CHAPTER 10:THE ANNOUNCEMENT

6.3K 319 0
                                    

Chapter 10:The announcement

Daisy POV

Nagulat ako sa laman ng  liham dahil ayon sa sulat may nais na inanusyo si ama sa isang malaking pagtitipon. Pero hindi ako nakakatiyak kong ano iyon.

Ang nakapagtataka ayon sa sulat na  ay kinakailangan  kompleto ang buong angkan. Lubos akong nagtaka dahil hindi basta basta nagpapatawag si ama ng isang pagtitipon maliban na lang kong may sobrang importante syang sasabihin. Dahil kinakailangan pa itong sabihin sa harap ng buong angkan.

Dahil sa lalim ng aking pag iisip ay hindi ko namalayan  si Lucas ay nasa harapan ko pa rin.

"Lucas matanong ko lang. Alam ba ng aking pamilya ang mga nangyari?"

Umiling lamang sya kaya napabuntong hininga na lamang ako. Tulad ng aking inaasahan ay hindi alam ng aking pamilya ang nangyari.

Dahil pinigilan nilang makalabas ang balita na maaring makasira ng kanilang magandang reputasyon. Marami akong natutunan sa mundong ito katulad ng:

'Ang mga mahina ay laging pinaglalalaruan ng mga malalakas.'

Pinagmasdan ko ang buong  kaanyuan ni Lucas at napailing na lamang ako. Dahil alam kong hindi nya sasagutin ang lahat ng katanungan ko tungkol sa mga sugat nya.

Kaya agad na akong bumangon at agad naman akong inalalayan ni Lucas sa pagtayo. Pumunta ako sa banyo at kumuha ng malinis na bimpo.

At dahan dahan kong pinunasan ang mga natuyong dugo sa kanyang mukha. Nagulat naman sya sa ginawa ko pero hinayaan nya na lang ako sa aking ginagawa.

"Hay naku Lucas nakatulog lang ako ganito na ang itsura mo. Paano na kapag umalis na ako?"

"Aalis ka?"
Biglang  humigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko.

"Aray! Masakit Lucas"

"Patawad"

"May mahalaga kasing nais na ianunsyo si ama sa pagtitipon ng aming angkan" Hindi sya umimik at yumuko na lamang.

"Lucas pumunta ka na sa iyong silid at magpalit ng damit"

Pagkatapos ko iyon sabihin at agad na syang umalis. Dahan dahan akong naglakad papunta sa aparador para ayusin na ang mga dadalhin ko sa pagbalik sa among  mansion.

Lumipas ang dalawang araw ay lagi akong binabantayan ni Lucas at naging malapit na rin kami sa isa't isa.  

Gumising na ako ng maaga para makapaghanda sa byahe papunta sa pagbabalik ko sa aming mansion. Handa na ang lahat ng mga dadalhin ko.

Habang pababa sa hagdan  natanaw ko si Paragon. Ng makita nya agad syang ngumiti at lumapit sa akin.

"Ngayon na pa la ang alis mo. Pag pasensyahan mo na kung hindi ako nakadalaw sayo. Marami kasi akong inaasikaso nitong mga nagdaang araw"

"Wala ka dapat ihingi ng tawad naiintindihan ko naman"

"Buti naman kung ganoon. Hayaan mong na lang akong ihatid kita" At biglang kinuha ang maleta ko.

"Naku wa-"

Hindi na natuloy ang sasabihin ko ng bigla  na syang umalis papunta sa karwahe. Kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Lumingon lingon naman ako habang naglalakad.

"Miss Daisy hinahanap nyo po ba si Master Lucas?"

"Opo hinahanap ko po sya. Gusto ko sana makapagpaalam ng maayos sa kanya"

"Wala po sya ngayon dito. Umalis po ng maaga kanina"

"Ganon po ba, pakisabi na lang po sa kanya na umalis na po ako at magkikita po kami ulit sa susunod"

"Ipaabot ko po sa kanya ang iyong mensahe"

"Maraming salamat"

Ngumiti sya at  sumakay na ako sa karwahe.

"Maraming salamat Paragon sa pagtulong mo"

"Wala iyon dahil magkaibigan naman tayo. Mag ingat ka sa byahe Daisy"

Tinanguan ko sya at umandar na ang karwahe. Kinawayan ko sila sa huling pagkakataon. Habang nasa byahe hindi ko maiwasang isipin ang maaring mangyari pagdating ko sa mansyon.

'Ano kayang importanteng bagay ang nais sabihin ni ama?'








Reincarnated As One Of The Triplets VillainΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα