CHAPTER 41:THE MYSTERIOUS ANCIENT CLOCK

1.9K 126 1
                                    

Chapter 41:The mysterious ancient clock

Pagkatapos sabihin ni Billy ang mga katagang iyon ay bigla syang naglaho na parang bula.

Napakunot ang aming noo sa kanyang sinabi hindi namin maintindihan ang sinabi nya.

"Daisy pumasok na tayo sa loob"sabi ni Prince Nathan.

Napatango naman ako pagkapasok namin ay sobrang dilim ng paligid.

"Philip gumawa ka ng apoy para makita natin ang dinadaanan natin" utos ko kay Philip.

Gumawa sya ng apoy sa magkabila nyang kamay at 0biglang nawala sa dalawa nyang kamay.

Parang hinigop ang ginawa nyang apoy at sumindi ang apoy sa mga bunganga ng mga estatwang dragon na nasa buong paligid.

"Mag ingat tayo at matyagan ng mabuti ang paligid dahil hindi tayo sigurado kung may patibong na nag aantay sa atin"babala sa amin ni Prince Royce.

Habang patuloy kami sa paglalakad nagtaka kami dahil wala pang mga patibong kami na nakita.

"Wala namang kahit isang patibong sa lugar na ito"dismayadong sabi ni Ace habang patuloy na patalon talon na naglalakad na parang wala kami sa isang misyon.

Bigla syang huminto sa paglalakad at dahan dahan na lumingon sa amin

Halatang kabadong kabado sya dahil pinagpapawisan ang noo nya.

"Anong nangyari bakit ka huminto?"takang tanong sa kanya ni Lucas.

"Parang...may naapakan akong kakaiba"kabadong sabi nya sa amin.

Lumapit kami sa kanya at nakita namin na may naapakan syang nakalubog na tile sa ilalim ng kanyang paa.

"Wala pa lang patibong ha"pang aasar ni Lucas kay Ace.

"Ang lakas mong mang asar kung hindi lang ako nandito ay yari ka sa akin"pangbabanta nya kay Lucas.

"Kung kaya mo"kompyansang sagot ni Lucas.

"Tumigil na nga kayong dalawa"pang aawat ni Chielsea sa kanilang dalawa.

"Anong gagawin ko?"takot na tanong ni Ace sa amin.

"Sa palagay ko kapag inangat mo ang paa mo. Saka palang aandar ang trap pero ang tanong anong klaseng trap ang naapakan mo?"sabi ni Prince Royce.

"Paano nato?"tanong ko sa kanila.

Tinignan ko sa malapitan ang naapakan nyang trap at ang paligid sinusubukan kong hulaan kong anong klaseng trap ito.

"Subukan hating angatin ang paa mo para malaman natin ang mangyayari"

Tumango naman kami sa sinabi ni Lucas dahil kung hindi namin gagawin iyon ay hindi kami makakusad sa aming misyon.

Pumwesto si Philip sa paanan ni Ace at dahan dahan na inangat ang paa nito.

Pagka angat ng paa ni Ace ay nag antay kami sa patibong pero ilang sandali pa wala namang nangyari.

"Wala lang pala ang naapakan ko" masayang sabi ni Ace at agad na pinunasan ang pawiz nya sa kanyang noo.

Maya maya pa ay may narinig kaming tumunog kaya naging alerto kami.

Sunod ay may parang tunog ng mabigat na bagay na gumugulong papunta sa amin kaya napalingon kami sa pinang gagalingan ng tunog.

"Malaking bilog na batong apoy!"hindi makapaniwalang sabi ni Chielsea.

"Bilisan natin magtago dahil mabilis ang pagbulusok nito papunta sa atin"tarantang sabi ni Lucas.

Reincarnated As One Of The Triplets VillainWhere stories live. Discover now