Chapter 7: DEAD On The Street (1st Part)

3.3K 103 24
                                    

Nakapagupdate na din! Bwahahahaha!

Long weekend na! Subukan ko mag update marathon sa lahat ng mga storya ko hahahaha!

Chapter 7: DEAD On The Street

Nakalabas na si Rose at tumitingin tingin na sa paligid habang palakad pa lang sa entrada ng gusali sina Andrew.

“Ang bilis naman niya maglakad...” sabi ni Andrew sa sarili.

“Hindi siya mabilis, mabagal lang talaga tayo maglakad,” natawang sabi ng sergeant habang napatingin sa mga sugatang kasama. “Napuruhan talaga tayo sa laban kanina. Ang dami sa atin ang sugatan...” malungkot nasabi ng sergeant.

“Sandali na lang, Sarge, makakapagpahinga na tayo. Bilisan na lang natin ang lakad ng konti para magamot na sila kaagad.” Sabi ni Andrew. Nginitian na lang siya ng sergeant at nagpatuloy sa paglalakad papalapit kay Rose.

“Bagtasin lang natin ang Claro M. Recto Avenue, mararating na natin yung midpoint. Sa midpoint tayo susunduin ng mga tiga-DAEVA. Until then, be on guard. Hindi nagpapahinga ang mga zombie.” Sabi sa kanila ni Rose.

Maingat na inihanda ni Andrew ang kanyang baril. Kailangan nakahanda siya, in-case na kailangan niyang makipaglaban ng short notice. Napansin ni Andrew. 6 na bala na lang ang natitira niya, at iyon ay naka-karga na sa kanyang revolver.

“Leche, nawalan pa ata ako ng bala habang nakikipaglaban dun sa higanteng zombie...” sabi niya sa sarili. Napalingon naman sa kanya si Rose.

“May problema ba?” tanong sa kanya nito. Agad agad, nakaramdam ng intimidation si Andrew. Nanliliit siya sa titig ng babae.

“A-ah wala...ano kase...ubos na ata ang bala ko...” nahihiyang sabi ni Andrew.

“.25, .30  o .45?” tanong ni Rose sa kanya. Ilang segundo ang lumipas bago niya marealize na tinatanong na pala siya ni Rose tungkol sa calibre ng baril niya.

“P-point thirty...” tipid niyang sagot. Mabilis namang ipinatong ni Rose ang kanyang paa sa isang malaking box ng kahoy sa kalsada at hinatak ang slacks pataas. Nasulyapan pa ni Andrew ang konting hita ni Rose, pero ang kumuha ng atensyon niya talaga ay ang mga magazines ng baril na naka-strap sa hita ng dalaga.

Naghagis ng isang magazine si Rose papunta sa direksyon niya. Nagmamadali, sinapo naman niya ito. “Hingi ka lang sa akin kapag ubos na...” sabi ni Rose at naglakad papalayo. Tinanggal naman ni Andrew ang mga bala sa loob ng magazine at inilagay sa front pocket ng damit niya.

Hindi nagtagal, nakakita na sila ng mga zombie. Sumenyas si Rose para tumigil ang lahat sa paglalakad at nagtago siya sa likod ng isang street corner. Sumunod naman si Andrew.

“Kaya naman pala eh...” bulong ni Rose sa sarili. Dumungaw din si Andrew, at nakita nila ang mga zombie na inaatake ang ilang mga tao.

“Iligtas natin sila.” Sabi ni Andrew kay Rose. Nilingon naman siya ng dalaga at umiling. “Wag na. Aksaya lang ng panahon. Magdedelikado pa tayo.” At nagalakad palayo. “Hahanap tayo ng ibang daan. Iikutan natin ang mga zombie habang distracted sila sa mga kinakain nilang tao.”

Zombie Apocalypse - 2012Where stories live. Discover now