyo sa presinto..."

Isang hiyaw na punong puno ng takot ang narinig niya sa hindi kalayuan. Isang sundalo ang tumumba at sinampahan ng isang Pisces type na zombie. Kagat kagat ang leeg ng sundalo, sinusubukan niyang tanggalin ang leeg nito. Agad namang sinaklolohan ni Andrew ang sundalo. Dahil delikadong asintahin ang ulo ng zombie dahil sa sobrang lapit nito sa sundalo, pinatamaan muna ni Andrew ang katawan ng zombie.

Pagkatapos patamaan, humiyaw ang zombie sa sakit. "Nakakaramdam sila ng sakit?" tanong ni Andrew sa sarili. Pag-angat ng ulo nito, umungol ang zombie nang malakas habang nakatingin sa direksyon niya. Agad namang inasinta ni Andrew ang ulo nito at ipinutok ang kanyang baril.

"Para sa pagkitil niyo sa buhay ng mga matatapang na sundalong nagligtas sa amin..."

Nilapitan ni Andrew ang sundalong nanghihingalo. Tumatagas ang dugo mula sa malaking sugat sa kanyang leeg. Namangha lalo si Andrew, dahil kahit may kagat ang sundalo sa leeg, nakukuha parin nitong magsalita.

"W-Was I... was I able... to make a... difference?" tanong sa kanya ng sundalo. Isang foreigner. Hindi alam ni Andrew kung ano ang isasagot niya sa foreigner. May magagawa bang pagbabago ang pagkamatay ng isang sundalo?

Hinawakan siya ng sundalo sa kamay, at binigyan siya ng isang gentle squeeze sa kamay. Tumutulo ang luha ng sundalo habang nagsasalita ulit. "Did I make... a difference?" sabi niya habang tumutulo ang luha niya pababa sa kanyang pisngi. Isa siyang sundalong may asawa, at dalawang anak. Iniwan niya ang kanyang pamilya sa Canada at pumunta sa Pilipinas para sumali sa Ichor Project ng DAEVA.

Natahimik si Andrew. Ipinikit niya ang kanyang mga mata, at sinabing "Yes". Napangiti ang sundalo, at isinara na niya ang kanyang mga mata. Nanlata naman ang kamay na hawak hawak ni Andrew. Hindi maiwasan ni Andrew na malungkot para sa sundalo. Oo, walang pagbabago kung mamamatay ang sundalo na iyon, pero habang buhay pa siya, DOON siya nagdulot ng pagbabago. Ibinuwis niya ang kanyang buhay para protektahan ang mga bagay na importante sa kanya: ang DAEVA, at ang kanyang mga kapatid na sundalo.

Zombie Apocalypse - 2012Where stories live. Discover now