Chapter 16 : The DEAD Rose

2.3K 71 49
                                    

Guys! Sorry kung pangit spacing. Hindi ko kasi alam kung paano ang spacing ng Wattpad kapag copy paste galing MS Word eh. Tsaka ko na lang yan aayusin =)

Please VOTE and COMMENT =) Hahaha Mas nakakagana mag-update kapag madaming comments eh =)

Chapter 16: The DEAD Rose

Nagmamadaling tumakbo si Andrew papunta sa tabi ni Rose. Binitawan niya ang Nodachi, at niyakap ang malamig na katawan ni Rose. Niyakap niya ang ulo nito, at ibinaon ang mukha sa buhok ng dalaga. Dumaloy nang malaya ang mga luha ni Andrew. Wala siyang kayang protektahan. Durog na durog na siya. Lahat na lang nang taong importante sa kanya, nawawala.

“Rose...” bulong niya sa tenga ng dalaga, na para bang gigising ito kapag narinig niyang sinambit ang pangalan niya. “Ro---se...” sinabi niya nang mahaba ang panagalan, gamit ang isang boses na mahina at nagmamakaawa.

Nagland ang isang helicopter malapit sa kanila. Hindi niya magawang itaas ang ulo niya, dahil alam niya kung sino ang manggagaling sa helicopter na iyon. Narinig niya ang tunog ng leather shoes na umaapak sa lupa, at mas lalo niyang hinigpitan ang hawak kay Rose. Kailangan niya si Rose, dahil kapag bumitaw siya sa kanya pakiramdam niya tuluyan nang mawawala ang katinuan niya.

“Andrew.” Sabi ng isang kalmadong George. Alam niya kung ano ang gusto niyang gawin ni George. Gusto niyang bitawan ni Andrew si Rose. Umiling lang si Andrew. Ayaw niyang bitawan si Rose.

“Andrew, bitawan mo ang anak ko.” Umiling lang ulit si Andrew, at mas lalong hinigpitan ang yakap.

“Andrew, let go of my daughter, you stupid child, bago mahuli ang lahat.” Sabi niya habang naglalabas ng isang vial mula sa front pocket niya. Isang vial ng kulay yellow na likido.

“Ichor...” sabi ni Andrew. Kumunot ang noo ni Andrew. Napabitaw siya kay Rose at tumayo.

Tsaka niya sinuntok, sa gitna ng pisngi, ang ama ng babaeng niyayakap niya.

“ANO GUSTO MONG GAWIN KAY ROSE?! BABABUYIN MO ANG PAGKATAO NIYA?!” galit na galit na sigaw ni Andrew sa ama ni Rose.

Na-regain naman ni George ang composure niya. Tumango lang ito, at pumikit... at biglang nagpalipad ng isang malakas na suntok sa mukha ni Andrew. Hindi kontrolado ni Andrew, pero nag-dilate ang pupil ng mata niya, at bumagal ang buong mundo. Naiwasan niya ang suntok, pero may isa pang suntok si George na ipinatama niya sa tiyan ng binata.

Napabaluktot ang binata sa sakit. “Tama nga ang hinala ko...” sabi niya. “Masyado kang nagfocus, at hindi mo naiwasan ang isang bagay na hindi mo naman nakikita.” pagpapatuloy ni George. “Alamin mo ang limits na kakayahan mo, kundi masasayang ng kahinaan mo ang bagay na ikalalakas mo.”

Ginamit ni George ang built-in syringe nung vial para i-inject sa kanyang anak ang Ichor. “HINDI!!!!” sigaw ni Andrew, pero iniwasan lang ni George ang suntok niya, kinuha ang kamay niya, at ibinaon sa braso niya ang karayom ng vial. May pinindot siyang button dun sa high-tech na vial, at sinipsip nito ang dugo ni Andrew. “Aray!”

Zombie Apocalypse - 2012Место, где живут истории. Откройте их для себя