Chapter 15: One-on-DEAD

1.8K 36 11
                                    

Sino excited? HAHAHAHA Malapit na magconverge yung plot ng Zombie Apocalypse tsaka Zombie Survival! LOL Di ko naipost yung tambak na chapter ng Zombie Survival kasi Chapter 1 lang ang meron hahaha mabubulok lang dito kasi hindi ako masyadong naguupdate! I'm gonna post it na lang sometime before mag-finale ang Zombie Apocalypse =)

MAHABA TONG CHAPTER NA ITO KAYA ENJOYIN NIYO! HAHAHAHA

THANK YOU SA MGA NAGBABASA PARIN HANGGANG NGAYON! WALANG BIBITIW!

Chapter 15: One-on-DEAD

Naglakad dahan dahan si Andrew papalapit sa landing point ng apat na natitirang helicopter. Nakasakbit ang mabigat na Nodachi sa likuran niya, masama ang tingin niya sa lugar kung saan umaalingawngaw ang tunog ng labanan.

Nandun ang kalaban ko, isip ni Andrew habang hinuhugot ang Nodachi. Kumislap ang liwanag na nag-reflect mula sa makintab na patalim ng espada. Hinawakan niya ang handle ng Nodachi gamit ang isang back-hand grip, nang parang mayroon siyang hawak hawak na higanteng kutsilyo.

Nagsimula nang mag-climb ng altitude ang tatlong helicopter. Yung pang-apat, nakabukas pa ang pintuan. Sandali lang at nagsara na ang pintuan nito, at magca-climb na rin sana nang biglang dumating ang demonyong zombie. Tumatakbo na naman ito papunta sa helicopter, may intensyong banggain ito katulad ng ginawa sa helicopter ni Sachi.

“Sachi...” isip ni Andrew. Patuloy lang siya sa paglalakad. “Sachi...” bumilis ang paglalakad niya, pabilis ng pabilis hanggang maging takbo na ang lakad niya. “SACHIIIIIIII!!!” Hiyaw niya habang tumatakbo, parallel sa lupa ang blade ng Nodachi niya na dapat ay napakabigat pero para sa kanya, mas mabigat pa ang patay na katawan ni Sachi...

Ibinigay niya ang lahat niya at pa-sipa siyang tumalon. Itinulak niya ang kanyang katawan palayo sa lupa, at nagulat siya sa lakas ng talon niya. Tumalon na rin ang demonyong zombie, at sa gitna ng ere, ibinaon niya ang buong haba ng Nodachi sa tiyan ng zombie, ilang metro na lang ang layo mula sa helicopter.

“HAAAAAA!!!” sigaw niya habang bumabagsak silang dalawa. Naglanding sila, habang naka-apak si Andrew sa zombie. Hinatak niya pabalik ang Nodachi, at nagmamadaling umatras, nakaharap parin sa zombie.

Nagsimula nang tumayo ang zombie na may sungay. Sumugod ito kay Andrew, pero sa huling segundo, nag-side step si Andrew. Sa isang flick ng wrist niya, humiwa ang mahabang blade ng Nodachi mula sa kanang baywang hanggang sa kaliwang balikat ng zombie.

Nangyari na ito sa kanya dati: para bang nags-slow motion ang buong mundo at nakikita niya lahat ng galaw ng kalaban. Kahit maliit na muscle contraction lang, nakikita niya at alam niya kaagad kung saan pupunta ang kalaban. Naaalala niya, nangyayari ito tuwing nagre-reload siya ng bala at bumabaril ng sunod sunod sa zombie.

Isang sipa, at nakapag lagay siya ng layo ng tatlong metro sa pagitan niya at ng kalaban niya. Nakatutok parin ang espada sa zombie, nag-lakad siya paikot dito. Kitang kita niya ang nagwawalang mga mata ng zombie: pulang pula at gustong pumatay. Nag-focus bigla ang mga mata niya sa binti ng zombie. Nagcontract ang muscle nito sa kaliwang binti at naka-turo ang tuhod sa kaliwa. Sinasapo naman ng kaliwang binti ang bigat ng buong katawan ng zombie.

Zombie Apocalypse - 2012Where stories live. Discover now