CHAPTER 12:THE ILLEGITIMATE BROTHER

6.2K 370 2
                                    

Chapter 12:The illegitimate brother

Daisy POV

Flashback

Kakatapos lang ng klase namin ni Catherine. Habang papauwi kami ay nakasimangot lang si Catherine.

"Catherine ano na naman ang problema mo at nakasimangot ka?"

"Kasi naman ang hirap ng route ni Ace"

"Sino naman si Ace?"

"Sya yung nakakabatang kapatid ng triplets villain"

"Ano namang pinoproblema mo tungkol doon?"

"Ang hirap kasing makuha ang happy ending sa route nya."  mas lalong humaba ang nguso nya

"Hay naku! Para ka talagang bata. Ano bang ending ang nakukuha mo?"

"Eh kasi naman lagi kasi nyang pinapatay ang heroine at pagkatapos papatayin nya ang mga kapatid nyang nagpahirap sa kanya. Revengeful kasi ang karakter nya. Ang lahat ng mga umapi sa kanya pinahihirapan nya"

End of the flashback

Tumingin ako ulit sa kanya. Hindi pa naman siguro nangyayari ang pang aapi sa kanya. Kaya  siguro mapipigilan ko pa ang karakter nya at matuturuan pang baguhin ang lahat.

Tinignan ko ang paligid at tinignan ang reaksyon ng mga tao. Pagkadismaya, pangmamaliit at marami pang sari saring negatibong emosyon. Ito siguro ang dahilan ng lahat.

Nakuha ko na ang sagot sa lahat ng aking katanungan. Ang dahilan ng pagtitipon, ang kalungkutan ni Ina at ang pananahimik na aking mga kapatid.

Ito ang dahilan ng lahat na maaring maging masamang katapusan naming magkakapatif. Dahil si Ace ay isang...

'Illegitimate child'

Pagkatapos ng kasiyahan umuwi na ang lahat ng mga bisita. Pero kami ay na natiling tahimik na  nakaupo sa sofa kasama na si Ace.

Tahimik ang lahat at walang balak gumawa ng kahit anong ingay. Napatingin ako kay Ina hawak hawak ang kanyang panyo at namamaga ang kanyang mga mata.

"Alan kong nalulungkot kayo dahil dito pero sana maintindihan nyo ako. Wala na ang Ina ni Ace kaya sya na lang mag isa. Kaya sana tang--" sabi ni ama pero hindi na sya pinatapos ni  Rose.

"Pero bakit pa nagawa mo ito kay Ina" sigaw nya na punong puno ng pagkadismaya.

"Rose tumigil ka wala kang karapatan na sigawan ang sarili mong Ama. Tandaan mo na Ama mo pa rin ako!!"

Pagkatapos sumigaw si Ama ay tumakbo na si Rose papunta sa kanyang kwarto. Pero bago sya umalis tinitigan nya ng masama si Ace. Agad rin sumunod si  Lavander.

"Hindi pa ako tapos bumalik kayo dito!!"

Pero kahit anong sigaw ni Ama ay hindi sumunod si Ate Rose at Lavander.

"Tumigil ka na Rafael!! Nasaktan mo na kami ng mga anak mo dahil sa pagtataksil mo!!"

Pagkatapos sabihin iyon ni Ina ay agad syang umalis at pabagsak na sinara ang pinto.

Kaya agad napaupo si Ama at hinawakan ang kanyang sintido. Habang si Ace ay tahimik lang nakayuko. Alam kong nahihirapan din sya sa mga nangyayari. 

Kaming tatlo na lang nanatiling nakaupo. Maya maya tumingin sa akin si Ama.

"Daisy kamusta na ang pagiging apprentice mo sa mansyon ng mga Diamond"

"Mabuti naman po ang lahat at mabait naman po sila sa akin"

Alam kong sinusubukan lang ni Ama na pagaanin ang sitwasyon. Kaya agad ko syang nilapitan at hinimas ang kanyang likod.

"Magiging ayos din po ang lahat"

Agad syang lumingon sa akin at agad ko syang nginitian. Naging maaliwalas ang mukha nya pagkatapos kong sabihin iyon.

"Salamat at naiintindihan mo ako. Hindi ko naman ginustong mangyari ang bagay na iyon. Nasa ilalim ako ng aphrodisiac ng mga oras na iyon. Pagkata--"

Mababakas ang lungkot sa boses nya  habang kinekwento nya ang mga nangyari. Alam namin kong gaano nya kamahal si Ina at hindi nya kayang basta bastang magtaksil kay Ina ng walang dahilan.

"Tama na po naiintindihan ko po kayo. At alam ko po  kung gaano nyo kamahal si Ina." At agad nya akong niyakap ng mahigpit.

"Maraming salamat Daisy sa pag unawa. Sana alagaan mo si Ace habang wala ako dito"

"Saan po kayo pupunta?"

"Aayusin ko ang lahat ng problema at pagbalik ko maayos na ang lahat. Maari bang sayo muna tumabi si Ace habang hindi pa handa ang kwarto nya"

"Wag po kayong mag alala. Aalagaan ko po sya."

Tinignan ko si Ace na piproseso pa rin ang mga sinabi ko. Dahan dahan akong naglakad sa harapan nya.

"Hi ako nga pa la si Daisy Ashley Garnet at kinagagalak kong makilala ka"

Pagkatapos kong sabihin iyon nilahad ko ang kamay ko sa kanya. Tinignan ko sya mukhang nag aalinlangan pa sya sa una pero agad nya pa ring itong tinangap.

'Ito ang unang hakbang para baguhin ang kapalaran ng hinaharap naming lahat'






Reincarnated As One Of The Triplets VillainKde žijí příběhy. Začni objevovat