CHAPTER 43:WHY???

1.7K 130 1
                                    

Chapter 43:Why???

Sinubukan namin nalapitan ang dalawang orasan pero may malakas na pwersa na pumigil sa amin para makalapit.

"Paano tayo makakalapit kung may nakaharang na barrier?"tanong ni Lucas sa amin.

"Nakalimutan nyo na bang may kasama kayong isang wizard"pagmamalaking sabi ni Chielsea.

"Oo nga pala may kakayahan ang mga wizard na sumira ng mga barrier" patango tangong sabi ni Ace.

"Kaya mo bang sirain ang dalawang barrier?"nagaalalang tanong ko sa kanya.

Hindi pa kasi mataas ang level ni Chielsea bilang isang wizard dahil nasa first year pa lang kami at tanging may matataas lang na level na wizard ang may kakayahang sumira ng barrier.

"Kaya kong sumira ng isang barrier isang beses sa isang araw dahil mahina pa ang aking kapangyarihan at wala pa ako sa mataas na antas ng pagiging wizard"pagpapaliwanag nya sa amin.

"Kung ganoon kailangan natin pumili ng isa mula sa dalawang orasan na nasa harapan natin"sabi ni Ace.

"Ganoon na nga pero alin ba sa dalawa ang hinahanap natin"tanong ko sa kanila habang tinitignan ng mabuti ang pagkakaiba ng dalawang orasan.

Ang dalawang orasan ay magkaiba dahil ang isa ay lumang luma na at napapalibutan ng mga lumot sa paligid nito.

Habang ang isa naman ay gawa sa ginto na kumikinang kapag nasisinagan ng liwanag.

"Sa palagay ko ang hinahanap natin ay ang lumang orasan na iyon dahil isa itong uri ng ancient object" sabi ni Lucas sa amin.

"Yun rin ang sa palagay ko dahil sigurado ako na luma na ang ancient clock na hinahanap natin"pagsasang ayon din ni Prince Nigel kay Lucas.

"Ano sa palagay nyo?"tanong ko sa kanila.

"Hindi ko masabi kung alin sa dalawa ang totoo o di kaya naman parehas totoo ang dalawa"opinyon ni Prince Royce.

"Maghanap muna tayo ng clue sa paligid baka may makita tayo na makakatulong sa atin"suhestyon ni Prince Nathan.

Sumang ayon kami at naghanap ng clue na makakapagturo sa amin ng kasagutan.

"May nahanap na kayo?"tanong ko sa kanila.

"Wala kaming nahanap na kahit ano na makakatulong sa atin maliban na lang sa mga ginto na nasa paligid"sagot ni Philip.

Napaupo na lang ako sa sahig para makapag isip ng mabuti kung ano ang  maari naming gawin.

Pinikit ko ang aking mga Mata at hinmas ang aking noo sa pag asang may maalala ako na makakatulong sa amin.

Napatayo ako ng may maalala ako na posibleng makatulong sa amin.

"Guys natatandaan nyo na ang sinabi sa atin ni Billy bago tayo makapasok dito na Hindi lahat ng mukhang totoo ay totoo at hindi lahat ng hindi totoo ay hindi totoo" sabi ko sa kanila.

"Tama nga baka yan na ang kasagutan sa hinahanap natin"nakangiting sabi ni Prince Nathan.

Inisip ko ulit ang katagang sinabi sa amin ni Billy.

'Hindi lahat ng mukhang totoo ay totoo at hindi lahat ng hindi totoo ay hindi totoo'

Tinignan ko ulit ang dalawang orasan mukhang totoo ang lumang orasan habang mukhang peke ang gintong orasan.

Kung tama ang pagkakaintindi ko sa katagang iyon.

Reincarnated As One Of The Triplets VillainWhere stories live. Discover now