CHAPTER 52:THE TOWER

1.3K 84 4
                                    

Chapter 52:The Tower

Binitbit nila ako palabas ng aking selda.

Habang patuloy kami sa paglalakad may naririnig akong mga tinig na sumisigaw.

"Tulong!!"

"Tulungan nyo ako!"

"Parang awa nyo na palabasin nyo na kami"

Maraming mga boses ang maririnig na humihingi ng saklolo.

Yumuko lamang ako alam kong hindi ko sila matutulungan dahil kahit ang sarili ko ay hindi ko matulungan.

Huminto kami sa isang halal na pintuan habang may ginagalaw sila sa pintuan para mabuksan.

Nakayuko lang ako hanggang may makita akong isang selda na nakaagaw ng aking pansin dahil sa napakaaliwalas nitong paligid.

Para itong isang palasyo na nasa loob ng isang selda bukas ang pintuan ng selda.

Kaya kitang kita ang queens bed na nasa gitna na may puting mga unan at bedsheets.

Mayroon ring maliit na sofa at study table sa unang tingin isa itong kwarto at hindi isang selda.

Narinig ko ang pamilyar na kaluskos ng kadena.

Maya maya ay lumitaw ang pamilyar na gintong kadena kaya agad na umaliwalas ang aking mukha.

"Chielsea!"tawag ko sa kanya.

Lumingon sya kaagad sa akin at ngumiti.

"Anong ginagawa mo dyan?"kuryosidad nyang tanong sa akin at dahan dahan na lumapit sa akin.

Napalingon naman ako sa mga nakalutang na itim na anino na may mga spell pa na ginagawa para buksan ang pintuan.

Nang nakita kong hindi naman nila ako pinigilan na lumapit kay Chielsea.

"Masaya akong nakita kita ulit"maluha luha kung sabi sa kanya dahil hindi ko na alam kung ano na dapat ang maramdaman ko.

"Bakit umiiyak ka na naman?" nagaalala nyang tanong sa akin na parang bata.

Mas lalo naman akong naluha dahil sa kalagayan nya hindi ko alam kung isa bang spell ang ginamit sa kanya para maging ganyan sya.

"Wag ka ng umiyak sabi sa akin ni Paragon. Dapat palagi tayong nakangiti sa kahit ano mang oras para malabanan natin ang kalungkutan" pinaharap nya ako at hinawakan ang magkabila kong pisngi para pangitiin.

Napayuko na lang ako dahil hindi ko magawang ngumiti katulad ng gusto nya.

Naramdaman ko na lang ang paghawak sa braso ko ng malamig at malabutong kamay.

"Paalam" walang buhay kong bulong sa kanya.

Bago ako tuluyang hinila at pinapasok sa pintuan.

"Sandali ma-"

Huli kong narinig sa kanya bago magsara ang pintuan.

Pagkasara ng pintuan ay bumungad sa aking harapan ang magandang tanawin ng kagubatan.

Habang nakatingin ako sa kagubatan ay nakadama ako ng kaunting kaginhawaan.

Naglaho ang pintuan na nilabasan namin kanina.

Sa aking palagay ang daanan ay hindi makikita gamit lamang ang mga mata kinakailangan na marunong gumamit ng high class magic spell para makita ang lagusan.

Lumakad kami ng kaunti at tumigil.

Ikinumpas nila ang kanilang kamay at lumitaw ang malaking magic vortex.

Namangha naman ako sa pagpatong patong ng limang magic vortex na mayroong iba't ibang kulay.

Maya maya naglaho ang magic vortex at agad na lumitaw ang isang mataas na tore.

Bumukas agad ang pintuan ng tore at agad na bumungad sa amin ang ma habang hagdanan.

Ngayon ko lang napansin na hindi sila gumagamit ng mahika sa pagdala sa akin sa lugar na ito.

Napatingin ako ulit sa mga bato na nasa kadena na pumipigil sa akin sa paggamit ng kahit anong mahika.

Marahil kahit sila ay hindi maaring gumamit ng mahika para iteleport ako dahil sa kapangyarihan nitong mga bato.

Naglakad kami sa mahabang hagdan papunta sa ituktok ng tower.

Pagkarating namin sa itaas marami akong nakita na mga tao na nakasuot ng itim na cloak.

Hindi ko masabi kong babae o lalaki sila at sa gitna ay may malaking platform.

"Maligayang pagdating Daisy!"nakangiting bati sa akin ni Paragon habang si Philip ay nasa tabi nya.

Wala akong nababakas na emosyon sa kanyang mukha.

Walang takot,pagkalungkot,dismaya o tuwa.

Para lamang syang isang puppet na walang buhay at inihintay ang  utos ng kanyang master.

"Ilagay nyo na sya platform" agad na utos ni Paragon sa mga nakahawak sa akin.

Pinahiga nila ako sa ibabaw ng isang malaking bato at may apat n sulo sa paligid nito.

Habang sa ilalim ay may malakimg bilog at mga ancient letter na nasa malaking bato.

Habang kinakadena ang mga aking kamay at paa hindi ko napigilang magtanong.

"Paragon nasaan na sila at anong ginawa mo sa kanila??" sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Wag kang mag alala wala akong ginawa sa kanila."agad nyang sagot sa akin.

Nakahinga naman ako ng maluwag atleast nasa maayos silang kalagayan.

Gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko dahil hindi ko sila napahamak.

"Simulan na" utos nya.

Pumalibot sa akin ang lahat ng nakacloak na itim.

May mga salita silang binabanggit na hindi ko maintindihan pero agad na nagsindi ang apat na sulo.

Iba't iba ang kulay ng apat na sulo mayroong pula,asul,berde at puti.

Habang patagal ng patagal na nakaramdam ako ng kakaibang init na gustong lumabas sa aking katawan.

"Ahhh!!!" Malakas na sigaw ko.

Sinubukan kong makawala sa kadena pero wala pa ring silbi ang aking ginawa.

Hindi ko na matiis ang sakit ha bang patagal ng patagal pakiramdam ko na niluluto ako ng buhay.

"Iti..gil nyo...n..na"nahihirapan kong pakiusap sa kanila.

"Wag kang maginip nagsisimula pa lang ang lahat. Kailangan pa na makuha ang kapangyarihan na mayroon ka at ang life force na nakuha mo sa kabilang mundo."  nakangiting sabi nya sa akin.

Maya maya napalitan naman ng isang malaking bula ang aking paligid.

Naibsan ang sakit na nararamdaman ko dahil dito.

Nagsimula naman ako na muling kabahan ng paunti unti na napupuno ng tubig ang paligid hanggang maging tubing na ang aking paligid.

"Hindi ako...makahi...nga" nahihirapan kong pakiusap habanh patuloy na nauubusan ako ng hangin sa aking baga.

Paunti unti na akong nauubusan na ng hangin.

Alam ko na ito na siguro ang aking katapusan...

Marahil pinadala lamang ako dito para mamatay...

Ang pag asa na pinanghahawakan ko ay unti unti na nawawala kasabay ang  pagtulo ng huling patak ng aking luha...

Tanggap ko na ang aking kapalaran...

Booogsh!!!

•••
Thank you for reading!
Hope you continue to support this story until the end!
Please don't forget to vote and comment😍
6 more chapter to go!😣😏🤗





Reincarnated As One Of The Triplets VillainOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz