Zombie Survival sneak peek!

2.2K 60 11
                                    

I MIGHT post Zombie Survival kapag umabot na ng 20K reads ang Zombie Apocalypse =) Natatalo kasi ang ZA sa isa ko pang storya eh OnHold na yun hahaha kaya goal ko paabutin muna ng 20K ang ZomApo =D

Zombie Survival - Teaser

Day 6 of Year 0

7:46 pm, NLEX going to Manila

Anim na araw na... anim na araw na ang nakalilipas pagkatapos mangyari ang isang pangyayari na yumanig ng buong bansa - hindi, ng buong sangkatauhan - na babago sa buhay ng lahat ng tao sa balat ng lupa.

Natatandaan ko pa... kagagaling ko lang sa school nun. Kaka enroll lang. Dapat, pagkatapos kong magenroll, sasakay na ako ng bus papunta sa pinsan kong nagaaral sa isang school malapit sa Recto. Fourth Year na ako dapat sa pasukan nun eh. Summer vacay kaya naman walang pasok. Yung pinsan ko, college boy kaya may pasok parin.

Nang biglang magflash sa news... isang news footage ng media. Nagtatakbuhan ang mga tao nun, at umuusok ang kapaligiran. Medyo pamilyar sa akin yung lugar... SM North?

Mukhang nakatago ang cameraman sa likuran ng kotse. Nagtatakbuhan ang ibang tao habang hinahabol naman sila ng iba. Yung ibang naabutan... kagat sa leeg, hatak ng ulo, tilamsik ng dugo. Natatandaan ko pa nun, pinapanood ko ang mga iyon mula sa isang maliit na tv sa sari sari store sa Baliuag, Bulacan. Pagkatapos kong mapanood ang mga bagay na iyon, nagsuka ako sa sidewalk. Suka ako ng suka dahil sa napanood ko. Lumabas pa tuloy si Manang para kamustahin ako.

Nanlamig ang kamay ko. Parang... light headed ang pakiramdam ko. Nagsisitayuan ang balahibo ko sa batok at sa braso habang tinitingnan ko ang lalaking nasa kabilang side ng kalsada. Blangko lang ang tingin niya, parang tulala. Mukha siyang may sakit dahil parang namumutla siya ng konti tapos biglaang magiging pale yung complexion niya. Natapunan pa ata ng ketsup yung bandang balikat niya kasi may kulay pula doon.

Nagsimula na siyang maglakad, patawid ng kalsada papunta sa amin ni manang. Para siyang lasing kung maglakad. Muntik na siyang masagasaan ng isang Strada pero dire-diretso lang siya sa pagtawid sa parang lasing niyang lakad. Pa gewang gewang... nakatutok ang atensyon ko sa kanya pero parang mas lalong tumaas ang balahibo ko habang papalapit siya ng papalapit. Hindi ko alam kung bakit... pero hindi man alam ng utak ko, pero nagrereact na ang katawan ko: natatakot ako sa kanya. Ang dahilan? Hindi ko alam.

Napatingin ako sa maliit na tv ni manang. Nakatumba na yung camera, nakatagilid. May mga kulay red na likido ang tumalsik sa lens ng camera, at alam ko... patay na ang cameraman.

Nagsimula na akong umatras, papalayo sa sidewalk pero nakatingin parin dun sa lasing.

"Iho, ayos ka lang ba?" tanong ni Manang sa akin. Hindi ako sumasagot. Umaatras lang ako... desperadong maglagay ng distansya sa pagitan naming dalawa nung parang lasing.

"Iho?" at nasa likuran na ni Manang ang lasing. Hinawakan nito ang balikat ni manang at napalingon naman ito sa lasing. Biglaan na lang ang mga pangyayari: nag-snap yung ulo nung lasing papunta sa leeg ni manang at kinagat ito. Pagtaas ng ulo nung lasing, isang malaking chunk ng laman ni manang ang nasa bibig niya habang nakalambitin ang ulo ng matanda gamit ang manipis na balat na natitira habang umaagos ang dugo mula sa leeg pababa sa dibdib nito.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong. Pero ayaw sumunod ng katawan ko. Nawawala ang boses ko. Nararamdaman kong nagvivibrate ang throat ko, desperadong sumigaw at humingi ng tulong, pero hindi talaga ako makasigaw.

Wala akong nagawa. Umikot ako, at tumakbo ako nang tumakbo papalayo sa lugar na iyon.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

TEASER lang kaya maikli lang yan! Hahaha

Here are some quirks about the ZOMBIE universe:

-Yung exact moment na matatapos ang Zombie Apocalypse, ay mafe-feature sa around Chapters 7-9 ng Zombie Survival. That's because that exact moment ay yung moment in time kung saan nagiintersect na ang dalawang storya. Remember this!

-Plano kong magkaroon ng trilogy. Yes! After Zombie Survival, baka one more final book pa ang susubaybayan ng mga fans ng series!

-Someone is going to die. Expect it. Kung hindi sa finale ng ZA, expect it to happen sa ZS. Major character.

-May nagcomment dati, hula niya Zombie daw si George. Nope. Hindi po magiging zombie si george. Why? Kapag naging Zombie si George, hindi na ito Zombie Apocalypse. Magiging Resident Evil na to. Hahaha =D

-Naipost ko na ang unang dalawa ng type ng Necrodeus, ang Taurus type at ang Pisces type. Nakita niyo na ang Taurus type: yun yung tumutugis kay Andrew sa presinto kung saan iniligtas siya ni Rose (at doon sila nagkita for the first time! Remember the spiderweb crack sa bintana moment?) pero mahinang version pa yun. Yung Pisces type naman, yun yung denscribe ko as singkit na zombie na lumalabas sa ilog pasig nung pagbalik nila sa Malacanang.

-Feel free to guess the remaining Necrodeus types! Madami pa yan! Hint: Some of you might expect 10 more, kasi naipost ko na yung dalawa (See their names? 12 lang ang Zodiac) Nope. Hindi lang po 12 ang ZOMBIEs. *Hint*Hint*

Feel free to comment! Ano sa tingin niyo? Boring ba? Needs improvement? Feel free to comment! Remember: 20K for ZomApo =) I'll update soon para madami kayong mabasa para mabilis yung 20K =)

Zombie Apocalypse - 2012Where stories live. Discover now