Chapter 13: The New Kind Of DEAD

2.1K 84 30
                                    

Napansin ko lang: In Chapter 10 (I think, or Chapter 11 ata?) tinawag kong Zodiac Original Biological/Mythological Entity, tapos sa 12 naman, natanggal na yung Original tapos yung letter O pagkatapos ng Zodiac ang naging O sa ZOMBIE. Pinalitan ko na yung nasa chapter 10/11 para maging uniform na yung term na walang "Original".

Yun lang. Warning: This chapter is highly reminiscent of a certain anime. It's supposed to be that way kasi yun yung naginspire sa chapter na to =)

Chapter 13: The New Kind Of DEAD

Kumislap bigla ang mga monitor na nakapalibot kay Andrew. Napalundag siya patalikod dahil nagsimula mag-spark ng kuryente ang mga basag na LCD. Isang segundo lang, nagbabasa siya ng database, at sa susunod, lumitaw na ang message na corrupted na daw ang database. Biglaang sumabog ang mga computer pagkatapos noon.

Masama to... Isip ni Andrew. Nagmamadali siyang lumabas. Naalala niya: yung napanood nila ni Rose sa monitor na mga zombie na lumalabas sa tubig, at yung zombie na sumugod sa kanya habang nasa presinto... iyon na pala ang simula. Ngayong alam na niya ang tungkol sa mga malalakas na zombie, wini-wish niya na sana pala, hindi na lang niya nabasa ang nakalagay sa monitor kanina. Ignorance Is Bliss kumbaga. Mas sasaya ka sa mga bagay na mas mabuting hindi mo na lang sana nalaman.

 "Rose!" sigaw ni Andrew paglabas niya ng likuran ng Malacanang. Nagkalat ang mga sundalo ng DAEVA sa courtyard ng palasyo habang nakikipaglaban sa mga zombie. Nakakalaban sila pero madali din naging manipis ang bilang ng mga sundalo.

"AHHHHH!!! TULUNGAN MO KO!!! TULUNGAN MO KO!!!" rinig ni Andrew. Tumingin siya sa kanan niya at nakita niya ang isang sundalo na hinahatak papalapit sa tubig ng isang zombie. Hinahatak na siya ng isang Pisces type papalapit sa pampang ng ilog pasig. Bigla niyang hinablot ang paa ng kanyang kasamang sundalo.

"TULUNGAN MO KO!! HILAHIN MO KO PABALIK!!! WAG MO KONG PABAYAAN DITO!!!" pagmamakaawa niya habang kagat kagat ng Pisces type ang kanyang kanang hita. Takot na takot naman ang sundalo na pinagmamakaawaan niya. Akala ni Andrew na tutulungan siya ng kapwa niyang sundalo, pero imbis, itinutok nito ang kanyang assault rifle sa ulo- bang! Pinabaon niya sa bungo ng kasamahan ang kanyang bala para lang bitiwan siya nito.

Kahit saan tumngin si Andrew, nagtatrayduran na ang mga noong nagtuturingang magkakampi. Ang mga sundalo ay itinutulak ang mga kapwa sundalo papunta sa mga kaaway para lang mailigtas ang kanilang mga sarili. Ang mga nagturingang magkapatid sa military academy ay naguunahang traydurin ang isa't isa, dahil sa ganitong sitwasyon, hindi mo na malalaman kung sino ang kaibigan at sino ang traydor. Ang kaibigan mo kanina ay pwedeng itutok ang kanyang baril sa likod ng ulo mo kung ibig sabihin nito ay hindi siya mamamatay.

Bakit ganun? tanong ni Andrew sa sarili niya. Hindi ba dapat ngayon tayo nagtutulungan? Bakit ngayon pa ninyo tatraydurin ang mga kasamahan niyo?!

Tumingin si Andrew sa paligid niya. Hindi lang basta basta zombie ang pumapatay sa mga tao. Mas masaklap, kapwa nila tao ang pumapatay sa kanila. Habang pinapanood ni Andrew ang mga nangyayari, nakaramdam siya ng kawalan sa pinaka-loob ng kaluluwa niya. Wala na silang pagasang manalo, kung ang mga taong kayang lumaban sa mga zombie ay tinatraydor ang isa't isa.

Unti-unti, nawawala na ang lakas ng loob niyang lumaban. Ang tanging bagay na nagpapatakbo sa kanyang katawan - ang pagasa na pwede pang mabalik sa dati ang lahat - ay unti-unting nada-drain palabas ng kanyang katawan. Ang stress na pilit nilalabanan ni Andrew simula pa nung pinaka-unang araw kung saan nasa ospital pa sila... pakiramdam niya nadudurog na siya sa ilalim ng pwersa nito. Bata lamang siya. Isang teenager. Pero ang mga pinagdaanan niya, ay lubos na mas mahirap kumpara sa pinagdaanan ng karamihan.

Napabitaw si Andrew sa kanyang baril. Nanghina ang kanyang mga tuhod at napaluhod siya sa damuhan. Papalapit na ang mga zombie, pero wala na siyang lakas ng loob na lumaban. Kahit naman ano ang gawin niya, hindi parin siya ligtas. Hindi man siya mapatay ng zombie, mapapatay naman siya ng mga nagtataksil na sundalo.

Malapit na ang mga zombie sa kanya nang biglaang umulan ang bala mula sa langit. Nagmamadali siyang nagtago gamit ang isang bato na nakalagay sa landscape ng yard ng palasyo.

Napaka-lakas ng tibok ng puso ni Andrew dahil sa mga pangyayari: muntikan na siya dun. Kung na delay lang ng konti ang paglundag niya, isa na siguro siya sa mga hindi makilalang kumpol ng laman ng tao na nagmistulang giniling sa sobrang daming bala na bumaon sa katawan nila. Isinugal niya ang isang tingin, at nakitang si George pala ang nagpaulan ng bala gamit ang isang gatling gun na naka-kabit sa isang helicopter.

"Ang mga traydor..." sabi niya gamit ang isang malakas pero hindi humihiyaw na tinig na, isang himala, maririnig parin kahit ang lakas ng tunog ng motor ng helicopter. "... ay walang karapatang mabuhay." pagtatapos niya.

Nag-hover pababa ang helicopter at lumundag palabas si George. Gamit ang kanyang malakas na boses, nagsimulang magsalita si George gamit ang salitang inggles sa kanyang mga sundalo, na hindi lahat ay Pilipino. Ang iba ay nanggaling pa sa ibang bansa, na ipinrovide ng United Nations at World Health Organization bilang tulong sa adhikain ng DAEVA.

"In times of panic and chaos, there is no patriotism. There is no justice. There is no equality." sabi niya habang nakatinigin sa mga sundalo gamit ang isang titig na punong puno ng resolusyon. "The strong will dominate the weak; they will not protect them. People will panic, and they will put their safety first before anyone else's. They won't care about saving anyone except themselves. Hypocrites will have no place, because everyone will show their true colors."

Nakatingin parin ng matindi sa mga sundalo niya, nagpatuloy si George sa pagsasalita. "Humanity's destruction begins now! Peaceful days are over! We HAVE to SURVIVE! Humans will be annhilated if we don't unite! Our destruction begins now, but we hold the power to stop it! Life is not worth living if all you care about is yourself! All of you who stand here now, listen to me! Your lives... it's not the only thing you're shouldering! Now... you're shouldering the hopes and dreams of all the people who have died! It's your responsibility to fulfill what they gave up their lives for!"

Sa hindi inaasahang pagkakataon, tumingin si George diretso sa mga mata ni Andrew. "Simula ngayon, hindi lang sa iyo ang buhay mo. Responsibilidad mo na rin ang buhay at pangarap ng mga taong namatay para lang maging ligtas ka. Wala kang karapatang isuko ang isang bagay na hindi sa iyo lamang. Tumayo ka dyan, hindi pa tapos ang laban natin. Pulutin mo ang baril mo at gamitin mo ang mga bala nito para gumawa ng daan tungo sa isang panibagong umaga."

Natauhan si Andrew sa mga bagay na sinabi ni George. Tama... hindi naman siya makakaabot ng ganito kalayo kung hindi dahil sa mga taong tumulong sa kanya para mabuhay siya. Pinulot niya ang kanyang baril at dalawang kataga lamang ang lumabas sa kanyang bibig.

"Laban na." at hinatak niya pabalik ang hammer ng rebolber niya.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry kung bitin. Feel free to say kung pangit ba or ano yung chapter. Hindi naman ako katulad nung ibang author na kunyari manghihingi ng critique tapos kapag binigyan mo naman ng critique eh magagalit. Ha! Hypocrites!

LOL. I was ranting there. Anyways, feel free to comment!

-Lemuel

Zombie Apocalypse - 2012Where stories live. Discover now