CHAPTER 13:MISSING

6K 333 1
                                    

Chapter 13:Missing

Daisy POV

Pagkatapos ng usapan namin ni Ama ay agad kong inalalayan si Ace papunta sa aking silid. Dahil pansamantala muna syang makikihati sa akin ng kwarto. Dahil hindi pa tapos ayusin ang kwarto ni Ace.

"Andito na tayo" dahan dahan kong binuksan ang pinto at pinapasok si Ace sa loob.

"Ngayong gabi tabi tayong matutulog. Ikaw sa kaliwa at ako sa kanan. Wag kang mag alala hindi ako malikot matulog" agad nyang tinitigan ang higaan at agad ding tumango.

"May dala ka bang pamalit na pantulog?"

Agad syan umiling  kaya naman ay agad akong pumunta sa aking aparador. At kinuha ang damit ni Lucas naibinigay sa akin noong nagkasakit ako sa mansyon ng mga Diamond.

At agad kong inaabot ito sa kanya. Pagkaabot ko sa kanya ng damit bakas ang pagtataka sa kanyang mukha.

"Damit yan ni Lucas na ipinahiram sa akin. Sya ang estudyante  ko sa mansyon ng mga Diamond"

Tinignan nya ako mula sa ulo hanggang paa. Parang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko. Napailing na lamang ako kahit naman sino hindi maniniwala sa sinabi ko.

"Mga ilang buwan na rin ako wala sa mansyon na ito. Nagtatrabaho ako sa mansyon ng mga Diamond. Kakabalik  ko lang noong nakaraang araw."

Ng maintindihan nya ay agad syang tumango sa akin. At kanya kanya na kaming nagpalit ng damit pantulog.  Natulog na agad kami at alam ko bukas na hindi magiging madali ang lahat. Lalo na  naaalis si Ama bukas para ayusin ang problemang ito.

Pagkagising namin ay umalis na  agad si Ama ng maaga kaya kami na lang ang naiwan sa mansyon. Bumaba na kami para mag almusal kasama si Ace pero pagkababa namin. Nakita naming hindi binigyan ng plato sa mesa si Ace

Yumuko lang sya at nanatiling nakatayo. Kaya agad kong pinatawag ang aming kasambahay. Na kinaagaw pansin nila Ina. Alam kong masama pa rin ang loob ni Ina sa pagtataksil sa kanya ni Ama.

"Ate Julia maaring paki kuha ako ng plato para kay Ace"

"Masusunod po Miss Daisy"

Agad syang kumuha ng plato at nilagay sa pinakadulo ng mesa. Kaya napabuntong hininga na lang ako tulad ng aking inaasahan na magiging trato kay Ace dito sa mansyon.

"Ate Julia dito mo ilagay sa tabi ko ang plato ni Ace"

Agad nya naman ako sinunod at naupo na si Ace sa tabi ko. Inaasahan ko na ganito ang mangyayari dahil walang asawa ang matatanggap ang anak sa labas ng asawa nya.

Nagsimula na kaming kumain pero agad din silang umalis na parang may nakahahawang sakit ang kasama silang kumain.

Tinignan ko si Ace nanatili lang syang nakapokus sa pagkain pero mahahalata ang mahigpit na hawak nya sa kutsara at tinidor. Agad kong hinawakan ang kanyang ulo kaya agad syang napatingin sa akin.

"Hayaan mo munang matanggap nila ng paunti unti ang sitwasyon. Maghanda ka kasi mamaya isasama kita sa pamilihan para mabilhan ka ng mga bagong damit"

"Hindi na kailangan may mga damit pa naman ako na binili ni Ina para sa akin"

"Isasama pa rin kita mamaya papuntang pamilihan sa ayaw mo man o gusto dahil obligasyon ko iyon bilang nakakatanda mong kapatid"

Pagkatapos kumain ay agad kong pinahanda ang karwahe para maka alis kami agad. Dahil marami pa kaming bibilhin.

Pagkarating namin sa pamilihan nilibot ko agad ang aking paningin. Dahil ngayon lang ako nakapunta sa pamilihan sa mundong ito.

Hinawakan ko ang kamay nya para hindi sya mawala.  Hinila ko sya sa isang boutique para mabilhan ng mga bagong damit.

Ngayon ko lang napansin na sobrang payat nya at naninilaw ang kanyang balat dahil na rin siguro sa malnutrisyon. Pagkatapos naming bumili na mga damit. Pabalik na sana kami ng may nalimutan akong bilhin.

"Sandali lang Ace may nalimutan akong bilhin. Dito ka lang muna hintayin mo ako mabilis lang ako. At babalik rin ako kaya dito ka lang mag antay sa akin"

Tumango naman sya kaya dali dali akong tumakbo sa bilihan ng mga matamis. Dahil tiyak ako na hindi pa nakatikim nito so Ace.

Pagkatapos kung bumili masaya akong naglalakad pabalik sa pwesto na pinag iwanan ko kay Ace.
Pero pagkarating ko wala si Ace kaya agad ko syang hinanap.

Nagtanong tanong ako sa mga dumadaan kong may nakita silang batang lalaki na may violet na buhok at pulang mata.

Kasalan ko kung bakit sya nawala kung hindi ko sya iniwan hindi sya mawawala.

'Nasan ka na Ace???"




Reincarnated As One Of The Triplets VillainWhere stories live. Discover now