CHAPTER 32:THE BATTLE

4.2K 214 4
                                    

Chapter 32:The Battle

Habang patuloy kaming umaatake ay mas lalong lumalakas ang kalaban namin.

"Daisy mas lalo silang dumadami!" Sigaw ni Gerald habang patuloy na ginagamit ang kapangyarihan nya para makalapit at patamaan ang kalaban

"Napansin ko din bawat pagtama ng atake natin ay mas lalo silang dumadami" sabi rin ni Philip habang patuloy na tumitira ng malakas na bultahe ng kuryente.

"Ate Daisy pag nagpatuloy pa ito. Tiyak na matatalo na tayo dahil mauubusan tayo ng mana. Kailangan makaisip na tayo ng plano para tapusin ito"

Napalingon naman ako kay Ace ng sabihin nya iyon dahil may punto sya na malapit na kaming maubusan ng mana. Tinignan ko sya patuloy sya pagbato ng mga fire balls sa kalaban.

Tinignan ko sila isa isa kitang kita ko na malapit na sila sa limitasyon nila at hirap na hirap na sila habang patuloy sila sa pag atake.

Kailangan na naming makaisip ng paraan para agad syang matalo sa laban. Kaya tinignan ko ang kalaban namin para obserbahan at makahanap ng kahinaan.

Habang tinitignan ko ang patuloy namin pag atake ay may napansin ako.

"Gerald tumigil ka sa pag atake dahil mas lalo syang dumadami sa bawat pagtama ng sandata mo sa kanya!" Sigaw ko kay Gerald.

Base sa nakita ko pagtatamaan nya ang kalaban ng close to close combat ay mas lalo itong dumadami. Napatingin sya sa akin at tumingin din sa kalaban namin.

"Tama ka nga Daisy kaya pa la mas lalo syang dumadami sa bawat pagtama ng atake ko" sabi ni Gerald sa akin.

Napatigil din sila Ace at Philip sa pag atake at tumigil rin ang patuloy na pagdami ng kalaban namin.

"Pero Ate Daisy kung hindi tayo aatake. Paano tayo mananalo laban sa kanya kung hindi tayo aatake?" Tanong ni Ace sa akin.

Napaisip naman ako kung anong taktika ang gagamitin namin. Kung dumadami ang kalaban posibleng peke lang ang lahat ng katawan nya at iisa lang ang totoo.

'Pero sino sa kanila ang totoong kalaban namin?"

Tinignan ko ang mga kalaban namin na pareho ang katawan at kilos ng bawat isa.

"Humanda kayo! may posibilidad na isa lang ang totoo sa kanilang lahat kaya dapat mahanap natin kung sino sa kanila ang totoong katawan ng kalaban natin" sabi ko sa kanila at agad din silang naging alerto para mahanap namin ang totoong kalaban.

May naisip akong atake na tiyak na makakatulong sa amin.

"Heavy storm!" pagkatapos kung sabihin iyon ay umulan ng malakas.

"Sumilong kayo sa mga puno!" utos ko sa kanila na agad din nilang sinunod.

Kanya kanya kaming tumakbo sa mga puno para sumilong habang paunti unti na bumabagsak ang clone ng kalaban.

Naisip ko na ang kapangyarihan nya ay may kinalaman sa apoy kaya sinubukan kung magpaulan ng malakas.

"Philip gumamit ka ng kuryente at patamain mo sa lupa!" sigaw ko kay Philip dahil nasa malayo sya sa akin.

Tumango naman sya agad sa akin at gumamit ng malakas na kuryente at pinatama sa lupa.

Pagkatama ng kuryente sa lupa ay naging malakas ito dahil sa lakas ng tubing na galing sa ulan. Kaya ang tubig na nasa lupa ay nagkaroon ng kuryente na mas lalong nagpabilis sa pagtalo sa mga clone.

Maya maya pa ay pinatigil ko na ang ulan dahil maaring kami ang tamaan ng lumalakas na kuryente sa lupa. Pagkatigil ng ulan nagtaka kami dahil wala ng natira na kalaban namin.

Reincarnated As One Of The Triplets VillainWhere stories live. Discover now