Chapter 10: Goodbye To The DEAD

3.1K 86 44
                                    

Eto naaa... hope you'll like my update! Bwahahaha!

Chapter 10: Goodbye To The DEAD

Nagmadaling ayusin ng mga staff ng DAEVA ang mga helicopter na gagamitin para ipanghatid kila Andrew. Tatlong helicopter ang gagamitin total: Isa para kay Nina, Andrew, at Zack. Kay Andrew makikisabay ang bata na napulot niya, na ang pangalan pala ay Sachi.

May dugong hapon si Sachi, pero nahiwalay siya sa mga magulang niya nang magsimula ang Zombie Apocalypse. Napulot siya ng mga pulis at dinala panandalian sa presinto habang hinahanap ang kanyang mga magulang. Ihahatid ni Andrew si Sachi sa kanyang bahay pagkatapos niyang pumunta sa sarili niyang tahanan.

Patakbong sumakay ang magkakaibigan sa sarili nilang mga helicopter.

"So... goodbye na?" tanong ni Nina.

"Anong goodbye? Uuwi lang naman tayo ah..." sabi ni Zack.

"Hindi yun ang tinutukoy ko! Eto oh.." tapos ngumuso siya sa direksyon ni Andrew tapos itinuro ang nguso sa direction ni Rose.

"Hay nako..." tapospinat na lang ni Zack ang balikat ng nobya. "Wag kang magexpect masyado diyan kay Andrew. Hindi umaaksyon yan. Kasing boring ng carbonara mo ang lovelife ng besprend ko."

"Ganun?! Boring nga." tapos sumakay na lang sila sa kanilang mga helicopter.

Inalalayan naman ni Andrew si Sachi pasakay ng helicopter.

"Kuya. Weeee." sabi ni Sachi habang binubuhat ng kanyang Kuya Andrew pasakay ng helicopter. Nawe-weirdohan si Andrew sa bata dahil parang bored na bored ito magsalita pero halatang masaya naman.

"Wag malikot..." habang sini-seatbelt ang bata. Tumabi siya dito at sinieatbelt ang sarili bago isara ang pintuan ng helicopter. Natanaw niya sa isang terrace ng Malacanang si Rose at nakatinign sa kanilang mga helicopter.

Bumilis na ang ikot ng mga motor ng mga helicopter at nagsimula na ang kanilang lift off. Tumaas sila ng tumaas. Bago sila makaalis, nakita nilang lahat na kinakawayan sila ni Rose, at kumaway din sila.

Dumating si Nina sa kanyang bahay sa loob ng ilang minuto. Walang paglalandingan kaya naman nagrappel sila pababa ng helicopter. Naka standby lang ang helicopter, naghohover sa taas ng bahay nila Nina.

"Sasamahan po namin kayo hanggang sa loob ng bahay ninyo." sabi sa kanya ng isang sundalo. Tumango na lang siya, nagpapasalamat dahil pakiramdam niya ligtas siya kasama ang mga sundalo.

Binuksan nila ang pintuan, at natagpuang walang tao sa loob. Pumasok ang ilang sundalo na armado.

"Clear!" sabi ng isa.

"Clear." sabi ng sundalong nagpunta sa kusina.

"Ma'am wala na pong tao sa loob." sabi sa kanya ng parang team leader.

"Ha?" tapos pumasok na si NIna sa loob ng bahay nila.

Tama nga ang sinabi ng mga sundalo. Wala na talagang tao sa loob ng bahay nila. Chineck niya lahat ng kwarto. Wala.

"Ma'am..." sabi ng isang sundalo. Lumingon siya, at nakitang may hawak na papel ito. "Nakita po namin na nakadikit sa ref."

Kinuha niya ang papel at binasa. "Nina, umalis na kami sa bahay dahil sa mga pangyayari. Maghahanap kami ng ligtas na lugar. Sorry kung hindi ka namin nahintay... love, mama."

Naiyak na lang siya. Umalis na ang kanyang pamilya, at hindi man lang siya nakuhang hintayin. Kung ang tahanan mo ay ang lugar kung nasaan ang pamilya mo, nasaan na nga ba ang tahanan ni Nina?

Zombie Apocalypse - 2012Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon