Chapter 7: DEAD On The Street (2nd Part)

3K 89 19
                                    

Weeeee nakakatuwa naman! Isang araw lang ako nawala ang dami nang nag-add kaagad ng mga story ko sa reading list nila! Weeee! Maraming maraming salamat!

Plug ko lang yung ibang works ko: Mafia Boss Lover atsaka My Girlfriend Is A Vampire!

Chapter 7: DEAD On The Street

Nagisip si Andrew ng plano. "Come on Andrew! Paganahin mo utak mo, kundi patay kayo!" sabi niya sa sarili. Napaisip siya: Siya ang nakadiskubre kung paano pumatay ng zombie. Kaya niya to...

Inobserba niya ang zombie. Malaki ito, at kahit zombie na, matibay parin ang laman. Sobrang tibay, kaya niyang hindi maapektuhan ng mga bala ng sniper rifle.

Inimagine bigla ni Andrew ang isang bungo ng isang tao. Iisa - rather, dadalawa - lang ang butas na pwedeng pasukan sa isang bungo, maliban sa bibig...

"Sa mata..." napabulong si Andrew sa sarili, pero narinig ito ni Rose. Kaagad insainta ni Rose ang kanang mata ng napaka-laking zombie at kinalabit ang trigger. Sumabog ang buong mata ng zombie at umulan ang dugo sa aspalto sa harapan nina Andrew.

"Galing mo ah..." sabi ni Rose sa kanya.

"Med student eh. Kailangan kabisado ko yan..." sabi ni Andrew, pero naka-smirk na siya ngayon.

"Wag masyadong confident. Buhay parin yan..." sabi ni Rose at pinasabog ang kaliwang mata ng zombie. "Bwisit! Ayaw mamatay!" tinadtad ni Rose ng bala ang mga mata ng zombie sa sobrang inis. Humihiyaw lang ang zombie sa naramdaman.

"Nasasaktan parin siya..." observe ni Andrew.

"Siguro nga, pero hindi ito ang oras para magaral. Kapag nagpatuloy to, maattract lahat ng zombie sa lokasyon natin..." paliwanag ni Rose.

Nainis si Andrew, pero hindi kay Rose. Naiinis siya sa sarili niya. Wala siyang magawa. Wala siyang maitulong. Idagdag mo pa ang nararamdaman niya na insecurity kay Rose... napasuntok na lang siya sa aspalto.

Biglang umapak ng malakas ang malaking zombie. Yumanig ang lupa at napaupo si Rose. Nabitawan niya ang sniper rifle. Umalulong na naman ang higanteng zombie. Sa sobrang lakas ng ungol, kita na ni Andrew ang ngala-ngala nito. Naalala niya tuloy ang mga pelikula na pinapanood niya dati, kung saan nagsusuicide ang mga tao gamit ang pagsubo ng baril atsaka ipuputok ito.

Isusubo ang baril at ipuputok ito...

"Sorry, pero pahiram muna..." sabi ni Andrew sabay hablot sa sniper.

"Hoy, akin yan!" sigaw ni Rose. Tumakbo siya papasok ng gusali at umakyat sa ikaapat na palapag. Hinabol siya ni Rose.

"Ano ba gagawin mo?!" habol ni Rose sa kanya, pero hindi niya pinansin.

"Hoy!" sabi ni Rose. "WAAAAAAAG!!" sigaw ni Rose habang lumundag si Andrew mula sa ikaapat na palapag, diretso papasok sa bibig ng higanteng zombie. Nilamon si Andrew sa isang lunok.

"Andrew!" sigaw ni Rose. "Waaaaaaaaaaahhh!!" sigaw ni Rose habang hinuhugot ang dalawang baril na nakasabit sa kanyang balakang. Pinaulanan niya ng bala ang zombie pero walang nangyayari. Bumaba na lang siya.

Nagpipigil ng luha, nagulat na lang siya ngpagbaba niya ng biglang umulan ng dugo pagkatapos nilang makarinig ng isang malakas na putok ng baril. Napatingin sila sa higanteng zombie, at bumagsak na ito.

"Ano nangyari...?" tanong ni sergeant Dela Cruz sa kanya.

"Si Andrew..." sagot ni Rose, at nakita nilang gumagapang palabas ng bibig ng zombie si Andrew, basang basa ng laway at dugo.

"Kadiri...pweh!" sabi ni Andrew habang tumatayo. Lumapit sa kanya si Rose. Akala niya yayakapin siya nito, pero biglaan siyang sinalubong ng sapak nito.

"Para yan sa pagkuha ng sniper ko ng hindi pa ako pumapayag..."sabi ni Rose at pinulot ang sniper niya na nababalot ng laway.

Pinat naman ni sergeant Dela Cruz ang balikat ni Andrew. "Ingat ka, wag kang lulunok ng laway o dugo ng mga yan."

"Yeah, alam ko." sabi ni Ands sabay ngiti.

"May problema tayo..." sabi ni Rose.

"Na naman?!" magtatanong na sana si Andrew ng maranig niya... ang mga ungol ng mga libo libong mga zombie na papalapit sa kanila.

"Shet naman oh!" sabi ni Andrew. Binilang niya ang mga bala. "Rose, may extra ka pa?" napailing na lang ang dalaga.

"Oh shet..."  sabi ni Andrew. "Patay..."

"Oo, patay. Ang tanong, sino? Sila, o tayo?"

Zombie Apocalypse - 2012Where stories live. Discover now