CHAPTER 50:THE GIRL WITH THE GOLDEN SHACKLES

1.5K 96 3
                                    

Chapter 50:The Girl With The Golden Shackles

Nahirapan akong maimulat ang aking mata dahil sa nararamdaman kong matinding pagkahilo.

Nang maimulat ko ang aking mata ay nasa isang lugar ako na napakadilim.

"Nasaan na ako?"

Susubukan ko sanang gumalaw ng maramdaman ko ang malamig na bagay na nasa dalawang braso ko.

Lumingon ako at tinitigan ito ng maigi pero hindi ko makita dahil sa sobrang dilim ng paligid.

"May nakakarinig ba sa akin?"

Nag antay ako ng ilang minuto pero walang sumasagot.

Sinubukan kong makaalis sa kinalalagyan ko pero kahit anong pilit ko hindi ako makawala.

Habang pinipilit kong makawala ay may nakita akong liwanag sa dikalayuan kaya naisipan kong magpanggap na hindi pa nagkakamalay.

Kinakabahan ako habang palapit ng palapit ang tunog ng yapak hanggang narinig ko ang pagtigil ng mga yapak.

Hindi ko napigilan na buksan ng kaunti ang talukap ng aking mata sa kagustuhan na malaman kung sino iyon.

Dahan dahan akong sumilip pero hindi ko inaasahan ang aking nakita na nasa harapan ko.

"Alam kong may malay ka na Daisy" sabi nya sa akin.

Kaya hindi na ako nagpanggap at minulat na ang aking mga mata at tinitigan sya ng diretso.

"Ano ang dahilan kung bakit mo ito nagawa sa amin?"agad na tanong ko sa kanya.

"Hindi ko maaring sabihin sa ngayon ang dahilan pero malalaman mo rin sa tamang oras" misteryosong syang ngumiti sa akin habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Hindi ko gugustuhin malaman ang dahilan sa pagtataksil mo"galit na sabi ko sa kanya.

"Ayaw mo malaman ang dahilan ng lahat ng ito. Kahit ang mga bagay na ito ay maaring may kinalaman sa inyo na mga taong galing sa ibang dimensyon"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"Paan-" may pagkagulat na tanong ko sa kanya pero agad nya rin pinutol ang sasabihin ko.

"Paano ko nalaman ang lahat ng iyon. Simple lang sabihin na lang natin na may koneksyon ito sa lahat ng nangyayari ngayon"

Mas lalo akong natulala sa sinabi nya habang paunti unti tumutulo ang mga luha ko.

"Ibig sabihin pinatay mo sila Gerald dahil lang galing sila sa ibang mundo!"galit na sigaw ko sa kanya.

"Parang ganoon na rin iyon. Ititigil ko na ang usapan natin dahil marami pa akong kailangang tapusin"

Tumayo na sya at nagpagpag ng sarili.

"Philip palitan mo ang kadena at siguraduhin mong magiging komportable sya sa kanyang selda"

Pagkatapos nyang pumalakpak ay agad ng lumitaw si Philip at agad na lumuhod sa harapan nya.

"Pati rin ikaw Philip"hindi makapaniwalang usal ko.

"Masusunod po"agad na sagot nya.

"Aalis na ako ikaw na ang bahala sa lahat at pagbalik ko makikita mo na silang lahat"agad na sabi nya.

Pinanood kong paunti unti maglaho si Paragon.

Agad na lumapit si Philip sa akin na walang bahid ng emosyon ang kanyang mga mata.

"Bakit kasama ka nya Philip?"tanong ko agad sa kanya.

"..."hindi sya nagsalita at patuloy na inayos ang aking kadena.

Reincarnated As One Of The Triplets VillainWhere stories live. Discover now